"Tay tama na ho iyan." pag awat ko sakanya dahil gaya ng dati ay nakikipag away nanaman ito sa kapitbahay.Ganito nalang lagi ang eksena sa tuwing lasing ito.Naiinis ako pero hindi ko siya magawang hayaan lang dahil kahit hindi maganda ang trato niya saakin ay Mahal ko ito at ayokong iwan ito dahil baka mabugbog siya at walang tumulong sakanya dahil halos lahat ng kapitbahay ata namin ay kaaway na ng aking ama.
Tinabig niya ang kamay ko sa braso niya,at dinuro ako. "Huwag kang makikialam dito kung ayaw mong ikaw ang sapakin ko!" sigaw niya saakin pero hindi ko ito pinansin,hindi rin ako nakaramdam ng takot ng sabihin niyang ako ang sasapakin niya,siguro dahil ilang beses na akong nakatanggap nun sakanya ay tila balewala nalang iyon saakin kahit pa ngkakapasa ako.
Malakas akong itinulak ni tatay at halos mapaupo ako sa lakas,mabilis naman akong tinulungan ni aling Marta.
"Hayaan mo na ang tatay mo sheyah."sabi ni aling Marta,umiling lang ako at tinignan ito saka humingi ng tulong.
"Hindi ko po pwedeng hayaan lang si tatay,pakiusap aling Marta tulungan niyo akong tumawag ng mga barangay tanod."tumango naman ito bilang sagot at Dali daling umalis upang magtawag ng tanod.
Napayakap ako sa bewang ni kuya Marko habang ang tatay ay hawak ng ibang kalalakihan upang pigilan sa pagsugod Kay kuya Marko.si kuya Marko ay mabait,madalas nilang gamutin ang mga sugat ko sa tuwing masasaktan ako ni tatay,tinuring ako nitong parang kapatid kaya ayoko ding may mangyari sakanya.Sadyang mapang hamon lang itong si tatay at matabil ang dila kaya siguro napikon si kuya Marko kaya hindi ko ito masisisi.
"Kuya please Tama na po." yakap yakap ko siya habang patuloy ako sa pagluha.kita naman nito kung pano ako umiyak kaya tila bahagyang huminahon ito.
Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. "BAKIT ba hindi mo pa iwan ang tatay mo sheyah,masasaktan at masasaktan ka lang hanggang nasa puder ka niya." umiling ako at tila hindi niya nagustuhan ang pag iling ko.
"Hindi ko kaya kuya,siya nalang ang pamilya ko.kahit ganyan siya ay Mahal ko siya dahil siya parin ang tatay ko." kahit malaki na ako na pwede nang umalis sa puder ng aking ama ay hindi ko ginagawa dahil kahit masama ang ugali nito ay Mahal ko ito.
Umiling si kuya Marko sa sinagot ko. "Makinig ka sheyah,maraming nagmamahal sayo.Hindi mo man kami kadugo ay tinuturing ka naming pamilya,di tulad ng ama mong walang puso." napaiyak ako lalo dahil totoo ang sinabi niya.magsasalita na sana ako ng sumabat ang aking ama na hawak hawak parin ng ibang kapitbahay.
"Tang ina mong Hayop ka! lumayo ka Kay sheyah!" sigaw nito. "Hoy sheyah! wag mong sabihing may relasyon kayo ng putang inang iyan!" dugtong niya.
"Tay wala ho, walang namamagitan saamin!" sigaw ko sa ama ko na pilit kumakawala sa pagkaka hawak ng ibang kalalakihan.maya maya pa ay dumating na si aling Marta kasama ang barangay tanod at Dali daling pinagtulungan si tatay na Dalhin sa barangay hall upang pag usapan ang nangyari.
Akma akong lalapit Kay itay dahil halos masaktan na ito sa pagpipilit ng iba para lang maisama siya sa barangay hall. "Tay!" sigaw ko pero pinigilan ako ni kuya Marko. umiling ito at sinabing hayaan ko nalang pero hindi ko kaya.Tinanggal ko ang braso ko na hawak niya. "Kuya I'm sorry." tanging nasambit ko at tuluyan akong lumapit at nakasunod sa mga barangay tanod na hawak hawak ang tatay ko.
pagkadating naming lahat ay parang nahimasmasan na si itay dahil humingi siya ng pasensya sa panig nila kuya Marko,tinignan lang ako ni kuya Marko dahil tila ayaw nitong makipag ayos sa aking ama.
"Kuya please." mahina kong sabi kaya bumuntong hininga ito at sinabing pumapayag na siya sa pakikipag areglo.Ngumisi naman ang aking ama,alam kong may hindi maganda itong gagawin sa ngising iyon palang ay mahahalata na.Halos tumikom ang kamao ni kuya Marko sa pagtitimpi at pagpipigil sa ama ko.
Pagkalabas naming lahat sa barangay hall ay umuwi kami agad sa bahay ni tatay,pagkapasok ko palang ng pinto ay agad niyang hinila ang buhok ko sabay sampal sa pisngi ko ng sobrang lakas.
"Hayop kang babae ka! bakit mo niyayakap ang tarantadong iyon ha!?may relasyon ba kayo! " sigaw saakin ni itay.napahawak ako sa pisngi ko na piling ko ay namamaga dahil sa lakas ng pagkakasampal.
"Itay wala ho.wala ho talaga!"
"Siguraduhin mo lang sheyah! hindi ko hahayaang mapunta ka lang sa iba ng hindi ako nakikinabang!" sigaw niyang muli.Anung ibig niyang sabihin doon?hindi ko maintindihan, tatanungin ko pa sana siya pero pumasok na ito sa kwarto at dun ay nagbasag ng kung anu anu dahil dinig na dinig ang mga bagay na Sunod sunod na nababasag.
Mahal ko ang tatay ko,nung una ay palainom lang ito na lagi namang binabawalan ni inay.pero tila hindi nakayanan ni inay ng pagbuhatan siya nito ng kamay.Nagpakamatay ang inay dahil sa depresyong nararanasan dahil sa pananakit ng aking ama.simula noon ay lumala ang itay at di kalaunan ay gumamit ito ng pinagbabawal na gamot.Madalas din ito sa sugalan at napag alaman kong umuutang ito sa napakayamang taga dito.
Hindi ko alam kung paano siya nakakabayad ng utang,dahil kahit isang beses ay hindi ko ito nagawang tanungin.
Nang makabawi ako ng lakas sa pagkakasampal saakin ng aking ama ay nagtungo na ako sa kwarto at deretsong napatingin sa salamin.Tama nga ako dahil kitang kita ko kung gaano kapula ang pisngi ko,Halos hindi ko ito mahawakan ng maayos dahil sa sakit.Lumabas ako ng silid upang kumuha ng ipangtatapal sa pisngi ko at napansin kong tahimik na sa silid ng aking ama.siguro nakatulog na. sabi ng isip ko.
"Mahal kita itay,at hindi kita iiwan hanggang kaya ko." Mahina kong sambit habang nakatayo ako sa tapat ng pintuan ng silid niya.minsan ay umaasa akong magbabago pa siya kahit parang malabo ng mangyari iyon pero Humihiling parin ako palagi na di bale ng maging lasenggero siya basta mabago lang niya iyong ugaling pananakit at pakikipagaway.