CHAPTER 3

1302 Words
Nakatanaw ako sa bintana lulan ng bus patungo sa hindi ko alam.Habang papalapit ng papalapit ang kundoktor para tikitan ang bawat sakay ay napapaisip ako kung anu ang sasabihin kong Lugar,dahil maski ako ay hindi ko alam kung saan patungo ang bus na ito basta sumakay lang ako.bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko,gusto ko ng matapos ang pahihirap ko. sabi ng isip ko. Napaisip ako,simula pang maliit ako ay puro kalungkutan at pasakit ang naramdaman ko.Maski ang pagmamahal na tingin ko ay kulang din sa pagkatao ko.Tanging si inay lang ang nagparamdam saakin non,pero iniwan din niya ako.Hanggang ngayon ay dala dala ko ang sakit at kakulangan sa pagmamahal sa pagkatao ko.Maluha luha ako habang napapaisip na kahit pa 23 na ako ay naghihirap parin ako.Namamalimos ng pagmamahal. Naisip ko ang tatay,okay lang ba siya?wala siyang pakialam sayo! sigaw naman ng isip ko.Hindi ko alam kung nababaliw naba ako.basta ang alam ko ay masakit,sobrang sakit at hirap. Tuluyan ng nahulog ang mga luha ni sheyah,dahil sa mga naisip at problemang nararanasan.Lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa napapatingin sakanya ang babaeng kanina pa niya katabi sa bus.Tila hindi na napapansin ni sheyah ang mga nasa paligid dahil ultimong katabi nito ay parang hindi niya ramdam.Nakaramdam naman ng awa ang babae ng makita niyang umiiyak si sheyah kaya atubili niya itong tinanong. "Miss,okay ka lang ba?" tanong ng babae. Napalingon siya sa katabi at mabilis na nagpunas ng luha gamit ang palad pero sadyang ayaw makisama ng mga mata niya kaya patuloy ito sa pagtulo. "Ito oh." sabi ng babae sabay abot ng panyo. "Pasensya kana ha,hindi sa nakikialam ako kaya lang kasi kanina pa kita napapansin.okay ka lang ba?" tanong niya.alam niyang hindi ito okay,hindi naman kasi iiyak ito kung okay lang hindi ba?natanong lang niya iyon para makausap niya ito. Kinuha ni sheyah ang panyo na inabot ng babae at agad na nagpahid ng luha,maluha luha parin siyang napatingin sa babae. "Thank you." ngumiti siya ng pilit sa babae. "Oo ayos lang ako pasensya kana rin ha?" dugtong niya. "Okay lang iyon,saiyo nga ako nag aalala eh.San ba ang tungo mo?" tanong ng babae sakanya.Hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito.Napatitig siya dito,mukha itong mabait dahil sa tingin palang nito sakanya ay kitang kita ang pag aalala sa mga mata nito. "Hindi ko alam." sagot niya at napayuko nalang.kumunot noo naman ang babae dahil sa sinagot niya. "Hindi kita maintindihan." habang puno ng pagkakuryusidad ang itsura Napaangat si sheyah ng mukha at napatingin sa kundoktor na ngayon ay nakaharap na sakanilang dalawa ng babae at tinatanong kung saan sila baba.Napakagat labi nalang siya sa isiping saan nga ba?hindi niya alam.Tatanungin na sana niya ang kundoktor kung saan ba ang gawi ng bus ng biglang sumagot ang babae. "Kasama ko siya." sabay ngiti Kay sheyah.nabigla siya sa sinabi nito pero walang anumang lumabas sa bibig niya para tumutol.Kita rin niyang ang babae mismo ang nagbayad ng pamasahe niya.Pagkasabi ng babae sa kundoktor kung saan sila bababa ay agad niya itong hinarap. "salamat.salamat." sabi niya na maluha luha ulit. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo,pero tila nga wala kang alam kung San ka tutungo kaya sinagot ko nalang.pasensya kana ha?" paghingi ng paumanhin nito pero umiling lang si sheyah at napayakap sa babae na ikinagulat naman nito. "Salamat talaga.pasensya kana hindi ko kasi talaga alam paano.at saan ako pupunta." hikbi niyang sagot.at napabitiw na sa pagkakayakap "Pwede ko bang malaman ang dahilan? kung hindi ay okay lang naman saakin,hindi kita pipilitin.ako nga pala si Denise.Denise corpuz. " sabay lahad sa kamay at agad naman niya itong tinanggap. "Ako naman si sheyah.sheyah Reyes." napahinto siyang magsalita at pinakatitigan ang babaeng kaharap.Hindi niya alam kung dapat bang sagutin nito amg tanong o hindi nalang.Pero mabait naman siya kaya napagpasyahan niyang sabihin nalamang. "Lumayas ako Denise."tila nanlaki naman ang mata nito sa sinabi niya. "Ano!?" sigaw nito dahil sa pagkabigla.Nakaagaw naman ito ng pansin dahil halos lahat ng pasahero ay napatingin saamin."Ay sorry po.pasensya na po."hinging paumanhin niya sa paligid.Lumapit siya Kay sheyah at bumulong."Magtatanan kaba?bakit ka lumayas?"dugtong niya. Umiling si sheyah bilang sagot.Wala siyang nobyo,kaya napakaimposible nun.Napatitig ulit siya dito at tuluyan nanamang napaiyak ng mahina,pilit niyang pinipigilan ang sarili dahil ayaw niyang makaagaw ng pansin pero talagang napapaluha siya. "Balak akong ipambayad utang ng aking tatay." hikbi hikbi niyang sagot.Napatutop naman sa bibig si Denise dahil sa sinabi niya. "pAanong bayad utang?magiging alipin? katulong?o iba?" tanong nito. "Bilang babae ng pinagkakautangan niya,kapalit nun ay ang bayad niya sa utang at makatanggap ng malaking halaga. "nagpunas siya ng mga luha. "Gusto kong makalayo,pero hindi ko alam kung papano,neh patutunguhan ay wala." piling niya ay napakamalas niya. "Grabe yang tatay mo.sorry ha pero sinanla na ata niya ang kaluluwa Kay satanas." sabi niya at pabagsak na sumandal sa kinauupuan. "Teka asan ang gamit mo?" dugtong niya. "Wala akong dala na kahit ano maliban sa suot ko at dito." sabay pakita sakanya ng kulang kulang apat na libo mahigit.Kanina ay nasa limang libo ang hawak niya pero nabawasan na iyon dahil nagbayad siya sa tricycle kanina at ng makarating sa terminal ay bumili siya ng tubig na maiinom. Umiling si Denise sa nasabi ni sheyah.Bigla itong natahimik kaya ibinalin ni sheyah ang paningin sa labas ng bintana.Matagal bago hindi nagsalita si Denise. "Tutulungan kita." mahina nitong sabi.napalingon siya dito at nagtama ang mga mata nila.Seryosong mukha ang nakikita ngayon ni sheyah Kay Denise.Hindi siya nakasagot dahil hindi siya sigurado kung Tama ba ang narinig o nagkamali lamang. "Sumama ka saakin,at tutulungan kita." dugtong nito.Hindi siya makapaniwala na meron pa palang ganitong kabait na tao.Napayakap siya dito at nagpasalamat. "Salamat sayo." "Isa lamang akong kasambahay,ipapasok kita dun bilang kasambahay din kaya lang....." napahinto ito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "kaya lang mukhang hindi bagay sayo,ang ganda mo kasi tapos ang kinis kinis pa." kahit man siya ay hindi niya alam kung bakit makinis parin siya samantalang madalas siyang Saktan ng kanyang ama,kung minsan ay pasa o di Kaya ay masugatan.Napailing siya at mabilis na sumagot. "Marunong ako sa lahat ng gawaing bahay Denise.pangako aayusin ko basta tulungan mo lang ako." tumango tango naman itong si Denise."Sige, buti nalang pala at nagkasabay tayo.galing kasi ako saamin nagbakasyon pero pabalik ako ngayon kaya saktong sakto ipapakiusap kita kina manang susan." napangiti ako sa sinabi niya. "salamat talaga Denise.hulog ka ng langit saakin.Sana lang pumayag si manang susan na kakausapin mo." "Naku madali lang iyon,mabait iyon tiwala ka lang saakin.Sagot kita." sabay kindat sakanya.Napangiti siya ng husto dahil laking pasasalamat niya talaga at nakilala niya ito.sa sobrang tuwa,gusto niyang halik halikan ang mga palad nito. Biglang may umakyat sa bus na nagbebenta ng mineral water,meron ding nagbebenta ng lutong empanada at donut.Dali Dali siyang sumenyas sa mga iyon at nagsilapitan.Bumili siya sa mga iyon ng tig dalawa.sabay abot Kay Denise. "Naku wag na.sayo nalang iyan anu kaba." tanggi nito "Please Denise.pagpapasalamat ko ito saiyo,alam kong kulang pa itong kapalit na ito pero pangako babawi ako saiyo sa susunod." pilit na iniaabot ang mga pagkain,at sa wakas at tinanggap din ito ni Denise. Masaya silang nagkukwentuhan,iyong kaninang panay iyak niya ay napalitan ng bagong pag asa dahil Kay Denise.Babawi ako pangako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD