CHAPTER 5

1291 Words
Gaya ng sinabi ni Denise ay tinulungan nga niya akong makapasok sa mansyon.Naging kasambahay ako sa napakalaking bahay na ito.Akala ko noong una ay ayaw saakin ni manang Susan pero di nagtagal, napagtanto kong Mali ako.Napakabuti nito saakin,halos lahat sila dito ay tanggap ako.Naging payapa ang isip ko at nakalimutan pansamantala ang naging karanasan ko sa aking ama ng dahil sakanila.Madalas nila akong pasayahin,nalaman ko ding ako pala ang pinaka bata na nagtatrabaho dito kaya ang Turing nila saakin ay parang baby o bunso. "Manang Susan,bakit parang hindi ko parin nakikita iyong amo naten?nasa abroad ba?" tanong ko.dahil sa mabilis na araw ay tatlong linggo na ako dito pero hanggang ngayon ay neh anino ay hindi ko pa nakikita ang amo namin. "Naku,bihira mo lang yun makikita." sabi ng isang katulong na si ate Monique. "Busy yun sa trabaho." sagot ni manang Susan "At sa babae hahahaha." singit ng isa pang kasambahay. "Uy yang bibig mo Tina ,pag nalaman yan ni sir mapapalayas ka dito de oras ayaw pa naman nun ng pinag uusapan siya." singit ni ate Denise. Napanguso naman itong si ate Tina,busy ang iba pa sa paghiwa ng mga sangkap na lulutuin ni manang samantalang ako ay nakaupo lang dahil kaya nadaw nila at manood nalang daw ako.Kung titignan at iisipin ay para akong hindi kasambahay dito dahil halos wala akong ginagawa.Tumulong man ako ay madalas agad nilang sabihin na Kami nalang,maupo ka lang dyan.Napapangiti ako sa mga ito habang palipat lipat ang mga tingin sakanila. "Ilang taon na po ba iyong amo naten?" tanong ko. "Nasa 31 o 32 ata." sagot ni ate Monique. "32 ang alam ko eh." pagtatama naman ni ate Tina. "Bakit wala paba siyang asawa?eh asan ang iba nateng amo?iyong mga magulang niya." tanong ko. "Hoy sheyah,dami mong tanong ah.hahaha." napanguso naman ako sa sinabi ni ate Tina. "Eh kasi naman hindi ko alam ang mga itsura nila,wala man kasi akong makitang mga picture nila kahit dito dahil sabi nyo nasa mga kwarto nila.Baka kasi mamaya may makita akong ibang tao dito sa loob tapos mahampas ko nalang ng kung anung hawak ko dahil baka mapagkamalan kong masamang tao tapos yun pala isa sa mga amo naten eh di nayari ako." mahaba kong sabi.totoo naman kasi eh,paano nalang kung ganun nga dahil sa diko alam ang mga itsura ng mga ito.Neh hindi pa nga ako nakakapasok sa kahit anong silid dito maliban sa tinutulugan namin dahil kung may ipapagawa man saakin sina manang ay magagaang gawain lang tulad ng pagdidilig ng mga halaman,pagwawalis o maghugas ng pinggan at iba pa. "Ay naku she.basta pag may makita kang ubod ng gwapo at macho matik si sir Jr na iyon." sabi ni ate Monique.Napatango naman ako. Gusto kong itanong sa mga ito kung bakit nasabi ni ate Tina na busy iyon pati sa mga babae,wala ba siyang asawa? "Bakit kaya hanggang ngayon ay wala paring asawa iyon si sir noh?" sabi naman ni ate Denise.iyong kaninang balak ko itanong ay tinanong na ni ate. "Balita ko may nobya itong si sir pero hindi parin tumitigil sa pambababae dahil nasa abroad ang nobya." si ate Tina.saamin kasing lahat maliban Kay manang Susan ay mas matagal na itong naninilbihan dito kaysa kina ate Denise at iba pa kaya hindi na ako magtataka kong napakarami nitong alam. "Eh nasan po ang mga magulang ni sir? "tanong ko.dahil sa laki nitong bahay iisipin kong marami kaming pagsisilbihan pero ng lumipas ang mga araw iyong sinabi ko na marami ay halos wala nga kahit isa dahil kami lang halos ang magkakasama dito. "Patay na she." sagot ni ate Denise.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Napatingin ako sa gawi ng iba at mabilis na rumehistro sa mga itsura nila ang pagkalungkot at silay natahimik at itinuon ang mga sarili sa mga kanya kanyang gawain. "Namatay sila sa car accident." dugtong ni ate.Napatutop nalang ako sa bibig.BAKIT pa kasi ako nagtanong! "Tumigil na nga kayo.narito tayo para magtrabaho hindi para pag usapan sila." singit ni manang Susan. "Pasensya na po manang makulit ako." hinging paumanhin ko. "Okay lang iyon,pumunta kana sa labas at diligan mo iyong mga bonsai Don.Mahal na Mahal iyon ni madam Leticia kaya ingatan mo." napansin ko ngang napakaraming bonsai dun at halatang alagang alaga ito.pero Sino si Leticia? "Sino po siya?" "Siya ang mommy ni sir Jr.sige na at magtungo kana doon." si manang.Tumango ako bilang sagot at akma ng lalabas pero napatingin ulit ako sa mga hinihiwa nilang mga sangkap at nagtaka dahil ngayon ko lang napansin na sobrang dami naman ata nito. "Bakit po parang ang dami niyong iluluto ngayon?mayroon po bang okasyon?" tanong ko pa ulit. "Ay naku kang bata ka,napakarami mong tanong.hala pumunta kana nga doon."sabi ni manang Susan na halatang nakukulitan na saakin.Napatawa naman sila ate Monique at ate Tina samantalang si ate Denise ay pailing iling habang may ngisi sa mga labi.Napakamot nalang ako sa batok at ngumiti saka lumabas ng mansyon.Tinungo ko agad ang Hardin sa likuran at pumwesto para alagaan ang mga bago kong baby.Mahilig din kasi ako sa halaman,baby ko ang mga halaman gaya ng mga itinanim ko sa bahay. "Hello babies." sabay lapit ng mukha ko sa mga ibang bonsai habang napapangiti.Nakakaalis ng stress ang ganito. "Who are you?" tinig ng isang lalaking baritonong baritono ang boses sa aking likuran.Napalingon agad ako dahil nagulat ako. Tumambad saakin ang napakagwapong lalaki,may mahabang pilikmata at green na mga mata.Matangos na ilong,manipis na labi na Kay pula,haircut na para bang isang army,may malapad na dibdib,pumuputok na mga braso dahil medyo fit ang suot na t-shirt.Sa madaling salita PERFECT!sa kakatitig sakanya ay hindi ko namalayang lumapit ito saakin.Bahagya itong yumuko dahil maliit ako at inilapit ang mukha sa mukha ko.Feeling ko namumula ang mga pisngi ko.Mata palang na nakatingin saakin ay pakiramdam ko hinihigop ang buong kaluluwa ko para akong pinanghihinaan ng tuhod.Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya. "I'm asking you.who are you?" sa sobrang lapit ng mukha niya ay para na akong maduduling.Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang bumilis ang t***k nito.Sino ba ito?gwapo,at may magandang pangangatawan.Biglang nanlaki ang mga mata ko sa naalalang usapan namin kanina nila ate Denise na kapag gwapo at may malaking katawan ay automatic na ang amo namin ito.Si sir Jr! Napakurap kurap ako at umatras ng kaunti. "Ahm sir ako po pala si she-sheyah bagong kasambahay po dito." nanginginig na ata ako habang titig na titig ito saakin.Ngumiti ito saakin ng pagkatamis Tamis. "Oh nice to meet you sheyah.I'm Jr." sabay lahad ng kamay saakin.Naku Tama nga at ito ay ang amo namin.Hindi ko lubos maisip na ganito ito kagwapo.Napatingin ako sa palad niyang nakalahad at tumingin sa mukha niya.Nakangiti parin ito.ang gwapo! Hindi ako makakilos kaya hindi ko magawang tanggapin ang palad niya,hindi ko alam kung bakit.Kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at siya na mismo ang kumuha para makipag kamay saakin.Pinisil nito ang palad ko na nagbigay ng parang kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. "See you around." sabay kindat saakin at umalis na.Naiwan akong nakatanga habang nakatingin sa lalaking papalayo sa akin.Anong nangyayari saakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD