Chapter 3

1692 Words
PAGTAPAK ko ng Pilipinas ay agad akong dumiretso sa bahay ni Ruther. Dala dala ang Maleta ko ay tinahak ko ang eskinita kung saan mahahanap ang bahay nila. May mga nakakasalubong akong mga batang nagpapapantinero sa daan at mga kalalakihang nag-iinuman na daig pa ang anim na buwang buntis sa laki ng mga tyan. “Tao po!” sigaw ko habang nakahawak sa kanilang gate. Mapanghe sa giliran ng gate nila pero para sa akin amoy perfume ang halimuyak na ‘yan sa tuwing ini-imbita ako ni Ruther sa bahay nila. “Tao po!” muli kong sigaw. Ang aso lang nila ang problema ko. Sa tuwing bumibista ako ay kahol nang kahol sa akin. Alam ko aman exotic itong ganda ko hindi na niya kailangan ipagsigawan. “Rawr!” ani ko sa aso at nagkunwari ring aso. Nakatingin lamang sa aso sa akin na para bang nagtataka sa presensya ko. “Rawr! Rawr!—” “Sino ba ‘yan?!” nahinto ako sa pagpatol ng aso nang lumabas ang Mama ni Ruther. Nakangiti ako pagkatapos kong punasan ang pawis sa noo ko. Nakasuot ng bestidang bulaklakin ang kanyang Mama habang may kinakagat na toothpick. “Ako po! Si Juliet!” sigaw ko at kumaway. Natural na nakataas ang tattooed kilay niya kaya hindi na ako nasindak pa sa masungit niyang mukha. Alam ko na noon pa man na si Ruther ay nagmana talaga sa tatay niya. Kumpara sa nanay niya, mas maamo ang mukha ni Ruther at higit sa lahat ay mabait. “Wala dito si Ruther!” sigaw niya mula sa hagdan. Hindi man lang ako pinagbuksan ng gate. Hindi pa rin matanggal ang ngiti ko sa labi. Hindi na ata ito mawawala. Excited na akong makita si Ruther, naiimagine ko na magtatalon siya saya kapag nakita niya ako saka iya iiwan ang babae niya. Alam kong mas maganda ako sa pinagpalit niya. Kumbaga kung ako ay mukhang Diyosa, siya naman mukhang engkanto. “Bakit mo hinahanap ang anak ko e akala ko ba hiwalay na kayo?” tanong ng Mama niya. “Hindi po kami naghiwalay!” tanggi ko. Hindi ako papayag. Mahal ako ni Ruther, kaya nga ginamit niya ang pangalan ko sa mga pinaguutangan niya dahil may tiwala siya sa akin e. Mas lalong tumaas ang kilay ng Mama niya. Pakiramdam ko, kakataas niya ay aabot na ‘tong langit. “Nasa simbahan. Doon mo siya mahahanap.” Aniya at tumalikod na. Ibibigay ko sana ang buko pie na binili ko pero bigla niyang isinara ang pintuan. Sa dami ng simbahan, hindi ko alam kung saan pupunta. Buti na lang at maraming akong perang dala kaya ko binayaran ang taxi upang hagilapin si Ruther sa mga simbahan na napupuntahan namin. Sa huling simbahan ay napansin ko na maraming napauting damit na mga panauhin. Lumabas ako ng taxi at lumapit doon. Napansin ko si Ruther na nakadamit barong habang ang babae niya na nakadamit wedding dress habang sinasabuyan sila ng bulaklak ng mga flower girls. Punyal ang tumama sa aking dibdib nang makita ang eksenang iyon. Wala ako sa sariling humarang sa dadaanan ni Ruther nang binabalak nilang sumakay sa sasakyan na siyang dahilan ng pagtaas ng kanyang paningin sa akin. Biglang napawi ang ngiti sa labi ni Ruther habang namimilog naman ang kanyang mga mata. “Juliet,” sambit niya. Napatingin ako sa babae niya bago ko binalik ang paningin sa kanya. “Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya, tunog Bea Alonzo sa One more chance. “Ano sa tingin mo?” matapang na tanong ni Ruther. Nag-uunahan ang pagtulo ng mga mata ko. “Juliet, tapos na tayo…” Dagdag niya pa. “Bakit hindi imbitado Nanay mo sa kasal mo?” tanong ko pa. “Bawal ang lechon sa kanya sa handaan,” tugon ni Ruther. Napapikit ako nang mariin at napayuko. Sa ilang beses niya akong niloko, ngayon lang ang pinakamasakit. “Alam mo bang ako ang nagbayad ng milyong utang mo?” tanong ko sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin. Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko oh! “Gumawa ako ng paraan para hindi pagtangkaan ang buhay natin ng mga taong inutangan mo. Ruther, pinagkatiwalaan kita!” Nakatingin lamang ang mga panauhin sa akin. Wala akong pakealam kung nagmumukha akong gumagawa ng eksena dito. Gusto kong ilabas ang hinanaing ko, magmukha mang teleserye dito. “Sabi mo gagawin mo ang lahat para sa akin? Bakit mo ito sinusumbat sa akin?” tanong ni Ruther. Umatras ang luha ko at napatingin sa kanya. Napahawak siya sa kanyang puso at dismayadong umiling. Ang babae niya ay napatapik na lamang sa kanyang balikat. “Hindi ko nakikita ang future ko sa ‘yo, Juliet. Ang mga babaeng sinusumbat ang pagkakamali ko sa akin ay hindi ako deserved.” Aniya at tinabi ako para buksan ng pintuan ng sasakyan ang kanyang babae. Naunang pumasok ang babae sa loob. Sumulyap siya sa akin bago tuluyang sumunod. “Ruther, I’m sorry…” Ani ko habang tinatapik ang bintana ng sasakyan. “Ruther!” sigaw ko nang magsimula itong tumakbo palayo. Hinabol ko pa, kulang na lang orange para mag mistulang bida sa pelikula. “Ruther!” sigaw ko. Nahinto ako habang hinihingal nang hindi ko na makayanan ang habulin ito. Hindi pa rin natigil ang mga luha sa aking mga mata. “May dala dala pa akong buko pie paborito mo, ‘yon pala mas masarap ang pagkain sa kasal mo.” Wika ko kahit alam kong hindi naman niya iyon maririnig. NAWALAN ako ng pag-asang mabuhay; sa tuwing iniisip ko ang ninakaw ko kay Genesis na pinambayad ko sa utang ni Ruther at sa tuwing iniisip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan ni Ruther kanina. Dahil kasal na sila, wala na bang pag-asa na magkabalikan kami? Gumabi na at hindi halos naikot na namin ang buong Makati. Sinabi ko sa driver ng taxi na kung hanggang maaari ay huwag siyang huminto sa pagpapatakbo ng sasakyan niya. Hindi ko rin alam kung saan ako mag-e-stay gayong sariwa pa ang usapan tungkol kay Daddy sa baranggay niya. Kung sakaling umuwi ako doon baka maging pulutan ako ng chismis doon. “Miss, hinahanap na ako ng misis at anak ko ngayon.” Ani ng driver. Napatingin ako sa kanya at tumango. “Iliko niyo na lang po doon,” pagbibigay ko ng direksyon sa driver at lumiko naman sa tinuro kong kalsada. Pagkaliko niya ay muli akong nagbigay ng direksyon. “Iliko niyo ulit sa kanan.” Wala sa sarili kong sabi. Ngayon nga lang ako mag-e-emote hindi pa ako pagbibigyan? Mayamaya ay biglang nahinto ang driver nang makitang isang tulay ang nasa direksyon na tinuro ko. Kunot-noo siyang bumaling sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Siraulo ka ba? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit na tanong ng driver sa akin. Muli akong humagulgol ng iyak. “Gusto ko nang mamatay!” wika ko. “At idadamay mo ako?” muli niyang tanong sa akin. “Wala po kasi akong sariling sasakyan. Nakiki commute lang,” ani ko naman saka humagulgol ulit. Pansin ko ang pamimigil ng driver. Nakapikit ang kanyang mukha habang nanlalaki ang butas ng ilong. Para siyang dragon na bumubuga ng usok sa ilong. “Lumabas ka!” galit niyang singhal. “Labas!” ulit niya pa. Binigyan ko siya ng sampong libo saka ko kinuha ang maleta sa likuran ng sasakyan niya. Pinaharurot niya ang sasakyan niya sa inis habang ako ay naiwan naman sa giliran ng madilim na tulay. Dala dala ko pa ang buko pie. Kahit itapon ko ito, hindi ko pa rin naman makakalimutan si Ruther kaya bakit ko pa kailangang itapon? At isa pa, pagkain ito. Naglakad na lamang ako sa kahabaan ang tulay dala dala ang aking maleta. Hindi ko alam kung saan ako patungo hanggang isang Van ang huminto sa giliran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas ang isang lalake saka ako hinila papasok. “Anong gagawin niyo sa akin? Ibebenta niyo ba ang laman-loob ko?” tanong ko sa kanila nang sapilitan nila akong pinapasok. Hindi ba’t gusto mong nang mamatay, Juliet. Bakit mo pa sila tinatanong? Ani ng Demonyo sa isipan ko. “Wala talaga akong balak mamatay. Bale nagdadrama lang ako. Please pakawalan ninyo ako!” pakiusap ko sa loob. “Shut your mouth,” biglang sabi ng isa giliran ko. Nanginginig ako buong byahe, paano kung tama ng hinala ko? Nahinto na lamang ang Van sa labas ng condominium. Kung hindi ako nagkakamali ang condo na ito ay mayayaman lamang ang nakaka-afford ng unit. Hinawakan ako ng lalake sa braso saka kami tumungo sa loob. Malilinis nama nang mga hitsura nila, hindi mukhang sindikato na nagbebenta ng laman loob. Bale tatlo silang mga lalake na nagbabantay sa akin. “Saan niyo ba ako dadalhin?” tanong ko sa kanila. Hindi ako sinagot ng lalakeng humahawak sa aking braso. Hindi naman ako tatakas no! Nakikita ko lang ang mga baril na hawak hawak nila sa tingin nila makakatakas pa ako? Siguro mamaya na kapag pinahiga nila ako sa isang room na mag-isa. Gagawa’t gagawa ako ng paraan para hindi nila kunin ang laman loob ko. Sayang naman ang ganda ko kung mamamatay lang. Lumabas kami ng elevator at pumasok sa isang penthouse na sobrang lawak at sa tingin ko ay lalaki ang nagmamay-ari dahil sa mga itim at puting muwebles at kaunting ornamento ang nakadisplay. “Sir, nandito na po siya.” Ani ng may hawak sa akin saka ako binitiwan. Lumabas mula sa isang silid ang isang naka-itim na T-shirt na lalake. Namilog ang mga mata ko sa gulat nang makilalang si Genesis Kahler iyon. Napasinghap din ako nang bumaling siya sa akin habang seryoso ang mga mukha. “Nice to meet you again, Red Chick.” Aniya at ngumisi. Napayakap ako sa sarili ko, sinugurado kong natatakpan ng braso ang dibdib ko. “Sir? Ibebenta mo na ba ang laman loob ko para mabayaran ko ang ninakaw ko sa ‘yo?” tanong ko sa kanya na nag-aalala. Napawi ang ngiti sa kanyang labi at tiningnan ako nang seryoso sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD