Alixane POV "Ang lahat sa involve sa kaguluhang ito ay pumunta sa field ngayon din!" Galit na sigaw ni Miss. Buena. Isa sa professor namin. Sa itsura nito para na kaming kakaining buhay kaya natinag naman agad ang mga grupo ni Phillip. Nahimasmasan na rin ito kaya hila-hila na rin siya palabas ng mga kasama niya. Hindi ko alam kung bakit kami pinapalabas ni Ms. Buena pero sumunod na rin kaming tatlo nila Nathan at Brian. Masamang tingin ang pinukol sa amin nila Phillip, pero balewala lang yun sa akin. "Wala kayong respeto sa paaralang ito! Hindi porket all boys university ito ay pwede na kayong magbasag ulo dito! Sino ang nauna?" Tinuro nila kami ni Brian. Kita ko naman ang pakikipag-usyoso ng iba pang tao sa paligid kasama narin ang grupo nila Alfred. "Transfer student kayo diba? Ang