Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ang amo namin na kani kanina lang ay tinatanong ko pa.Kaya pala maraming niluto sila manang.Hindi man lang nila sinabi saakin na dadating pala ito ngayong araw mismo at bakit hinayaan pa nila akong magtanong ng magtanong sakanila.
Napasulyap ako kina ate Denise na may masamang tingin dahil sa hindi nila pagsabi saakin pero nginitian lang nila ako ng nakakaloko kaya napanguso nalang ako.
"Denise,ihanda mo na ang mesa at para makapag hapunan na si sir JR,ikaw naman Monique,tignan mo iyong niluluto ko." Utos ni manang sakanila.tumango naman ang mga ito habang si ate Tina naman ay naghahanda ng inumin.
"Ako po manang anu po ang gagawin ko?hindi mo nanaman ako inuutusan." pagtatampo ko.para kasing wala ako dito dahil halos daan daanan lang nila ako samantalang nakatayo lang naman ako sa harapan nila.
"Oh siya yang nguso mo." sabi saakin ni manang dahil naka nguso ako habang nilalaro laro ang tinidor sa mesa na nakaayos. "Pumunta ka dun Kay sir JR at tawagin mo na siya para maghapunan.Panigurado gutom na iyon." dugtong nito.napangiti naman ako at tumango.
"Yes ma'am!" sabi ko sabay saludo na para bang isang police o sundalo.Napatawa naman sina ate Denise sa ginawa ko.May sinabi pa sila pero hindi ko na narinig dahil humakbang na ako papunta sa silid ni sir.
Habang paakyat ng hagdan ay napapaisip ak kung saan nga ba galing si sir Jake,ganito ba talaga ito?Nang makarating sa harap ng pinto ng kwarto niya humigop muna ako ng maraming hangin bago kumatok.Nakatatlong katok na ako ay wala paring sumasagot.napakamot tuloy ako sa ulo,natutulog ba yun?tanong ng isip ko.Kumatok ulit ako ng dalawang beses pero talagang walang sumasagot.
"Sir Jr?sir pinapatawag po kayo ni manang para mag hapunan na. " at kumatok ulit pero gaya kanina ay parang wala paring tao dahil neh kaluskos ay wala akong marinig.Dinikit ko ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung may tao ba o wala bago ako bumaba para sabihin kina manang.
Habang nakadikit ang pisngi at tenga ko sa pinto ay bigla itong bumukas at nawalan ako ng balanse kaya napasandal ako.Pag angat ko ng tingin nanlaki ang mga mata ko dahil napasandal ako mismo sa tiyan ni sir Jr at nakahawak ang kamay ko sa balakang niya dahil sa pagkawala ng balanse.Nakatapis lang ito ng twalya at medyo basa basa pa ito na halatang katatapos maligo kaya pala walang sumasagot.MAbilis akong umayos at tumayo.
"Sir sorry po." yukong paumanhin ko dahil sa kahihiyan.Nakatitig ito saakin habang nakangisi samantalang ako ay pinamumulahan na ng pisngi dahil sa nangyari.
"Anu bang ginagawa mo?" tanong nito saakin na pinipigilan ang pagtawa. Napaangat naman ako ng mukha.ang gwapo niya.
"Sir akala ko kasi walang tao,kanina pa kasi ako kumakatok pero walang sumasagot kaya dinikit ko iyong tenga ko sa pinto para makasiguro kung nandyan ba kayo sa loob o wala kaya lang po....." halos hindi ko matuloy ang pagpapaliwanag ko dahil nakakahiya naman kasi iyong halos mapasubsob ako sa katawan nito.sa baba!
"Halos masubsob ka sa tyan ko haha" dugtong niya sa naputol kong sinabi habang tumatawa.Napanguso tuloy ako at lalong namula. Sobrang gwapo nito lalo pat tumatawa.Parang nagniningningan ang mga mata ko na nakatingin sakanya pero agad din naman akong kumurap kurap.
"Susunod na ako." sabi nito na nakayuko at nakalapit ng husto ang mukha sa mukha ko.Hindi ko namalayan at pARA akong naestatwa gaya ng nangyari sa unang kita ko sakanya.
Tumawa ulit ito at umayos ng tayo.
"Ang cute mo." sabi niya."Ilang taon kana?"dugtong niya." at kelan kapa dito?" tanong ulit niya.sunod sunod talagang tanong?
"Ahmm sir.23 po.mag isang buwan palang po ako dito." Hindi ko alam kung bakit parang iba ang kinikilos ko ngayon,para akong kinikilig makita ko lang ito ay hindi na ako mapakali.
"I see.sunod nalang ako para sabay narin tayong kumain." sagot niya.
"po?" feeling ko kasi Mali ang narinig ko.
"Sabay na tayong kumain seayah." nabigla man ako sa sinabi niya ay natawa din ako ng bahagya dahil sa sinabi niyang pangalan ko.
"Sheyah po sir hindi seayah." pagtatama ko habang napapangiti.
"Ay sorry ahaha okay sheyah.sheyah.sheyah." pag ulit niya sa pangalan ko.
"sige po sir,sabihin ko nalang po Kay manang na susunod nalang kayo." ngumiti ako at tatalikod na sana ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
napatitig ako sakanya at sa kamay niyang hawak hawak ang braso ko.
"Bakit po sir?"
"Ah nothing.sorry. sige na at magbibihis lang ako at bababa narin ako." sabay bitaw ng braso ko at mabilis na tinalikuran ako.Napakibit balikat nalang ako sa inakto niya at bumaba na.
Napapangiti akong naglalakad papunta kina manang dahil sa nangyari kanina.totoo ngang may magandang pangangatawan si sir.dahil kitang kita ng dalawa kong mata ang ganda ng hubog nito.May mga abs, may V-shape sa bandang puson,may dibdib na malapad.Napahinto ako sandali ng pumasok sa isip ko iyong napasandal ako sa tiyan niya.Kahit hindi ko kita iyon ay alam ko kung anu ang bukol na nasagi ko sa bandang ibaba ng puson.Napalunok ako dahil kahit pa sabihing wala pa akong karanasan ay hindi ako mang mang para hindi malaman kong anu iyon.sinampal sampal ko ang pisngi ko para matauhan ako sa kung anung pumapasok sa isip ko.
"Bakit ang tagal mo?" bungad saakin ni manang.
"Ahmm manang susunod nalang daw po si sir Jr kasi kakatapos lang maligo." tumango tango naman itong si manang.Nadako ang paningin ko kina ate Monique na nakasandal sa lababo na nakangisi.Napakunot noo ako dahil sa binibigay nilang ngisi saakin.
"Bakit ganyan ang tingin niyo may kasama pang ngisi na parang hindi ko nagugustuhan." tanong ko sakanila
"Anong ginawa mo doon,umamin ka nanilip ka Kay sir noh?" sagot ni ate Denise.nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ate!" halos sigaw kong sambit.Bat naisip niyang naninilip ako.Hindi ako ganung klaseng babae.
"Hahaha nakita mo ba iyong sexy na katawan ni sir?" tukso saakin ni ate Tina habang si ate Monique naman ay tinutusok tusok ang tagiliran ko.
"Grabe kayo saakin mga ate.Hindi naman ako ganun." depensa ko.namula ako dahil naalala ko nanaman iyong katawan ni sir kaya napayuko ako.
"Wow mukhang mapaparami ang kain ko neto ah." sabi ni sir Jr habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa.Hindi namin namalayan ito na nakababa na pala kaya mabilis na nagsi kilos sila ate Monique.
"Come sheyah dito ka maupo sa tabi ko." sabad ulit ni sir Jr.napatingin ako sa sinabi niya.at nanlaki naman ang mga mata nila ate Denise dahil sa sinabi nito.
"Po?" sabi ko sabay tingin kina ate denise.nakatingin lang sila saakin habang palipat lipat ang tingin saamin ni sir.
"Diba sabi ko sabay tayong kakain?" sabi ni sir Jr.napalunok ako sa sinabi niya.seryoso ba talaga ito?lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya napahawak ako dito.
"Are you afraid?" sabi nitong nakangiti saakin. "Hindi naman kita kakainin." at ang kaninang ngiti ay napalitan ng ngisi.
Hindi ako makakilos.Hindi ko maigalaw ang mga paa at mga kamay ko.Tanging ang mga Bilog lamang ng mga mata ko ang gumagalaw palipat lipat kina ate denise at sa lalaking nasa harapan kong nakaupo na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam na bagong bago saakin.Ano ba tong nararamdaman ko!?