Chapter 8

1610 Words
GENESIS POV Annami is my personal assistant. She’s mature and clever kaya naiintindihan namin ang isa’t isa. Sa tuwing naco-confuse ako ay naroon siya para gawin ang dapat gawin. Inimbita ko siya sa sabado ng gabi sa condo dahil may kailangan kaming i-discuss.  Lumabas ako pagkatapos kong icheck ang graph. Kinuha ko ang dokumento at dumiretso na sa salas kung saan naroroon si Annami. Napansin kong wala siya roon sa kanyang inuupuan. “Annami?” tawag ko sa kanya. May narinig akong mabilis na hakbang kaya bumaling ako sa direskyon ng kusina. Hingal na hingal siya habang nakatingin lamang sa akin. “By any chance, may inaalagaan ka bang takas sa mental?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro siya dahil seryoso naman ang reaksyon ng kanyang mukha. “Huh?” kunot-noo kong tanong. Napatingin siya sa kusina bago humarap sa akin. “O multo ‘yong nakita ko?” tanong niya sa sarili niya sapat na para marinig ko. “Ang sabi niya nagbebenta ka raw ng laman-loob. Pakiramdam ko namatay ang ligaw na kaluluwang iyon sa lugar na ito.” Patuloy niya. “I don’t understand,”  Huminga siya nang malalim at tumungo na lamang sa opisina ko. Sumunod ako sa kanya habang ang mga mata ko ay nakatingin sa madilim na kusina. Wala akong kahit na anong naririnig na balita tungkol sa multo simula noong binili ko ang penthouse na ito. Ngayon lang at kay Annami pa na kahit na minsan ay hindi ko naman narinigan ng kahit na anong weirdong kwento. Bumaling siya computer desktop at tiningnan ang graph. “What do you think about the data? Is this the right time to notify all our users?” tanong ko. My electronic money transfer services do have its own cryptocurrency. Nagsisimula pa lang ako sa larangan nito kaya binibigyan ko ng oras para mapanatili ang negosyo at hobby na ito sa tulong ni Annami.  Tumango naman si Annami habang nakatingin lamang sa data, “Yes, advise them to buy while at a lower price.” Aniya, “Kailangan mong tingnan ang gap na ito. Then tell me again the next time if it moves,” aniya at tinuro ang isang graph. Tumango naman ako.  Mayamaya ay napatalon siya sa gulat nang marinig namin pareho ang doorbell. Napahawak siya sa kanyang puso habang nakatingin sa direksyon ng pinto. “Damn, I didn’t know that this place could be haunted.” Aniya habang patungo ako sa labas nang kusang bumukas ang pintuan.  Pagbukas ko ng entrance ng penthouse ay mabilis na pumasok ang mg armadong mga kalalakihan. “Taas ang kamay!” sigaw ng isa na agad ko namang sinunod. Si Annami na lumabas din ay napataas din ng kamay at nanlaki ang mga mata sa gulat.  Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong violations or did I break the law? My business has complete documents naman. I have my own legal team and I have my own lawyer. “W-wait. Why?” tanong ko sa kanila. Buong bahay  ko ata ang  binuksan nila kahit ang opisina ko habang ako ay nakaposas lang ang dalawang kamay sa aking likuran.  Lumabas si Juliet at may kinausap na Officer. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Hindi malayo siya ang nagsumbong at ano naman ang isusumbong niya?  Nagtagal sila sa opisina ko. Tumayo ako at sinalubong ang officer na kinausap ni Juliet. “Sir, may I know what the problem is?” tanong ko sa kanya. Napatingin naman ang pulis sa akin at huminga nang malalim. “Sa presinto ka na magpaliwanag,” tugon niya. JULIET’s POV Negative Gusto ko na umalis ng pamamahay ni Sir Genesis dahil sa buong buhay ko ay ito ang pinakanakakahiyang bagay na nagawa ko! Ako mismo ang naglibot sa secret room at ni isang sulok doon ay wala akong nakitang kahindik hindik na krimen. Purong mga computer lamang at mga graph na hindi ko maintindihan kung saan. “Babalik ako next time,” wika ni Annami habang hinihilot ang kanyang sentido habang pauwi kami galing sa presinto alas tres ng madaling araw. Sa loob ng police car ay nakatingin lamang si Sir Genesis sa akin, kahit maamo ang kanyang mukha ay nararamdaman ko ang itim na usok na bumabalot sa kanya sa kasalukuyan.  Sabay kaming pumasok sa condo at sa elevator. Tahimik lamang siya habang nakatago ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Ni hindi niya ako magawang tingnan. Hindi ko alam ang gagawin ko bukas pero sa tingin ko ay kailangan ko ng magsimulang mag impake. Siguradong palalayasin ako ni Genesis dahil sa pagsumbong ko sa kanya. Pagpasok namin pareho sa penthouse niya ay dali dali akong humakbang patungo sa kwarto ko nang bigla niya akong hinigit sa pulso at marahas na isinandal sa pader. Kinulong niya ako sa isa niyang braso habang nakatingin lamang sa akin. “Sir…” sambit ko. Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Masakit din ang likuran ng ulo ko dahil sa lakas ng pagsandal niya sa akin sa pader. “Sorry, Sir! Akala ko kasi may kinakatay na tao at binebentaang laman ng loob diyan sa secret room mo! Sorry talaga, Sir! Hindi na ako mangengealam ng pinaggagawa mo sa buhay.” Pakikiusap ko habang nakadikit ang dalawang palad ko.  “My lawyer said I could sue you for slander.” Aniya sa kalmadong tono pero alam kong pagbabanta iyon. Napalunok siya, pansin ko ang highlight ng kanyang ugat sa leeg halatang nagpipigil. “Alam mo ba kung bakit may mga taong nakukulong kahit wala namang krimen? Dahil sa mga katulad mo,” patuloy niya. Napaiwas ako ng tingin nang hindi ko makayanan ang kanyang mga malalim na titig. Masyado itong mariin at parang dinadala niya ako sa bangin dahil dito. “Sorry, Sir.” “Mahaba ang pasensya ko, Juliet, pero kahit mahaba, kung ako ikaw, gagamitin ko ito sa magandang bagay.” Aniya, “Isa pang pagkakamali mo, isa pang ganito, I will never hesitate to send you to jail.” Aniya at lumayo sa akin.  Napalunok ako at nanigas sa aking kinatayuan habang nakatingin lamang sa direksyon niyang paakyat sa hagdan. “KASALANAN mo ‘to, Juliet. Mabuti na lang mabait ang amo mo,” ani ko sa sarili ko habang nagsusuklay ng buhok matapos akong maligo. Lumabas ako at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal. Hindi ko pa nabubuksan ang ilaw nang bumungad sa akin si Sir Genesis na umiinom ng tubig. “Good morning, Sir.” Bati ko sa kanya kahit binabalot pa rin ako ng kahihiyan sa katawan. Kailangan ko talagang bumawi sa kanya.  “Hindi na sapat ang mga pagkain sa fridge,” aniya habang nagtitimpla ng kape. Hindi niya ba gusto ang timpla ko kaya hindi niya ako inuutusan.  “Sige, sir. Ako na bahala. Bibili ako mamaya,” ani ko na lamang sa kanya at ngumiti. Tiningnan niya ang ngiti sa labi ko at umiling saka siya dumiretso sa secret room niya. Hindi ko alam ang lulutuin ko sa matanda kaya kinuha ko na lang ang mga natitirang gulay at nag-imbento ng bagong dish.  Ang lugaw ay hinaluan ko ng  kalabasa at tuna na binola saka itlog na nilaga. Hindi ko alam kung magugustuhan niya pero huwag naman sana siya mambunot kung hindi ano. Makakalbo ako sa pinaggagawa niya eh.  Naghanda ako ng squash lugaw sa plato ni Lola Pasing at kay Genesis. Nang magising ang matanda ay mabilis ko siyang pinagsilbihan at inayusan. “Nanaginip ako ng multo kagabi,” aniya habang humikab. “Multong may dala dalang mga baril. Nilooban daw tayo,” aniya. Hindi agad ako nakapagsalita. Ano ba ang itutugon ko? “Kulang ka lang yata sa ligo, Lola.” Ani ko at ngumisi. Tiningnan niya ako nang masama kaya mabilis kong isinara ang labi ko. “I’m clean!” sigaw niya. Tumango tango naman ako saka binilisan na lamang ang pagtutulak ng wheelchair niya papunta sa dining area. “Hindi ako katulad mo na mabaho, Julianna!” ulit niya. Ilang beses ko bang sabihin na hindi ako si Julianna? Sino ba kasi ‘yang si Julianna nang mabigyan ko siya ng ticket paalis ng Pilipinas para hindi na maalala ni Lola Pasing?  Inamoy ko ang sarili ko, hindi naman ako mabaho ah. Baka ‘yong bibig niya lang talaga ‘yong mabaho since malapit lang naman sa ilong niya. “What’s this?” tanong ni Genesis habang nakatingin sa aking pumpkin porridge.  “Juliet’s pumpkin porridge po, Sir.” Ani ko sa kanya. Base sa reaksyon ng kanyang mukha ay nagdadalawang isip siya kung kakainin niya ito o hindi. “Huwag kang mag-aalala, Sir. Wala po ‘yang lason.” Patuloy ko.  Ang nilagang itlog ay nilagay niya roon saka siya nagsimulang kumain. Si Lola Pasing ay wala namang reklamo habang kumakain. “Delicious,” aniya patuloy sa pagkain. Gumuhit naman ang ngiti sa aking labi kasabay ng pang-iinit ng aking pisngi.  Si Sir Genesis ay tuloy tuloy rin ang pagsubo niya. Mukhang mapapabili ako ng maraming kalabasa nito ah.  DUMATING ang doktor ni Lola Pasing at ang kanyang adviser kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mamalengke pagkatapos kong maglinis ng bahay. Pagkalabas ko ng pintuan ng penthouse ay sumakay na ako sa elevator. Natigilan ako nang sumunod si Sir Genesis na muntik nang maipit sa papasarang pinto ng elevator. Nakabihis siya ng khaki shorts at puting shirt na hanggang siko ang manggas. “May pupuntahan ka ba, Sir?” tanong ko sa kanya. Isinuot niya ang kanyang sunglass bago niya ako binalingan. “Ihahatid kita,” aniya. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Hindi na ba siya galit sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD