Alixane POV Naglabasan mula sa silid ang iba niyang mga tauhan may dala itong malalaking mansanas, at mga litro ng bottled softdrinks. Isa-isa nilang pinatong ang mga bote sa ibabaw ng mahabang kahoy na mesa pagkatapos ay ipinatong ang mansanas sa bunganga ng bote. Kunot noo akong napatingin kay Mr. Enriquez ito ba ang sinasabi niyang pagsubok? Napagdaanan ko na ito sa Michigan, pero hindi mansanas ang target kundi lumilipad na barya. Mukhang aantukin ako dito ah? Hindi ko na napigilan ang humikab dahil madilim na rin at hinihila na ako ng antok. Kumuha si Mr. Enriquez ng dalawang baril mula sa lalaking may dalang maleta. Inabot niya sa amin ni Brian. Pinalakad nila kami na halos dalawampung talampakan, palayo sa target. "Okay the apple is your target. Wag niyo lang tatamaan ang bote.