Pagkatapos ng nangyari saamin ay talagang hindi na ako lumabas pa ng kwarto.Nahihiya ako dahil sa nangyari.Pilit akong pinalalabas nila manang Susan para kumain pero sinabi kong masama ang pakiramdam ko.Nagawa kong mag sinungaling para maiwasan lamang ang nangyari lalo pat dumating pa ang mga kaibigan ni sir.
"Sheyah,ininom mo naba ang gamot mo?" sabi ni ate Denise na pumasok dito sa silid naming dalawa.
"Ate,hindi po talaga masama ang pakiramdam ko.pasensya na kung nagsinungaling ako." yokong paumanhin ko.gustong gusto kong sabihin sakanya ang nangyari pero natatakot ako at hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Ano?eh bakit nagsinungaling ka?may problema ba?"nag aalalang tanong niya saakin.
"Ate kasi...ano kasi eh.." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.tinignan ko ito pero mataman lang akong tinitignan. "Namimiss ko kasi si itay." pagsisinungaling ko nanaman.Hinawakan ko ang braso niya. "Ate wag mo nalang sanang sabihin kina manang Susan na hindi talaga masama ang pakiramdam ko."
bumuntong hininga si ate Denise at lumapit saakin ng tuluyan saka ako inakbayan."Sheyah,naiintindhan kita pero mas makakabuti saiyo na lumayo nalang sa itay mo dahil baka hindi lang iyon ang kaya niyang gawin." tinitigan ko ito pero tanging pag aalala lamang sa mga mata ang nakikita ko sakanya.Bigla kong naalala si kuya Marko.may numero pala siyang binigay saakin.Tumayo ako at hinanap ang papel na pinagsulatan ko sa numero niyang isinulat niya sa kamay ko bago kami magkahiwalay.Sa tagal kong nawala ay ngayon ko lang naalala ito.Siguro ay sobrang nag aalala na ito.
"Ate Denise,pwede bang makahiram ng cellphone mo?naalala ko kasi si kuya Marko.Nakalimutan kong magtext o tumawag sakanya,baka sobrang nag aalala na iyon." tumango naman si ate at kinuha sa bulsa ang cellphone.Inabot niya saakin ito ng nakangiti.
"Ayan,may pantawag iyan.Kuya mo ba iyon?"tanong niya saakin habang pinipindot ko ang mga numero.
"Hindi po ate,pero para ko narin po siyang kuya kasi sa tuwing sasaktan ako ni itay ay sakanila ako lumalapit.sila din ang gumagamot ng mga sugat ko sa tuwing masusugatan ako." tumango tango naman itong si ate Denise.nginitian niya ako at gumanti naman ako ng ngiti saka dinayal ang numero.
"Hello?" sabi ni kuya Marko.natawa naman ako ng mahina dahil unang ring palang ay sinagot na niya agad ang tawag ko.
"Kuya." tipid kong salita.
"She-sheyah!?" bulalas niya.
"Opo kuya,ako nga ito." nakangiti kong sagot.
"Salamat sa diyos at okay ka.bakit ngayon ka lang tumawag?araw araw kong hinihintay ang text o tawag na manggagaling saiyo,akala ko napano kana.sobrang nag aalala ako saiyo." nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa sinabi niya,napakabait niya at napakaswerte dahil nakilala ko ito.
"Okay na okay ako kuya,tinulungan ako ni ate Denise.nakilala ko siya sa terminal." napalingon ako sa gawi ni ate Denise at ngumiti.Ngumiti din ito saakin at sumenyas na lalabas na muna siya kaya tinanguhan ko naman ito.
"Salamat naman kung ganon.nasan kaba ngayon para mapuntahan kita."
"Kuya nandito po ako sa pampanga.Hindi ko alam ang eksaktong address eh.nagtatrabaho ako bilang isang katulong sa isang napakayaman na tao.Napakalaki ng bahay kuya parang isang mall." masaya kong sabi.
"Sobrang saya ko ngayon sheyah at mapapanatag na ang kalooban ko dahil alam kong ligtas ka."
"Sobrang saya ko rin kuya na nakausap ulit kita.pasensya kana talaga ha kung ngayon lang ako nakatawag,nakigamit lang ako Kay ate Denise.yaan mo kuya bibili ako ng cellphone na tig 300 iyong de keypad ba para lagi kitang matawagan."
"Mabuti nga iyan para naman hindi ako mabaliw dito kakaisip saiyo." napatawa naman ako "Ano naman ang nakakatawa don sheyah?"
"Hehe wala kuya masaya lang ako.kuya kumusta si itay?" biglang tumahimik si kuya Marko sa kabilang linya. "kuya nandyan ka paba?"
"Sheyah,ang papa mo kasi." pambibitin niya.nakaramdam ako ng kaba sa pagputol niya sa sinasabi.Hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya. "Sheyah,ang papa mo nakakulong." napatutop ako sa aking bibig,pinipigilan ang sariling wag mapahagulgol.Tumutulo ang mga luha dahil naaawa ako sa aking ama.
"Bakit po siya nakakulong kuya?"pilit kong tanong habang ang mga mata ko ay patuloy sa pag luha.
"Pinakulong siya ng mayaman na taga saaten dahil sa hindi pagbayad ng malaking halaga na inutang niya.Satingin ko siya rin ang taong balak kumuha saiyo kasi nung araw na umalis ka ay nagwala ang tatay mo sa kakahanap saiyo.Napakalaking halaga ang inutang ng ama mo,umabot iyon sa 700,000 mahigit.Binigyan siya ng dalawang linggong palugit para makabayad pero Sino naman ang makakabayad sa ganun kalaking halaga sa maikling panahon na palugit diba?tanging mayaman lang ang may kaya non." mahabang paliwanag niya.Sa puntong ito ay hindi ko na napigilan pang hindi mapahagulgol.Tanging iyak lamang ang maririnig saakin.Kung hindi ako umalis ay hindi sana makukulong ang itay,nakakaramdam ako ng pagsisisi.naaawa ako sa sinapit ng aking itay.Gusto ko itong makita.Halos manikip ang dibdib ko sa kirot at sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko tuluyang hindi magiging okay ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.
"Sheyah,tumahan kana.please.sabi ng mayamang pinagkakautangan niya ay Handa namang palayain ang itay mo kapag nabayaran niya ang utang." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o anu,dahil wala parin namang pinagkaiba iyon dahil malabo naming mabayaran ang ganong kalaking halaga.Pilit kong pinapakalma ang sarili pero hindi ko magawa,hirap narin ako sa paghinga dahil sa pag iyak ko.
Pumasok si ate Denise at nadatnan akong nakahawak sa kumikirot kong dibdib.Para itong naalarma sa ayos ko dahil halos hindi na ako makahinga.inagaw niya saakin ang cellphone.
"Pasensya kana pero sa ibang araw nalang kayo ulit mag usap dahil nahihirapan si sheyah ngayon.Pakalmahin muna naten siya dahil baka kung mapano siya." narinig kong sabi ni ate Denise.Humiga ako at bumaluktot.Niyakap ko ng mahigpit ang mga binti ko habang patuloy sa pag iyak.
"Sheyah, tahan na. magiging okay din ang lahat yan ang lagi mong isipin." Hindi ko magawang sumagot. "Sandali lang at ikukuha kita ng tubig." akma siyang tatayo para lumabas pero pinigilan ko siya.Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatitig sakanya ang mga luhaan kong mata.
"Ate wag mo akong iiwan." tanging nasabi ko.Kailangan ko siya sa tabi ko dahil para saakin magiging okay ako kapag nasa tabi ko lang ito.Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.Hinawakan niya ang ulo ko at bahagya akong hinalikan sa noo.
"Magpahinga kana muna." bulong nito saakin.Ipinikit ko ang mga mata ko habang hawak hawak parin ang kamay niya.Hanggang sa makaramdam ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.