Alixane POV Napansin ata ni Brian ang matalim kong mga tingin kaya napalingon siya sa veranda. Lalong nag-init ang ulo ko dahil nagawa pa niya akong ngitian na parang wala lang sa kanya ang matalim kong tingin. Aba’t may pagkaway pa ang malantod na lalaki! Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung mga lalaking malalandi. Inirapan ko muna siya bago paika-ika akong pumasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil sa ginawa ko ngunit bahala na s’ya. Alam kong may pagka- territorial ako minsan at ayaw kong may ibang tumitingin sa pag-aari ko. Ipinasya kong matulog na lamang para makaipon ng lakas. Maya-maya ay may marahang gumigising sa akin. At may naamoy din akong masarap na pagkain. Pagdilat ko ay nakita ko si Brian na kakalapag lang ang pagkain sa maliit na lamesa.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books