Wala akong gana sa lahat,neh hindi ako nakikipag usap ng matagal kina ate denise.Tanging mapag isa lamang ang gusto ko sa ngayon.Iniiwasan ko ring makaharap si sir Jr pansamantala.Sobrang daming nangyayari saakin.Napakamalas ko.Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung anu ang Nagawa kong Mali at bakit pinaparusahan ako ng ganito.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may tabi ng mga bonsai ni madam Leticia,dahil kahit punong puno ng problema ang isip ko ay gumiginhawa ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga ito.Nilalaro laro ng mga daliri ko ang Bermuda grass na inuupuan ko habang ang isip ko ay nasa aking tatay.
"Hi?" Bati saakin ni sir Jr na ikinalingon ko.hindi ko namalayang lumapit ito sa gawi ko.MAbilis akong umayos at tumayo dahil baka may kailangan ito.Ilang man ako dahil sa nangyari noong nakaraan ay hindi ko pinapahalata.
"May ipag uutos po ba kayo sir?" tanong ko.hindi ito sumagot agad,kaya napatitig ako sa mga mata niya.BAKIT ganun may nakikita akong lungkot sa mga mata nito ngayon.Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya sa pagtitig saakin.
"Aa-ahmm..ehem!" umubo ito na para bang kinaklaro ang lalamunan. "Wala naman,gusto ko sanang magpasama sayo sandali sa office." napakunot naman ang noo ko,bakit ako nito isasama?dahil para may mautusan?
"Bakit po sir?" tanong ko.Kita ko kung paano lumunok ito at ibinalin sa ibang dereksyon ang mga paningin.
"Wala kasi iyong inuutusan ko doon ngayon,day off niya baka pwedeng ikaw nalang.sasaglit lang naman tayo may tatapusin lang akong ilang papers." kaya naman pala dahil gagawin akong utusan.sabagay,dahil iyon naman talaga ang trabaho ko.Tumango ako bilang sagot at tumalikod na ito saakin na para bang iniiwas ang paningin saakin.
"I'll wait you in the car." sabi nito sabay lakad papalayo saakin.hindi ko rin napansing nakasuot pala ito ng pang opisina,Napakurap kurap ako ng hindi ko na ito Makita kaya mabilis akong tumakbo papunta sa tinutulugan namin ni ate Denise at nagbihis.
Naglalakad ako palabas habang nag iisip.Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.Sa sobrang dami ay hindi ko naman mapigilan ang sarili.Bakit kaya parang may kakaiba sa awra niya ngayon,iyong tipong kelan lang ay magkalapat ang mga labi namin na para bang ako lang ang pilit umaalala sa nangyaring iyon.Hindi ko alam kung naiisip din ba niya iyon o talagang wala lang sakanya dahil sanay na sa ganoong gawain dahil sabi nga nila ate Tina ay playboy ito.
Nasa malalim ako ng pag iisip habang nakayuko ng bigla akong mabunggo.Kamuntikan na akong matumba pero maagap akong nahawakan sa bewang.Nabunggo pala ako Kay sir Jr.
"Pasensya na po sir. " hinging paumanhin ko.Ngumiti lang ito saakin.
"Lets go?" aya saakin sabay bukas ng pinto ng sasakyan na sinasabing sumakay na ako.Ngumiti ako ng pilit at saka tumango at sumakay na.Sa harap niya ako pinaupo.
Tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa napakalaki at napakatayog na building na pag mamay ari niya.Nakakalula! sigaw ng mangha kong utak.Nakakapanibago dahil sa tuwing makakaharap ko si sir ay madaldal ito pero kanina halos mabingi ako sa sobrang katahimikan naming dalawa.Naiilang din ba siya saakin?
Pinagtitinginan kami ng mga empleyado,lahat sila bumabati Kay sir may iba namang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napayuko nalang ako dahil hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya dahil sa mga matang nakamasid.
Nakarating kami ng opisina niya at talagang napaka classy nito dahil sa desenyo at mamahaling mga gamit.Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag ikot sa at tignan ang lahat ng sulok.
"Are you hungry?" biglang sabi ni sir Jr.Napatingin ako sakanya at ngayon ko lang napagtanto na pinagmamasdan na pala ako nito habang busy ako sa pag usisa sa mga nandito sa opisina niya.Bahagya itong nakasandal na parang nakaupo ng konti sa mesa habang nakapamulsa ang mga kamay at nakatingin saakin ng nakangiti ng pagkatamis Tamis.
"po?" tanging nasambit ko.bigla naman itong natawa sa sagot ko sa tanong niya kaya napanguso nalang ako.
Kita kong may pinindot ito sa mesa at maya maya pa ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa noon ang isang babae.
"call my lawyer and tell him to come."utos nito sa babae.Tumango naman ito. "and order me and her a food in my favourite resto." dugtong na utos nito sa babae.
Pagkalabas ng babae ay tumingin ulit siya saakin saka ngumiti.umupo ito sa couch at tinignan lang ako.Hinihintay kong utusan niya ako dahil iyon naman ang dahilan kung bakit sinama niya ako."sit here." sabay turo sa tabi niya kung saan siya naupo. "Hindi kaba nangangalay diyan?"sabi nitong nakangiti.
"Sir hinihintay ko kasi ang ipag uutos niyo." sagot ko.
Tumingin ito saakin ng seryoso,biglang nag iba ang ayos niya na kanina lang ay panay ang ngiti saakin. "Then kiss me." sabi niya.napaawang ang labi ko sa sinabi niya.Pinagtitripan ba niya ako?Hindi ako nakasagot sa pagkabigla.Tumayo ito at lumapit saakin.Nanatili akong nakatayo.
Huminto siya at hinawakan ako sa bewang at inilapit sa katawan niya.Bat ganun hindi ko magawang mag reklamo? sobrang diko ng mga katawan namin,yumuko ito para ipantay sa mukha ko ang mukha niya.NaPakabango ng hininga niya.Hindi ko maiwasang hindi amoyin kaya inamoy ko pa talaga.Napatawa naman ng mahina si sir at mabilis akong nahiya dahil sa ginawa ko.
"Sorry sir ang bango mo kasi hindi ko maiwasan."
Nilapit niya ang labi niya sa puno ng tenga ko at nagsalita.Bigla akong nakaramdam ng init dahil naramdaman ko ang labi nito na dumikit sa tenga ko.
"I miss you especially your lips." bulong niya.Napatingin ako agad sa mukha niya,sa mata paba sa labi.Napalunok ako.Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong hinalikan.
Halos mabuwal ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko habang hinahalikan ako.Sobrang Tamis,at lambot ng mga labi niya.Naramdaman kong unti unti akong sumasabay sa halik niya dahilan para lalong dumiin ang mga labi niya sa paghalik.Napakapit ako sa batok niya dahil dalang dala nako sa halik niya.Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko,halos mapaungol narin ako dahil unti unti na akong nawawalan ng hininga sa tagal ng halikan namin.Nakakasabay na ako sakanya sa halikan at ramdam kong lalo nitong pinag igihan,tila walang balak na tumigil kahit magkaubusan pa kami ng mga hininga.
Dahan dahan niya akong dinala sa sofa habang magkahinang parin ang mga labi namin.Umupo siya at ako naman ay napasunod dahil hawak hawak nito ang bewang ko kaya habang nakaupo ito ay nasa harap niya ako.Nakatukod ang dalawa kong kamay sa magkabilaang gilid niya para hindi ako matumba sakanya pero hinila niya ang bewang ko at pilit na pinapaupo ako sakanya ng nakaharap.
Nasa ganung posisyon kami ng biglang may kumatok.MAbilis ko siyang naitulak at habol hiningang napatingin sa pinto.Hindi parin niya binibitawan ang bewang ko. "come in." sabi niya sa kumakatok sa labas.agad akong naalarma,kaya malakas ko siyang itinulak at umayos ng tayo sa isiping baka Makita kami ng papasok.Nakangisi ito ng tignan ko.Namula ako.
"Sir nandito na po ang pagkain niyo." sabi ng babae.habang naglalakad papasok na may bitbit na mga pagkain at inilapag sa table sa harap ng sofa kung saan kanina lang ay naghahalikan kami.Namula ulit ako kaya ng ngumiti saakin ang babae ay nag iwas ako ng tingin at tumingin sa dereksyon ni sir para maiwasan na mapansin nitong namumula ako.Nakangisi si sir Jr na nahalata ako at sumandal sa sofa. "Any minute po ay paparating narin po ang lawyer niyo.pinapasabi din po niya na nabayaran na niya lahat." dugtong nito.
"good!" sagot ni sir na halatang masaya. "You can go now. come sheyah let's eat." balin niya saakin at lumabas na ang babae. "Wala ka ng dapat pang problemahin kaya wag ka ng malungkot." dugtong niya habang nakatingin saakin.nanatili akong nakatayo.anu ang ibig niyang sabihin?