CHAPTER 10

1246 Words
JR BALMONTE: Hindi ko alam kong bakit ang lakas ng dating ni sheyah saakin. isa lamang itong katulong sa pamamahay ko na hindi bagay sa magandang mukha at napakakinis na mga balat nito.Unang kita ko palang sakanya ay nakaramdam na ako ng pagnanasa.Playboy ako kung maituturing,pero iba ang dating nito saakin. .Napakalambot ng kanyang mga labi.Mabilis din niyang mapainit ang pangangatawan ko sa pamamagitan lamang ng pagtitig sakanya.Pero sobrang laki din ng panghihinayang ko ng mahinto ang paghalik ko sakanya dahil dumating nga ang mga kaibigan ko.gustong gusto kong pumupunta ang mga ito sa aking bahay pero kagabi ay kulang nalang palayasin ko sila dahil sa pag udlot ng ginagawa namin ni sheyah.Hindi ko narin siya nasilayan ng lumabas ako ng kwarto. Kahit hindi niya sabihin,ramdam kong ginusto din niya iyon dahil kahit konting pagtutol ay wala akong naramdaman sakanya kaya hindi ko iniisip na kaya hindi na ito nagpakita kagabi ay dahil narealized niyang Mali ang ginawa namin. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo dahil sa pag inom namin ng mga kaibigan kong sila lance.Bumangon ako at nagtungo sa kusina.Nadatnan ko sila Denise at manang na naghahanda ng almusal.Hindi mapakali ang aking mga mata dahil hindi mahagalip ang taong gusto kong makita.Gusto kong itanong sakanila kung nasaan ito pero baka maging obvious na ako. "Goodmorning sir. " sabay sabay nilang bati.tinanguhan ko lang ang mga ito. "Denise make me a coffee,isunod mo nalang sa taas." sabi ko at tumalikod na. "opo sir." tipid nitong sagot kahit pa nakatalikod na ako. Pumanhik ako pabalik sa silid ko,imbes na mahiga ay pumunta ako sa terrace ng silid ko.Hindi naman kalakihan ito sakto lang ang espasyo para makapagpahinga.Itinukod ko ang dalawang kamay ko at dumungaw sa labas.Namataan kong nakaupo sa may tabi si sheyah na para bang may malalim na iniisip.Sa pagtitig ko sakanya ay masabi kong napakaganda nito,may maamong mukha at....Napahinto ako sa pagkalkula sa maganda nitong katangian ng makita kong umiiyak ito.Kahit nasa taas ako ay kitang kita ko kung paanu nito punasan ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi.Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso dahil nakikita ko itong ganito. "Sir Jr ito na po ang kape niyo." sabi ni Denise pero hindi ito napansin ni Jr dahil ang kanyang atensyon ay nasa babaeng kagabi lang ay kahalikan niya na ngayon ay umiiyak. "Sir?" ulit ni Denise pero hindi parin siya nito nilingon kaya lumapit siya dito.Napansin niyang may tinitignan ito kaya napadungaw siya at nakita niya si sheyah na umiiyak. Pagkalatag niya ng kape sa maliit na table ay lalabas na sana si Denise para puntahan si sheyah dahil alam nito ang pinagdadaanan.Kailangan nito ng makakaramay.Mabilis itong kumilos at nagpaalam Kay Jr,pero bago ito tuluyang makalabas ay tinawag siya ni Jr. "Denise." tipid kong tawag at napalingon ito sa akin.Gusto kong malaman kung bakit umiiyak si sheyah.dahil ba ito sa nangyari saamin? bulong ng isip ko. "Yes sir?may ipag uutos pa po kayo?" tanong ni Denise. "Can I ask you something?" "ano po iyon?" tanong nito at humakbang papalapit saakin.tinalikuran ko ito at tumingin ulit sa gawi ni sheyah na ngayon ay tulala at nakatanaw sa malayo.Napatingin din dito si denise. "Bakit siya umiiyak?my problema ba siya?" tanong ko Kay Denise habang ang mga mata ko ay nanatiling nakamasid Kay sheyah. "Ah eh..ano po kasi sir." sagot nito na parang hindi alam ang tamang sasabihin.Humarap ako dito at kunot noo ko siyang tinignan.mukha namang nakaramdam ng takot itong si Denise kaya mabilis na yumuko. "Tell me,ano ang problema niya? " Pinakatitigan ako nito ng maigi at bumuntong hininga bago sumagot."Sir Jr,si sheyah po kasi nag aalala sa tatay niya.Nakakulong daw po kasi ito ngayon. " sagot niya. "Bakit nakakulong?anung kaso?" tsismoso na kung tatawagin,gusto ko talagang malaman. "Sir,kasi po may malaking pinagkakautangan ito sa lugar nila na hindi niya nabayaran sa tamang araw ng usapan." tumango tango ako at binalik ang tingin Kay sheyah na ngayon ay nakatayo na at mukhang magdidilig ng mga halaman. "Magkano ba ang utang ng tatay niya?" tanong ko habang pinagmamasdan si sheyah sa ibaba. "Kung pagsasama samahin po ay nasa mag isang milyon po ata." napatingin ako bigla sakanya sa sinabi niyang iyon.napakalaking halaga ng inutang ng kanyang tatay.saan niya ginamit ang ganong kalaking halaga? "Saan naman niya dinala ang ganung kalaking halaga?" "Marami pong bisyo iyong tatay niya at gumagamit din po ng pinag babawal na gamot." napailing nalang ako sa nalaman.he deserves to be in jail naman pala.Bumuntong hininga ako dahil kahit isipin kong tama lang na makulong ito ay may saloobin ako na nagsasabing tulungan ko ito Para hindi malungkot si sheyah. "Sabihin mo sakanya na huwag na siyang umiyak.tutulungan ko siya para makalaya ang tatay niya." seryosong saad ko habang binalik ang tingin sa gawi ni sheyah. "Po!?" halos sigaw nitong si Denise.Napakunot ulit ako ng noo at tinignan siya ng masama,dahil sa inaakto nito iisipin kong hindi sang ayon ito sa sinabi ko. "Kung ako po kasi tatanungin sir, mas gusto kong nasa kulungan nalang ang tatay niya."dugtong niya. "At bakit?"tipid kong tanong "Ka-kasi sir j-jake." utal utal itong sumagot.may something! "What!?" inis kong tanong. "Sir kasi masama iyong tatay niya,sinasaktan niya si sheyah pero kahit ganun ay mahal na Mahal ni sheyah ang tatay niya kaya hindi niya ito maiwan iwan kahit pa sinasaktan siya." pagpapaliwanag nito.parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa nalaman. "What did you say!?" pasigaw kong tanong,natakot naman itong si Denise at Dali daling nagsalita. "Sir siya nalang po kasi ang natitirang pamilya niya kaya kahit sukdulan ang kasamaan ay hindi niya ito iniiwan.Dumating po sa punto na nalaman niyang ipambabayad siya sa utang sa isang mayamang taga sakanila na handang magbigay pa ng isang milyon kapalit niya.Para pong 2 in 1 ang purpose ng tatay niya.bayad na sa utang ay makakatanggap pa ng isang milyon." halos matikom ko ang mga kamao ko sa galit habang taimtim na nakikinig. "Sa punto pong iyon,hindi na kinaya ni sheyah.lumayas po siya na walang dala maski anu,dun ko po siya nakilala sa terminal kasi panay po ang iyak niya kaya naawa ako kaya pinakiusapan ko po si manang na tanggapin siya dito bilang kasambahay.Kahit po umalis siya sa puder ng ama ay Mahal na Mahal niya iyon,kaya nung malaman po niyang nakakulong ito ngayon dahil sa pinagkakautangan ay laking pagsisisi po niya na lumayas pa siya.Para nga pong gusto na niyang bumalik doon at gawin nalang ang nais ng ama pero pilit ko pong pinapaintindi sakanya na mas makakabuti kung hahayaan muna niya ang ama sa kulungan." mahaba nitong kwento.Napapikit ako sa nalaman.Hindi ko alam na ganito ka miserable ang nangyari sa buhay niya tapos heto ako at sinasamtala pa siya. "Damn you Jr!" sigaw ng utak ko.Minulat ko ang mga mata ko at tumingin Kay Denise. " you can go now." utos ko dito at tumango naman at tuluyang lumabas ng silid ko.sa sobrang galit na nararamdaman ko ay kinuha ko ang kape na nasa tabi ko at mabilis ko itong hinagis at nabasag.Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero isa lamang ang alam ko.Hindi ako papayag!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD