Mahaba haba din ang binayahe namin.Pagkababa ng bus ay hinawakan ni Denise ang kamay ko at hinila ako pasakay ng taxi."Baka mawala ka sige ka." sabi niya.Hindi ko alam kung magkano ang bayad dito kaya iniabot ko nalang sakanya ang isang 500 pesos,pero umiling lang siya at ngumiti.
"Ako na sheyah.bumawi ka nalang kapag nakapasok kana sa mansion.marami akong gustong pagkain kaya itabi mo yan haha." biro nito na ikinatuwa ko.Napatitig ako sakanya at pinisil ang mga palad niya.
"Napakabuti mo Denise." ngumiti lang siya saakin.
"Teka ilang taon kanaba?" tanong niya
"23 years old na ako.ikaw?" balin ko naman sakanya.
"Mas matanda pala ako saiyo ng dalawang taon.Kaya tawagin mo nalang akong ate nise.Para kasing ang cute haha." napatawa namam ako dahil sa inakto niya na parang batang kinikilig.
"Sige ate nise." masaya kong sabi. "Mabait ba ang amo mo ate?"
"Para saakin oo,pero diko sure bihira lang kasi iyon mamalagi sa mansion." napakunot noo naman ako dun. "Pero wag ka! napakagwapo nun ni sir baka malaglag iyang panty mo." dugtong niya.napailing nalang ako,wala pa sa isipan ko kasi ang ganun.simula kasi pagkabata ay sa ibang bagay ako nakafocus tulad ng pag aaral,sa gawaing bahay at sa pagpapansin sa magulang ko.Bigla ko tuloy naalala ang aking ama.kumusta na kaya siya? panigurado nagwawala na iyon sa galit.
Bigla akong napatahimik dahil pumasok nanaman sa isip ko ang imahe ng ama ko.nag aalala ako sakanya,ano na kaya ang nangyayari sakanya ngayon at doon sa dapat na kukuha saakin?Napailing ako bigla ng maramdaman kong mapapaiyak nanaman ako.
"uy okay ka lang?" tumango lang ako at ngumiti ng pilit. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo,pero kailangan mong magpakatatag,balang araw ay maayos din ang lahat." napayakap ako sa sinabi niya.sana nga,sana nga at maayos din ang lahat.
Pagkalipas ng mahigit kalahating oras,ay nakatanaw ako ng isang malaki at magandang bahay na kahit nasa malayo pa ay kitang kita kong gaano kaganda ito.Habang papalapit ng papalapit ay lalo akong namamangha sa nakikita.
Bumungad saamin ang napakalaking bahay na may malawak na lupain.Pagkababa namin ng taxi ay halos mapa wow ako sa ganda.Gate palang ay sobrang taas na, maski magnanakaw ay mahihirapang makaakyat dito.
"Grabe ang laki!" hindi ko na napigilan pa ang sarili dahil sa sobrang pagkamangha.
"Ganyan din ako noong una hehe,Tara na sa loob?" aya niya saakin tumango naman ako habang may malawak na ngiti sa mga labi ko.
Pinagbuksan kami agad ng bantay ng makilala si Denise,nginitian niya ito at bumalin ang tingin saakin.Nasa edad 40 pataas ang lalaking ito kung babase sa itsura. Nginitian ko siya at gumanti naman ito ng ngiti.
"Sino siya Denise?" tanong ni manong.habang sinasabayan kami sa paglakad papunta sa bahay.
"Siya po si sheyah, nandyan ba si manang Susan mang kardo? ipapaalam ko sana itong si sheyah kung pwede siyang manilbihan dito dahil wala siyang mapupuntahan."
"Ha? bakit Iha taga saan kaba?" tanong nito saakin na mabilis namang sinagot ni Denise.
"Mahabang kwento mang kardo,at saamin nalang iyon chismoso ka rin noh hehe." akala ko sasabihin niya dito ang tungkol saakin,napangiti ako dahil feeling ko protektado ako kapag siya ang kasama ko.
"Naku kayo talagang mga bata kayo.Pumasok na nga kayo,at ayun si Susan oh." sabay turo sa babaeng tingin ko ay kasing edad lang din ni mang kardo. "Maiwan ko na kayo ha dahil marami pa akong gagawin." pagpapaalam nito saamin,tumango lang kami bilang sagot at lumakad papalapit sa babaeng tinatawag nilang Susan.Ginugunting nito ang mga halaman na tila ba inaayos at kinukurbahan ang mga ito.
"Manang Susan!" tili ni Denise.halos mapapikit ang isa kong mata dahil sa talas at lakas ng pagtawag niya.Napatingin sa gawi namin ito at kumaway.
"Manang andito na po ako." habang pangiti ngiti pang sabi ni Denise. "manang si Denise po pala kasama ko." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa,agad akong kinabahan.Sana lang ay mapapayag ni Denise na patuluyin ako dito at magtrabaho bilang kasambahay.
"Manang baka pwede pong makiusap na ipasok siya dito please.kailangan lang po talaga wala na kasi siyang ibang mapupuntahan." habang ang mga palad nito ay magkadikit at kinikiskis na para bang nagdadasal.
"Kaano ano mo ba siya?" balin nito Kay Denise,ramdam kong parang ayaw nito saakin dahil sa talim ng mga mata nito.
"Nakilala ko siya sa bus manang,umiiyak siya at naawa ako kaya.." naputol ang sinasabi niya dahil sa pagsabat ni manang
"Naku sorry iha ah pero kasi hindi ko pwedeng gawin ang gusto ni Denise dahil hindi ka naman pala niya kaano ano,baka mamaya masamang tao ka pala na nagpapaawa lang at nagkukubli sa magandang pagmumukha." nakaramadm ako ng takot na baka paalisin ako dito.paano ako? saan ako?
"Mabait siya manang,kargo ko siya.please.isa pa mayordoma ka dito kaya madali lang saiyo na ipasok siya." pagpipilit ni Denise.Habang ako ay nakayuko lamang.
"kahit mayordoma ako dito Denise ay hindi ko parin pwede gawin iyang gusto mo.neh hindi nga Naten alam kung bakit siya umiiyak ng makita mo.Mamaya modus lang pala niya iyon para kaawaan siya." parang gusto ko ng umiyak sa mga naririnig ko.Hindi ako masamang tao. bulong ng utak ko habang pilit pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"Manang hindi po siya masamang tao at sigurado ko iyon.sige ganito nalang kung sakaling Tama nga kayo ay handa akong mapalayas o mapatalsik dito." nagulat ako sa sinabi niyang okay lang na mapatalsik siya sa trabaho basta kargo ako.Napahawak ako sa kanyang braso.
Bumuntong hininga naman itong si manang at tumingin saakin."Ano ba ang problema mo pwede ko bang malaman?" tanong niya saakin.Sasabat na sana si Denise pero dinuro siya ni manang na sinasabing manahimik siya dahil hindi siya ang kausap.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi.Nagpalipat lipat ang tingin ko sakanila sabay buntong hininga nanaman ni manang kaya napakagat ako sa labi.Balak kaming iwanan na ni manang dahil tumalikod na ito at humakbang.
"Lumayas po ako.lumayas po ako dahil sa pagmamaltrato.sinasaktan ako ng aking ama." sabi ko na nakapagpalingon Kay manang.Tuluyan ng tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.Hindi ko gustong sabihin ang buong detalye ng pag alis ko,dahil para saakin ay si Denise ay sapat na.
Humarap si manang at ngumiti ng makita akong umiiyak,iniisip ba nito na nagsisinungaling ako?bakit siya ngumingiti samantalang ako ay umiiyak.
"Pumasok na kayo sa loob,at kumain narin at marami pa tayong tatrabahuin.ayoko ng kukupad kupad ha sheyah?" nanlaki ang mga mata ko at halos magtatalon talon naman si Denise sa tuwa.Kita kong humakbang na palayo si manang at ako ay tila natameme.anong nangyari? para kasing biglang may magic.