NAKAHAWAK lamang ako sa balikat ni Sir Genesis. Mga ilang sandali pa’y binitiwan niya ako dahilan ng paghulog ko nang tuluyan sa kanya este sa sahig. Napahawak ako sa aking pwet na napuruhan. Tumikhim si Sir Genesis at napaiwas ng tingin sa akin? Bakit hindi siya gentleman? Okay lang ba sa kanya na may nasasaktang babae ha? Kaya siya iniiwan e.
“Please be careful next time,” aniya at pumasok sa kanyang silid. Bago niya pa masasara ang pinto ay bumaling ulit siya sa akin. “Huwag mong lilinisan ang kwartong ‘to.” Aniya. Tumayo naman ako at sinilip ang kwarto kung totoo ba ang hinala ko na diyaan kinakatay ang mga tao. Mas lalo niyang sinara ang kwarto para harangin ang tinitingnan ko.
“Bakit, sir Genesis?” tanong ko sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin. Malakas ang kutob ko na may ibang tao sa loob na iyan o may tinatago siyang ilegal kaya hindi niya ako pinahihintulutan na makapasok.
“Basta,” tipid na sabi niya lang saka siya tuluyang pumasok at sinara na lang ang pinto. Nagpatuloy ako sa paglilinis habang sumisilip sa pinto. Dinidikit ko rin ang tenga ko sa pinto baka sakaling may marinig ako na humihingi ng tulong.
PINAGHANDAAN ko muna ang maglola sa kusina ng kanilang meryenda. Pancake at carrot juice naman kay Lola Pasing habang kay Genesis ay pancake at tubig lamang. Nakatitig lamang ako kay Genesis habang nagbabasa siya ng dyaryo sa aking harapan. Abala siya sa pagbabasa habang nakasuot siya ng eyeglass.
Matino naman ang mukha niya, maamo at medyo may pagka strikto. Hindi ko akalain na may magagawa siyang masama sa kapwa tao niya. Paano kung nagbabait baitan lamang siya? Paano kung tama ang hinala ko na may binibiktima siyang mga bata o babae sa loob tapos kinukuha ang mga laman loob para ibenta? Napatigil ako sa pagsisilbi kay Lola Pasing nang maisip kong paano kung ako ang isusunod niya kapag hindi ko nabayarang utang?
Napa-sign of the cross ako at napatingin sa itaas. Napansin iyon ni Sir Genesis kaya napabaling siya sa akin. “Ah E. Lord! Salamat sa pagkain namin ngayon,” ani ko na lamang kunwaring nagdadasal. Tumaas naman ang isang kilay ni Lola Pasing habang nakatingin lamang sa akin.
“Kumain pa po kayo para maging malusog kayo,” ani ko at dinagdagan ng pancake ang kanyang plato. Kinakabahan ako sa sarili kong iniisip pero kung aalis ako, paano ‘yong mga biktima sa loob? Kailangan ko silang tulungan! Hindi ko pwedeng iligtas lamang ang sarili ko dito.
“What are you thinking?” tanong ni Genesis habang ang mga mata niya ay nasa dyaryo. “You seemed a bit preoccupied,” patuloy niya.
Mabilis naman akong nakahanap ng alibi. “Iniisip ko lang, Sir. Kung may pinamamahayan din ba ng mga butiki ang penthouse mo.” Ani ko at nahihiyang ngumisi.
Bumaling siya kay Lola Pasing na nilalaro ang pagkain sa plato niya. “Lola? What are you thinking?” tanong niya. Mabilis kong sinara ang bibig ko at napayuko na lamang. Hindi pala ako ang kinakausap niya. Huwag ka na sasagot next time, Juliet.
“How can I eat all of these? Dagdag nang dagdag ang babaeng ‘to akala mo naman siya uubos ‘pag nasa plato ko na.” Ani naman ni Lola Pasing at napatingin sa akin. Huminga nang malalim si Sir Genesis at kinuha ang plato ng lola niya saka siya ang kumain. “Ikaw bruha ka, kapag hindi ko sinasabi huwag mong dinadagdagan ang plato ko. “ Aniya at umirap.
Napangisi naman ako at napatingin lang kay Sir Genesis na sarap na sarap sa pagkain niya. “Sakto lang ba ang tamis, Sir?” tanong ko sa kanya. Bumaling lamang siya sa akin gamit ang malamig niyang mga mata at uminom ng tubig.
“Hindi,” tipid niyang tugon na ikinapawi ng ngiti ko sa labi. Tumayo siya at pumasok ulit sa silid na madalas niyang tambayan.
“I want to play Chess,” ani ni Lola Pasing. Tumango ako dali dali sa kitchen at kumuha ng Mozzarella Cheese saka ibinigay sa kanya. “What is this?” tanong niya.
“Kinakain po ang cheese hindi nilalaro,” ani ko na lamang habang nakatingin sa direksyon ng kwarto ni Sir Genesis. Minsan ko nang nakita si Lola Pasing na nanggaling doon. Hindi kaya may alam ang matanda sa ginagawa niyang krimen sa loob? “Lola, ano ang nasa loob ng silid na ‘yon?” tanong ko sa kanya.
Binuksan niya ang Cheese at hinampas sa labi ko dahilan ng pagtingin ko sa kanya. “Aray!” singhal ko.
“Bakit? Plano mo akitin ang apo ko?!” matinis na tinig niyang tanong. Mabilis naman akong umiling.
“Hindi ko po type ang apo niyo para akitin siya,” ani ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Para siyang dragon na bubuga ng apoy sa ilong. Nagsitaasan ang mga kilay ko at napatingin sa kanya. May nasabi pa akong hindi maganda para mainis siya?
“How dare you,” sambit niya.
“E?” tanong ko. Hindi ko alam kung saang parte ko siya na-offend. Mabilis niya akong sinabunutan at muntik pang mabali ang leeg ko dahil sa pwersa niyang napakalakas. Hindi ko naman alam na ang matandang inaalagaan ko ay may lahing sang’gre!
“Lola! Ouch!”
“Lahat ng mga kababaihan, type ang apo ko! Ikaw lang ang hindi! Ang kapal ng mukha mo.” Aniya habang patuloy sa pagtaas-baba ng ulo ko. “Hindi mo type ang apo? It doesn’t mean na hindi siya gwapo!” aniya.
“Type ko na po si Sir Genesis! Huwag niyo po akong kakalbuhin maawa kayo!” ani ko. Tumigil siya at marahas na binitiwan ang aking buhok. Kumunot ang noo ko habang nakatingin lamang kay Lola Pasing na nakabusangot ang mukha. “Sobrang gwapo po ng apo ninyo! Type na type ko nga po si Sir Genesis e’. Malaki katawan, maamo mukha, feeling ko rin na mahaba ang espada niya.” Ani ko na lamang kahit hindi naman totoo para hindi na mainis sa aking ang matanda.
“Narinig ko ‘yon,”
Namilog ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang boses ni Sir Genesis sa aming likuran. Teka? Pagkakatanda ko pumasok siya sa secret room niya ah. Paano siya napunta riyan?
“Sir! Ano ah e,” hindi ko matuloy ang sasabihin ko. “Paano ka napunta d’yan?” pasigaw kong tanong para mawala ang awkwardness na bumabalot sa aking kalooban.
“I heard you screaming kaya lumabas ako,” aniya at lumapit sa akin at inayos ang buhok ko. Lumayo ako sa kanya nang uminit ang pisngi ko. “Are you okay?” tanong niya pa.
Sunod sunod ang aking pag-iling saka ako tumakbo paalis ng dining room at nagtago sa kwarto ko na lamang. Sumigaw ako sa ilalim ng kumot habang nakatago ang mukha ko sa unan. Sinabi ko bang type ko siya? Nakakahiya! Hindi naman talaga totoo ‘yon. Bale Char char lang.
HINDI ako lumabas ng kwarto dahil sa hiya hanggang sumapit ang gabi. Himala rin kasi hindi naman ako hinahanap ng matanda. Sinubukan kong silipin ang labas pero as usual madilim ang paligid. Ang pamilyang ito ay hindi gumagamit ng TV sa salas. Bakit pa sila bumibili ng TV na kasing laki ng kama ko kung hindi man lang gagamitin.
Pumanhik muna ako sa taas upang silipin ang matanda. Hindi kaya si Genesis ang nagbantay sa kanya? Napapikit ako nang mariin at napansandal sa pintuan. Bawas ba ‘yon sa sweldo ko? Papagalitan niya ba ako bukas? O kaya naman isusunod sa mga kakatayin sa room niya?
Tulog na ang matanda. Itinaas ko na lamang ang kumot sa kanyang katawan bago ako umalis sa kwarto niya. Mayamaya ay may narinig akong pagbukas ng pintuan sa penthouse.
“Annami,” boses iyon ni Sir Genesis. Nakapagtago ako sa isang sulok habang sinisilip kung sino ‘yong tinawag niya. Pumasok ang isang matangkad na babae na naka corporate attire. Nasulyapan ko nang bumukas ang pintuan ng salas. “Just stay here for a while. I have to check on something,” ani ni Genesis at pumasok sa secret room niya.
Kinakabahan ako sa babae. Mukhang mabait naman, hindi kaya ito ang magiging next target ni Sir Genesis. Napatago ako sa sulok nang tumungo ang babaeng tinawag niya sa kusina. Hindi ko alam kung bakit siya pumunta roon kaya sinundan ko na lamang.
Napansin ko na nagsalin siya ng tubig kaya lumapit ako sa kanya. “Oh Gosh!” gulat niyang sabi nang makita ako . “Who are you?” tanong niya sa akin.
“Katulong s***h tagabantay ng sang’gre,” tugon ko na lamang sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang braso. “Umalis ka na rito kung ayaw mong ibenta ang laman loob mo.” Patuloy ko.
“Ano bang sinasabi mo?” nagtataka niyang tanong.
“Alam mo ba kung bakit mayaman si Sir Genesis? Kasi nagbebenta siya ng laman loob ng tao sa secret room niya.” Ani ko sa kanya.
“Huh?”
“Annami?” narinig namin pareho ang sigaw ni Sir Genesis sa labas. Napabitiw ako sa pagkakahawak sa kanya at tumakbo palabas ng kusina. May exit door doon palabas sa kanyang pool. Nanginginig ang kamay ko habang nagtitimpa sa phone ko. Kailangan kong iligtas si Anami. Nang may sumagot sa tawag ko ay hindi na ako nag-abalang mag greet pa sa isang police Officer.
“Sir, may ire-report ako. Nagbebenta ng laman loob ng tao,” ani ko na lamang dahilan ng pag-alerto ng mga kapulisan.