Maaga akong bumangon upang magluto ng almusal at kape ni itay dahil nakasisiguro kong masakit ang ulo niya dahil sa alak.Mag alas kwatro palang ng umaga ay bumangon na ako dahil 6 ng umaga ang pasok ko.Nagtatrabaho ako bilang isang sales lady malapit dito saamin kaya lakad lang ang ginagawa ko.
Papalabas na ako ng kwarto ng may marinig ako sa labas na para bang mga nagbubulungan.Nakapatay pa ang ilaw kaya dahan dahan akong naglakad patungo doon at maingat na sumilip.Nakita ko ang aking ama na may kausap na tatlong lalaki.bakit ang aga ni itay ngayon? tanong ko sa sarili kong utak.Pinaningkit ko pa ng husto ang mata Kong nakasilip at halos mapahawak ako sa dibdib ko.May mga nakasukbit na Baril sa mga lalaking ito.Nakaramdam ako ng takot para sa aking ama kaya akma akong lalabas ng mapahinto ako sa sinabi ng isang lalaki.
"Siguraduhin mo marcial,alam mo namang gusto ni boss iyang anak mo matagal na.Bukod sa maganda ay napakakinis pa." bigla akong kinilabutan.anung pinagsasasabi nito?dinikit ko pa ng husto ang tenga ko sa bandang bintana,alam kong hindi nila ako kita dahil madilim dito sa loob ng bahay.
"Oo,alaga ko iyon eh para talaga iyon Kay sir magno." parang gusto kong maiyak sa sinagot ng itay.Hindi ko maintindihan anu bang nangyayari.
"Buti naman at pumayag kanang ipambayad iyak anak mo,tuwang tuwa si boss at sabik na sabik dyan sa anak mo." singit ng isa pang lalaki.
"Mas mabuti na iyong mas maaga,kesa mapunta siya sa mga walang kwenta at walang silbing lalaki. baka mabuntis pa ng iba eh di siguraduhin ko ng Kay sir magno nalang siya magkapera pa ako." napangisi ang dalawang lalaki sa tinuran ni itay habang ako naman ay tuluyan ng napaluha sa sinabi ng sarili ko pa mismong tatay.gagawin niya akong pambayad.Ang sakit sakit parang tinatarakan ng napakaraming punyal ang puso ko.
"Tama ka naman,kung may pera lang ako,ako ng bibili sa anak mo eh itsura palang kasi ay masarap na paano pa kaya kapag natikman na talaga." sabi ng isang lalaki na pahawak hawak pa sa p*********i niya.
"Tarantado! Kay sir magno lang ang anak ko.total nagkausap naman na kami kanina nung tinawagan ko siya na bayad na ako sa lahat ng utang ko sakanya at babayaran pa niya ako ng isang milyon." sabi ni itay na kinikiskis kiskis pa ang mga palad habang iniisip ang perang matatanggap.
"Hahaha,napakaswerte ni boss,iba na talaga kapag mayaman.pero teka kelan daw ba kukunin ni boss yang anak mo?" tanong ng isa pa.kinakabahan man ay pilit kong pinakinggan ang mga usapan nila.
"Mamayang hapon ay dadalhin ko ang anak ko sakanya,pumapasok pa kasi iyon.sasabihan ko munang magpaalam na para makuha pa iyong masasahod niya doon abat sayang pa iyon. " sagot ng tatay ko na ngayon ay patawa tawa pa.BAKIT itay?bakit? tanong ng utak ko.Mahal na Mahal kita at ayaw kitang iwan pero ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para mapalayo ako saiyo.masakit isipin na ikaw na ama ko ay kayang kaya akong ibenta pamalit lamang ng pera.
Dali Dali akong umayos sa pagkakasilip at dahang dahang bumalik sa loob ng aking silid.pagkapasok sa loob ay hindi ko na napigilan pa ang pag hagulgol.ang sakit sakit.Niyakap ko ang sarili habang umiiyak.Kaya kong tiisin ang pananakit niya saakin at iba pa pero ang gawin akong pambayad ay hindi ko na maatim.Umaasa akong magbabago pa siya pero nagkamali ako dahil sukdulan na ang kasamaan niya.Umayos ako ng tayo at nagpunas ng mga luha.
Kinalma ko ang sarili at lalabas na ako para magluto ng almusal.Hindi ko ipapahalata dito ang nalaman ko.Kahit sa huling sandali ay gusto ko siyang makasama.Aalis ako dito.yan ang itinatak ko sa utak ko.
Pagkalabas ng kwarto ay nadatnan ko ang itay na papasok na sa bahay,napatingin siya saakin at tila ba itoy nagulat pero agad ding sumimangot.Gusto kong maiyak,pero pilit kong pinigil ang sarili at ngumiti sakanya.
"Goodmorning po Tay,gusto niyo ba ng kape?" tanong ko sakanya habang nakangiti.Tumango lang siya bilang sagot.Himala at hindi niya ako sinigawan ngayon,dahil ba ito na ang huling araw na makakasama niya ako dahil balak na niya akong ipambayad?
Pagkabigay ko sakanya ng kape ay hindi niya man lang ako nilingon.Gusto ko siyang yakapin at magmakaawa pero hindi ko magawa dahil alam kong walang mangyayari kung gagawin ko iyon.Bumalik ako sa kusina para magluto ng almusal,trenta minutos nalang ay mag aalas sais na pero heto ako at kukupad kupad pa.Hindi ko na balak pang pumasok sa trabaho,mag aayos nalang ako para magpaalam sa trabaho at makuha ang huli ko pang sahod.
Pagkatapos kumain ay nagtungo agad si itay sa banyo para maligo habang ako ay nagsisimula ng magbihis.Wala na sa isip ko ang maligo kahit sa pagkain ay hindi ko magawang kumain ng maayos.Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto namang lumabas din ang aking ama sa banyo at nakabihis na ito.Lalagpasan ko na sana siya pero napahinto din ako at napalingon sa gawi niya.
"Aalis ako,mamayang hapon pa ang balik ko.at gusto ko magpaalam ka narin sa trabaho mo dahil meron kang ibang tatrabahuin."tumango nalang ako bilang sagot.Gusto ko man tumutol ay hindi ko na ginawa dahil naiiyak na ako.Lumakad si itay papunta sa pinto palabas pero napahinto siya ng bigla ko siyang yakapin sa kanyang likuran.Hindi ko na kaya.Hindi ko na talaga Kaya.Kahit sa huling sandali gusto ko siyang mayakap,Mahal ko siya kahit sukdulan na.Napaiyak narin ako habang yakap yakap siya.Tila naestatwa ang itay sa ginawa ko.Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa pagkakayakap.
"Ano ba sheyah!" sigaw niya at napabitaw ako sakanya.Humarap siya saakin at kita kong may lungkot sa mga mata niya ng makitang umiiyak ako pero nilabanan din niya iyon at matalim akong tinitigan. "Anu bang nangyayari sayo at may payakap yakap kapa dyan!" bulyaw niya.
"Tay may masakit po ba sainyo?nag aalala po kasi ako sainyo." sabi ko habang nagpupunas Punta ng luhang tila ayaw tumigil sa pagbagsak.Nabigla ang itay sa sinabi ko pero mabilis ding umiling.
"Wag mo akong dramahan sheyah ke aga aga pinapainit mo ulo ko!" sigaw niya at tuluyan ng lumabas ng bahay habang ako ay naiwang luhaan.
Pinunasan ko ang mga luha ko at pumasok sa kwarto.Nilabas ko ang ipon kong walong libo at pumasok sa kwarto ni itay.Iiwan ko ito sakanya para may pang gastos siya kahit papano.
Gaya ng Plano ko ay nagpaalam na ako sa trabaho ko at nakuha ko ang tatlong libo kong sahod.Tama na saakin ito.Bahala na. sabi ng isip ko.Uuwi nalang ako para kumuha ng damit na dadalhin ko sa pag alis.Habang wala sa sariling naglalakad ay napalingon ako sa pagtawag saakin ni kuya Marko.
"Sheyah!" sigaw niya.lumapit ako dito at agad niyang hinawakan ang mga pisngi ko.
"Kanina pa kita tinatawag pero parang wala ka sa sarili,okay ka lang ba?" napangiti ako ng pilit.Napayakap ako sakanya ng mahigpit at hindi na napigilan pang umiyak.
"Kuya si itay balak akong gawing pambayad utang." mahina kong sabi.
"Ano!?" halos mapasigaw ito sa nasabi ko.biglang nag igting ang mga panga niya.Mabait ito saakin hindi iba ang Turing niya saakin kaya Mahal ko ito.Gwapo ito at nasa edad 29 na siya,marami ding nagkakagusto sakanya.Hanggang ngayon ay binata pa siya kaya minsan pag magkasama kami ay napagkakamalan kaming mag kasintahan.
"Nandito lang ako para kumuha ng damit.aalis ako.tatakas ako kuya.Hindi ko kaya ang gusto ni itay."
"Tang ina talaga ng tatay mong yan!" hinawakan ko ang braso niya dahil para na itong magwawala sa galit.
"Kuya huminahon ka,gusto ko sanang wag mong ipaalam ito kahit kanino.mamimiss kita kuya sobra." mangiyak iyak kong sambit.Niyakap naman ako nito ng mahigpit
"Ito kunin mo ang cellphone number ko para maitext mo ako kapag nakaalis kana at pupuntahan kita kahit saan kapa." cellphone number niya na isinulat niya agad sa mismong palad ko dahil may hawak itong ballpen.boyscout! sabi ng utak ko kaya napangiti ako.
"Halika sasamahan na kitang kumuha ng mga damit mo." sabi niya at tumango ako.Pero napahinto agad kami at bigla niya akong hinila sa sa sulok at sumilip kami sa gawi ng bahay.kita naming may dalawang sasakyan doon at kasama ang ama ko sa taong bumaba sa sasakyan.halos manlambot ang mga tuhod ko.Ito ba ang mga kukuha saakin?pero ang dinig ko ay sa hapon pa ako.bigla akong napatingin Kay kuya Marko at nakatingin ito saakin.Hinawakan niya ang pisngi ko at napaluha ako.
"Kailangan mo ng umalis sheyah,itetext mo ako ha?" bumunot siya ng dalawang libo sa bulsa at inabot saakin. "Kunin mo ito, pasensya kana kung ito lang ang kaya kong ibigay saiyo." sabay lapit ng mukha niya at pinagdikit ang mga noo namin.
"Kuya,mamimiss kita at salamat sa lahat." niyakap ko siya pero agad ding niya akong itinulak ng bahagya.
"Tumingin ka saakin.magkikita pa tayo okay?sige na kailangan mo ng umalis bago kapa makita ng Hayop mong tatay." sabay hawak sa kamay ko at mabilis na pumara sa tricycle.Pinasakay niya agad ako at binilin sa tricycle driver na sa terminal ako ihatid.
"Kuya natatakot ako." Hindi ko mabitiwan ang mga kamay niya.
"Tibayan mo ang loob mo,ang mahalaga ay makalayo ka muna dito." sabay halik sa pisngi ko at sumenyas sa tricycle driver na umalis na.
Habang papalayo at paliit ng paliit sa paningin ko si kuya Marko ay hindi ko mapigilang hindi mapahagulgol.panay ang tingin saakin ni manong pero hindi ko na iyon pinansin. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula.hanggang sa tuluyan ko ng hindi makita si kuya Marko.God wag niyo po akong pabayaan. pagdadasal ko sa aking isip. wag niyo rin pong pababayaan ang aking itay.