Chapter 6

1650 Words
NANG makatulog ang matanda ay nagpunta ako sa kwarto para makahanap ng masusuot na damit. Hinalughug ko ang maleta ko pero wala akong makitang matinong damit. Kinagat ko ang kuko ko at naghanap pa lalo. Dapat magmukha akong presentable sa harap ni Sir Genesis. Hindi ko naman maalala kung naiwan ko ba sa Roma ang damit na ginamit ko noong naging Red Chick ako. Hanggang sa, mapansin ko ang isang bagay na umagaw ng atensyon ko. Inangat ko ang pulang panty at pulang bra na niregalo ni Angel sa akin. Bagong bago ito, hindi kumukupas ang kulay. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay isinuot ko ito, at para maging surprise at nagsuot muna ako ng Baththrobe. Kinapalan ko ang eyeshadow ko at pagkatapos ay ang boots na hanggang tuhod. “Perfect!” puri ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Pumasok ako ng kusina para magtimpla ng kape. Kinakabahan ako pero nilakasan ko lamang ang loob ko. Walang kwarto para sa kaba, Juliet! Wala nang saysay ang virginity ko kung hindi si Ruther ang makakakuha nito. Mas mabuti pang ibigay ko ito kay Sir Genesis at baka maging abswelto pa ako sa mga utang ko sa kanya kapag na satisfy ko siya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko saka ako pumanhik sa taas dala dala ang kape. Buntong hininga na lamang ang pinakawala ko saka ako kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto bago ko ito binuksan. “Sir,” sambit ko. Mukhang ready na si Sir Gen. Madilim ito at dimmed light lang na kulay blue ang tanging ilaw. Shet! Parang napanood ko na ‘to sa movie ah. Christian Grey ikaw ba ‘yan? “Come in,” aniya sa baritonong boses. Binuksan ko nang malaki ang pintuan saka ako pumasok. Isinara ko ito gamit ang aking paa saka ko nilapag ang kape sa giliran ng mesa niya. Nakadirekta lamang ang mga mata niya sa malaking computer desktop. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko habang hinihintay na may sasabihin siya. Bumaling siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Coffee or me?” tanong ko at hinawakan siya sa kanyang balikat. “I know you’re waiting for this,” ani ko saka inalis ang suot suot kong Bathrobe. Inikot ko ito sa ere saka ko pinagsadahan ng palad ang kanyang matitigas na braso. Kung sino ka mang ex ni Sir Gen apakabobo mo. Binreak up mo ang hottie na ito? Kumunot ang noo niya habang nakatingin lamang sa akin. Hindi ba maganda ang pagsasayaw ko? Giniling ko naman nang husto ang beywang ko kahit halos mabali ang buto ko? Siguro kasi walang music? Hinila ko ang swivel chair niya saka ako umupo sa lap niya. “What are you doing?” tanong niya na nagpatigil sa akin. “H-ha?” tanong ko. Pulgada lang ang layo naming dalawa. Nakaupo pa ako sa hita ni Sir Gen saka ko naramdaman ang naninigas na bagay sa gitna ng kanyang hita sa pwet ko. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin hanggang sa bigla siyang tumayo dahilan ng paghulog ko sa sahig. Lumayo siya sa akin habang nagugulat ang reaksyon ng kanyang mukha. “What are you doing? What are you wearing? Are you planning something to do with my body? Perhaps?” sunod sunod niyang tanong. “S-sir?” nauutal kong sambit. Ako? Planning to do something? Teka, bakit tunog ako masama dito? “Hindi ba, Sir. Sabi mo magdadala ako ng kape sa ROOM mo?” tanong ko. Diniinan ko ang pagsabi ng Room. Napaupo si Sir Genesis sa kama niya habang sinasangga ang braso niya laban sa akin. Sobrang nao-offend ako. Ano akala niya sa akin? Susunggaban siya na lang basta basta? “I only want coffee. Not s*x,” aniya habang takot na takot. “At saka if ever gusto ko mang makipag s*x. Hindi ikaw ang gusto ko,” aniya at umiwas ng tingin. Tumayo ako at napakuyom ang aking kamao. Sobrang na-offend ako. Ang ganda ganda ko tapos ayaw niya sa akin? Alam niya bang muntik na akong kunin na model sa sigarilyo? “You hurt my feelings,” ani ko at tumakbo paalis. Narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. BUONG gabi kong pinatugtog ang malungkot na kanta. Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lupa at matulog na lang habambuhay. Nakakahiya! “Julianna!” Kung hindi ko narinig ang boses ng matanda. Siguro nakahimlay na ako buong araw. Nagsuot ako ng pajama at tshirt saka lumabas upang salubungin siya. “Lola,” wala sa sariling ko sabi. Bigla niya akong tinapunan ng Frying Pan na sa mukha naman tumama. “Aray!” singhal ko at masama siyang tiningnan. “Where’s my food?!” galit niyang tanong. “Where’s my food, Julianna?” tanong niya ulit. “Juliet po, hindi Julianna.” Pagtatama ko sa kanya. “Where’s my food?!” ulit niya. “Magluluto na po,” matamlay kong sabi saka kinuha ang frying pan at tumungo sa kusina. Bago ako makapasok sa kusina at napabaling ako kay Sir Genesis na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape. Bumaling siya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at dali daling humakbang papuntang kitchen. “Open sesame—este Open the stove!” sigaw ko medyo napa-praning. Sumunod naman agad ang stove saka ako nagsimulang magluto. Parang gusto ko tuloy umalis na lang sa penthouse niya at maghahanap na lang nang matutuluyan. Doon ako matutulog tuwing gabi para naman mabawasan ang hiya ko sa katawan. “Amoy sunog,” napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang baritonong boses niya sa likuran. Mabilis kong binaliktad ang nilulutong chicken at napapikit nang mariin nang mapansin ang pangingitim ng balat. Kumuha ako ng salmon saka ko nilagyan ng olive oil at asin saka ko nilagay sa microwave. “Na-offend ka ba sa sinabi ko kagabi?” tanong niya. Ayaw kong tumingin sa kanya. Hindi lang na-offend, nahihiya rin ako! “Look. I didn’t know how to react when girls wore provocative dresses and danced in front of me. I was… in shock—” “Hindi mo kailangang magpaliwanag, Sir!” ani ko na lamang at ngumiti sa kanya. Pagkaluto ng mga pagkain at mabilis ko itong dinala sa mesa kung saan naghihintay ang matanda. “Where’s my spoon and fork?!” galit naman niyang sigaw. Tumungo muli ako sa kusina at muntik pa akong mabunggo sa dibdib ni Sir Genesis nang humarang siya sa pintuan. Nanatili akong nakayuko habang naghahanap ng spoon at fork saka ako bumalik at binigay sa matanda. “Ano ba kasing pumasok sa utak mo at naisipan mong mag suot ng ganoon?” tanong niya pa. Napatingin naman ako sa matanda nang umangat ang kanyang paningin sa kanyang apo. “Did you plan to seduce me and steal my money again? I didn’t drink the coffee dahil natatakot ako na baka hinaluan mo ng sleeping pills.” Patuloy niya. Napasinghap naman ako sa gulat at napatingin sa matanda. “You? Seducing my apo?” tanong ng matanda at malakas na tumawa. “He has Floraluna,” aniya. Napansin ko ang pagpikit ng mga mata ni Sir Genesis at pagbuntong hininga. “Let’s just talk later,” mahina niyang sabi at umalis. Napatingin ako sa kanyang likuran hanggang sa pumasok siya sa kwarto kung saan siya madalas na tumambay. Floraluna. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang pangalan ng ex-girlfriend niya. Dahilan ng pagpunta niya noon sa strip club at kung saan kami nagkakilala. Ang sarap pala bigwasan ng babaeng ‘yon, kung hindi niya hiniwalayan si Sir Genesis edi sana hindi ako mapapahiya nang ganoon! Gusto ko tuloy siyang sisihin sa lahat ng bagay. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon. Siya rin ang dahilan kung bakit ko ninakawan si Sir Genesis. Naku! NAGPAPALIGO ako ng matanda sa C.R niya. “Mainit!” reklamo niya sa tubig. “Malamig!” reklamo niya ulit nang nilamigan ko ang tubig. Pinupunasan ko ang kanyang likuran niya nang bigla niyang iharap sa akin ang shower. Napapikit ako nang bumuhos ang tubig sa mukha ko at sa dibdib. “Lola naman e!” reklamo. Tawang tawa ang matanda habang nakikita akong naiinis. “Next time, don’t seduce my apo. Kay Floraluna lamang siya at hindi sa ‘yo!” aniya. “Wala po akong balak at isa pa, matagal na pong break si Sir Genesis at si Floraluna.” Ani ko sa kanya. “What?!” sigaw niya sa gulat at pinaghahampas ko. “Hindi ‘yan totoo! Hindi ‘yan totoo! Sinungaling ka!” aniya habang patuloy sa paghampas sa aking braso. “Aray ko naman!” reklamo mo. Tinakpan niya ng palad ang mukha niya at umiyak. Doon ko napagtanto na hindi ko na dapat siya sinabi ang tungkol sa lovelife ng apo niya. Malaki siguro ang epekto ng ex-girlfriend ni Sir Genesis sa buhay nila. Nang makatulog ang matanda sa tanghali ay nagkaroon ako ng tyansang maglinis. Basang basa ang damit ko pero napag-isipan kong mamaya na lamang ako magbihis kapag natapos na ako sa pagliligo. Gusto kong buksan ang pinto sa kwarto kung saan madalas na tumatambay si Sir Genesis. Nakatayo ako sa labas ng kwarto habang nag ma-mop. May tinatago ba siya dito? Hindi niya ako pinapapasok sa kwarto na ito, pakiramdam ko tuloy dito iniihaw ‘yong mga tao at nilalabas ang laman loob. Napasinghap ako sa aking naisip at napa-sign of the cross. Aalis na sana ako nang bigla akong nadulas. Mauuna na sana ang ulo ko nang bigla akong nasalo sa beywang ng tao sa likuran ko. “Sir Gen?” tanong ko, naniniguradong hindi anghel na may malaking katawan ang sumalo sa akin. Nagkatinginan kami ng kanyang nangungusap na mga mata. Ibang klaseng kabog sa dibdib ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD