Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito o anu kaya hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.Lumapit si ate denise at siniko ako ng mahina sabay bulong.
"Hoy sheyah,umupo kana doon sa tabi ni sir." sabi nito sabay nguso sa pwesto ni sir Jr.Si sir Jr ay nakatingin parin saakin,mukha ngang seryoso ito.Bago ako maupo ay sinulyapan ko muna sila ate denise at iba pa.Kitang kita ng mga mata ko kung paanu mag ngisihan ang mga ito,para tuloy gusto ko silang batuhin dahil ngumisi ba naman sila ng ganun samantalang kaharap namin si sir Jr.
"Sit here." sabay hila ni sir sa isang upuan katabi ng kanyang pwesto.Umupo ako at halos ayokong galawin ang platong nasa harapan ko.Tama bang maupo ako dito eh katulong ako!
Tumingin ako sa katabi kong si sir,at nakatingin pala ito saakin.kahit hindi ako tumingin sa salamin ay alam kong namumula ang mga pisngi ko.Umubo ako ng mahina para klaruhin ang lalamunan ko na para bang may nakabara dahil sa tensyon na nararamdaman ko.Narinig ko namang napatawa ng mahina si sir Jr at sina ate Monique.Tinignan ko sila ng masama pero nag iwas sila ng tingin habang pinipigilan ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
"Sheyah.kumain kana." utos saakin ni manang.halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat kahit hindi naman iyon malakas ay nagulat talaga ako.
"Aaaaah opo manang." sabay hawak sa kutsara at tinidor.Halos panginigan ang mga kamay ko kaya hindi rin ako makakuha ng pagkain kaya nanatiling nakatingin lang ako sa mga putaheng nasa harapan ko.Hindi ito Tama.
"Hey,ayaw mo ba ng pagkain?" tanong saakin ni sir Jr. "Anu ang gusto mo at ipapaluto naten kina manang." dugtong niya.
"Naku po sir!wag na! " mabilis kong sagot.bakit naman niya iyon gagawin eh katulong lang ako,isa pa hindi na nga Tama iyong kakain ako mismo sa tabi niya eh tapos dadagdagan pa niya.
"Eh bakit ayaw mong kumain?" tanong ulit niya.Sila ate denise ay nasa gilid lang at nakamasid saamin,habang si mamang ay nag lalapag ng iba pang ulam sa mesa.
"Hindi po kasi tamang kumain ako kasabay niyo at sa tabi niyo pa.Isa lamang po akong katulong dito.Maling Mali po ito." Hindi ko na napigilan ang sarili at nasabi ko na nga.napatawa naman ito ng pagkalakas lakas dahil sa sinabi ko.WALA namang Mali sa sinabi ko ah, kaya napatingin ako sakanya na nakataas ang kilay.
"Okay,pasensya kana kung hindi ka kumportable.gusto ko lang naman makilala ang bagong kasambahay ko." habang sumusubo ng pagkain ay ngumunguya ito ng nakatingin saakin.Mali! dahil nakatingin ito sa labi ko mismo.kaya imbes na takpan ko ang labi ko ay napakagat nalang ako sa ibabang labi ko na naging dahilan ng pag ubo ni sir.Nabilaukan kasi ito.Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nabilaukan ito may masama ba akong Nagawa?
"Sir okay ka lang?" tanong ko at napatayo ako para kumuha ng tubig habang si manang naman ay lumapit na Kay sir para alamin kung okay lang ba ito.
"Ito iho,uminom ka muna."sabi ni manang sabay bigay sakanya ng isang basong tubig na kinuha ko.
Lumapit ako kina ate denise,at pasimple kong hinawakan ang mga kamay nila.Kinakabahan ako,baka mapagalitan ako kahit alam ko namang wala akong nagawang Mali.
"Ate." mahina kong sabi kina ate denise,ate Monique at ate Tina pero nanatili silang nakatingin Kay sir Jr na ngayon ay nagiging okay na.
"I'm sorry hahaha hindi ko sinasadyang mabilaukan. " tawa tawa pa itong si sir.Kahit Sino naman hindi gustong mabilaukan,masakit kaya iyon.singit ng utak ko.Napahawak naman ako sa dibdib ko Hay salamat naman! dahil okay na ito.
Nanatili akong nakatayo sa tabi nila ate at nakatingin sakanya,ngumiti ito saakin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Sige sheyah,sabay sabay nalang kayo nila manang para kasing naiilang ka eh haha." kahit may laman ang bibig nito ay Nagawa pa talagang magsalita at tumawa.Napakamot naman ako sa ulo habang sila ate ay napangiti. "Pero may kasalanan ka sakin,nabilaukan ako dahil sayo kaya dapat may parusa ka." dugtong niya.nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Po?bakit naman po ako?wala naman po akong ginawang Mali sir." depensa ko sabay lingon kina ate Monique na nagulat din dahil sa sinabi nito.
"Basta.maya pumunta ka sa silid ko,magpapamasahe ako masakit kasi iyong likod ko at binti.yan ang parusa mo." sabi nito.
"Sir ako nalang po,baka kasi mahirapan si sheyah."singit ni ate Tina dahil nga baby nila ako ay ayaw nila akong nahihirapan kaya napatingin ako sakanya at ngumiti pero biglang umapela itong si sir.
"No.sheyah need to be punish.so sumunod ka nalang sa silid ko sheyah." sabay tayo nito at tuluyan ng pumunta ng silid.Napanganga nalang ako sa nangyari.Bakit kailangan kong maparusahan wala naman akong kasalanan kahit pa sabihing madali lang saakin ang pagmamasahe ay hindi parin Tama iyong sinabi niyang kailangan kong maparusahan sa harap pa talaga nila manang at ate denise.
Napabusangot akong napatingin kina ate Tina at iba pa pero nginusuhan lang nila ako na sumunod nadaw Kay sir.Habang paakyat papunta sa silid niya ay hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa nangyari. gwapo nga panget naman pala ugali. sabi ng inis kong utak.
Kumatok ako agad ng makarating sa pinto nito,agad naman ako nitong pinagbuksan.Nakangiti itong sumalubong saakin kaya napakunot ang noo ko.
"Pasok ka." sabi niya.gumilid ito ng bahagya upang makadaan ako,tumayo ako sa gilid ng kanyang kama habang siya ay sinara ang pinto.Nakaramdam ako ng kaba ng makita kong nilock nito ang pinto saka naglakad papalapit saakin.halos ayaw kumurap ng mga mata ko dahil sa paglalakad nito na para bang naging slow motion.
Napalunok ako ng huminto ito sa harap ko saka ngumisi.Hindi ko gusto ang nangyayari pero parang iba ang sinasabi ng katawan ko dahil para akong nag iinit.
"Ready?" sabi niyang nakangisi saakin.Parang hindi ko gusto ang salitang ready dahil iba ang pumapasok sa isip ko. mabilis na hinubad nito ang suot pang itaas habang nasa harap ko.tumambad saakin ang napakagandang katawan nito.Pakiramdam ko ay parang tutulo ang laway ko.Parang mapapaupo ako dahil ramdam kong nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko.Nanlaki lalo ang mata ko ng humakbang ito at lumapit ng husto saakin.Hinawakan niya ang kamay ko sabay lagay sa dibdib niyang sobrang yummy!
Naestatwa ako,hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.sobrang init ng katawan nito na lalong nagpainit ng pakiramdam ko. "Masakit din kasi dito." sabi niya habang ang kamay ko ay nasa dibdib na hawak niya.Pinadausdos niya ito pababa sa kanyang tyan.Naninigas na ata ako,ultimong lalamunan ko ay natuyuan na ata. "At dito." sabay hinto niya sa puson niya.hawak parin niya ang kamay ko na nasa puson niya.Bakit naman masakit ang puson niya?baka kailangan niyang magbanyo,pero bakit kailangan pa niyang sabihin saakin.Para akong maiihi sa kaba.anu ba itong ginagawa niya saakin. patawarin po niyo ako lord. sabi ko at napapikit dahil sa isiping baka ibaba pa nito ang kamay ko sa baba ng puson.