Chapter 2

2453 Words
NAKAHILIG lamang siya sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Mayamaya nagsasalita na mag-isa. Mukhang hindi yata strip club napuntahan ko, ilang beses kong pinagsadahan ng tingin ang buong kwarto para masigurong hindi sa mental ako napadpad. “Sir, hindi po sa utak nilalagay ang alak. Sa tyan po.” Ani ko na lang. Pilipino naman itong Kliyente ko, nakakaintindi ng tagalog kaya okay lang. “Gusto niyo ba sayawan ko kayo?” nahihiya akong humarap at dumikit sa kanya dahil baka mamukhaan niya ako. Ako si alyas ‘Red Chick’, nakatago ang buong identity namin rito at sigurado ring nakakahiya lalo na’t nasabi ko sa kanya ang pangalan ko noong hiningi niya ito para may maisulat sa cup. Lasing naman e’, hindi naman niya siguro ako mamukhaan? At kasing kapal ng mukha ni Angel ang makeup ko. “Can you dance?” tanong niya pa habang nakapapikit. Ang sexy ng boses naman para bang marinig mo lang luluhod ka na agad sa harap niya, pero dahil loyal ako kay Ruther, hindi tumatalab sa akin. “Yes!” masaya kong sabi na siyang ikinangisi niya at mapupungay na mga matang bumaling sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin at bumaling sa ibang bagay. “Show me,” aniya at pumikit ulit. Tumikhim ako at tumayo. Sigurado ba siyang sasayawan ko siya? Paano niya makikita kung nakapikit siya? May tugtog naman sa labas ng silid kung saan kami dalawa lang magkasama. Tumalikod ako at gumiling, daig ko pang mga dancer sa wowowin kung makagiling. Tinodo ko rin ang pagpapaikot ng leeg ko habang sumasabit ang isa kong kamay sa pole sa tapat niya. “te amo te amo,” kanta ko sabay indak sa dating trend noon na sayaw. Narinig ko siyang humalakhak at nang napatingin ako sa kanya at mabilis niyang pinigilan ang sarili niyang tumawa ulit. “Mali ata napuntahan ko.” Aniya. “Bakit po?” “Comedy bar ata ‘to.” Aniya at akmang tatayo pero mabilis ko siyang pinigilan. “Teka sir!” gusto kong sabihin ang pakay ko sa kanya pero pinapangunahan ako ng hiya. “Gusto mo kantahan ko kayo?” offer ko sa kanya. “I have a very sensitive ear. Sagot mo ba lahat ‘pag nabasag eardrums ko?” tanong niya ulit sa tonong nang-iinsulto. “Uminom na lang kayo para hindi malimutan niyo bukas ang boses ko.” Ani ko at nagsalin ng bote ng alak sa kanyang baso. Kung sabagay, hindi ko rin gustong may ibang nakarinig ng boses ko maliban kay Ruther. Natatandaan ko kung paano mahalin ni Ruther ang mga kanta ko. Sinusubuan niya ako ng kanin sa tuwing nagsisimula akong kumanta, aniya para hindi ako magutom. Ang sweet niya, hindi ba? Mas lalo siyang humilig sa sofa mga ilang minuto ang lumipas. Kapag nauubos ang alak sa baso agad ko siyang sinasalinan. Ano bang mayroon sa alak at bakit ang hilig nilang uminom nito? “Sir, broken hearted ka ba? Bakit ang dami mong iniinom?” tanong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin, mapupula na ang mga labi. “Ikaw? Bakit ganitong trabaho mo dito sa Roma?” tanong niya pa ulit. Nagkaroon ng katahimikan when I refuse to answer him. Magsasalita pa sana ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang binti ko. “My brother said, women are another form of remedy. Totoo ba? Matutulungan niyo ba kaming makalimot?” tanong niya ulit at ngumisi. Kabaliktaran sa pinapakita ekspresyon ng kanyang labi ang kanyang mga mata. Para bang malungkot. “Broken din naman ako pero hindi ako naglasing.” Ani ko at napahilig nang husto sa sofa nang mas lalo siyang lumalapit sa akin. Mukhang isa siya sa mga negosyanteng hindi nagbabayad kapag walang nangyayari sa kanila ng stripper. Paano ba ‘to? Ang gwapo mo sir pero hindi ko nakikita ang sarili ko na kaya kong ibigay ang buong pagkatao ko sa ‘yo. Tinakpan ko ang dibdib ko nang ikulong niya ako sa kanyang mga braso. “Flor,” biglang sabi niya. Napapikit ako nang magtama ang bawat dulo ng ilong naming dalawa. Mariin ko ring isinara ang aking labi. Mukhang magiging ninang nga si Angel pero syempre, dahil ako si Juliet na nangangakong kay Ruther lamang ibibigay ang virginity ko, hindi ako papayag. Dahil dating black belter ako sa taekwondo, sinipa ko siya nang buong lakas at saka ko sinutok ang kanyang mukha na siyang dahilan ng pagkatulog niya sa sofa. “Hala!” napatakip ako ng bibig nang makitang dumugo ang ilong niya. Napalakas ata ang suntok ko! Paano ako babayaran nito? Sasabihin ko ba sa manager ang nangyari? Pero siguradong magagalit iyon sa akin at papalayasin lang ako nang walang napapala ngayong gabi. Sasabihin ko kay Angel? Paano ako matutulungan ng babaeng ‘yon eh wala namang ‘yong pera. Mayamang ang lalakeng ‘to kapag nalaman niya ang nangyari bukas siguradong ipapahanap niya ako, magkakaroon ako ng rason para makauwi ng pinas nang hindi naantala ng takot sa mga naniningil sa akin. Ang malaking sagot ay PERA! Kailangan ko ng pera! Na praning ako kakahanap ng paraan. Mabilis kong kinapa ang kanyang bulsa at napansin ang phone niya. Naalinag ko ang pattern ng password sa phone kaya mabilis ko itong binuksan nang walang kahirap hirap. “Online banking..” mahina kong bulalas at binuksan ito gamit nag finger print niya. Dahil sa pagtataranta nakapag bank transfer ako ng 100,000 euro o mahigit kumulang five million pesos. Sumobra ng timpa ko ng zero! Gusto kong bawiin pero agad na nag notify ng transfer success at hindi ko hawak hawak ang phone ko ngayon. Halos dumugo ang kuko ko dahil sa pagkagat ko rito. Sobrang desperada ako, to the point na hindi ko na gustong ipagpabukas pa ang bayad sa akin! “Sir, sorry! Kailangan ko lang talaga umuwi ng Pilipinas at bayaran ang utang ng jowa ko. Ibabalik ko po ang pera sa takdang panahon.” Ani ko at ipinasok ang panyo ko sa kanyang ilong bago ko binalik sa bulsa niya ang kanyang phone. Lumabas ako ng strip club at nagbihis ng damit sa dressing room. Napangiti ako nang makita ang phone ko. Magkakabalikan na ulit kami ni Ruther kapag nalaman niyang binayaran ko ang utang niya. At higit sa lahat, mapipigilan ko na ang kasal niya. “Juliet! Ang bilis mong natapos ah, ano kamusta? Malaki ba?” tanong sa akin ni Angel na siyang nakapagpatalon sa akin sa gulat. “Ano ginagawa mo rito?” tanong ko. “Hinintay kita,” makahulugang ngiti niya. “Angel, makakauwi na ako bukas. Ihanda mo ang pinakamagara kong damit.” Ani ko at tumawa na para bang kotrabida ng pelikula. Naiimagine ko kasi na ang mukha ni Ruther na magdadalawang isip kapag nakita niya ako sa kasal niya. Magdadalawang isip siya kung itutuloy niya ang kasal sa kulugong iyon o babalik siya sa dyosang katulad ko. Sa pagkakataong iyon, nawala sa isip ko ang ninakaw na pera kay Genesis. Genesis’ POV “Zeb, I’m okay.” Ani ko sa kapatid ko na kagagaling lang mula sa Pilipinas. Nang mabalitaan niya sa sekretarya kong si Annami na madalas akong tahimik nang naghiwalay kami ni Flor ay agad niya akong pinuntahan sa Roma. “I don’t believe you.” He blew cigarette smoke in my face. Napapikit ako at tumalikod. Hindi ako mahilig sa amoy ng sigarilyo at matapang na alak, kabaliktaran sa kapatid ko. “I booked you a reservation in Strip Club.” kunot noo akong napabaling sa kanya. Ilang beses kong sinabi na hindi ko kailangan ng babae para makalimot. Inaabala ko lang ang sarili ko sa negosyo at magiging okay din ang lahat. Ngumisi naman siya at humilig sa dingding habang pinapausukan ang buong veranda ko ng sigarilyo niya. “Trust me. One woman in a night is enough,” “Hindi tayo magkapareho,” sagot ko sa kanya. He collects different types of women. Iba iba ang flavor every month. Hindi ko rin naman siya masisisi, nakaranas din siya ng mas matinding heartbreak noon at pambabae ang naging remedy niya hanggang nakasanayan na niya. Kami lang tatlo ang magkadugo at magkasama simula nang mamatay ang mga magulang namin sa trahedya. Lola Pasing, Zebedee, and me at ang isang turo sa amin ni Lola na ‘wag pababayaan ang isa’t isa kahit na magkaroon kami ng sariling buhay o pamilya sa hinaharap. “I insist. Kapatid kita at nag-aalala ako sa ‘yo.” Aniya at itinapon sa akin ang isang card. Agad ko itong sinalo at napatingin. “VIP pass. Nakakahiya sa may-ari ng Club kung hindi ka pupunta, maraming nag-aabang ng virgin, alam mo ‘yon?” tanong niya at ngumisi. Mas lalo akong umiling. “Bagong salta raw at siguradong fresh ang naibook sa ‘yo. Huwag mo akong pahihiyain, kuya. At ‘wag mo ring pahihiyain ang babae. Umaasa sa pera mo ang babae, hindi ba nakakaawa?” patuloy niya at ngumisi. Napailing na lamang ako at sumandal sa sofa. Pinatay niya ang sindi ng sigarilyo niya sa ashtray at lumabas ng apartment ko. “See you, nasa kabilang kwarto lang ako. Banging up some Latina bitches.” Humalakhak pa bago isinara ang pintuan. Floraluna is my ex-girlfriend. Nakipaghiwalay siya sa akin weeks ago matapos makipagbalikan sa ex niya. She was the woman I want to spend the rest of my life with, kumpara sa mga dating nakilala ko, pero hindi kami para sa isa’t isa. Minsan naiisip ko kung kailan ako nagkulang, tuwing gabi, tuwing naiimagine ko ang amoy niya noong natutulog pa siya sa kwarto ko. Hindi ko naman iniisip na mali ang desisyon niya na piliin ang dating nanakit sa kanya, I couldn’t hate her too. I’m just sad, and I find moving forward tremendously hard. Maybe Zeb is right. Dating other women could help me forget about her. Susubukan ko lang. HALOS malunod ako sa alak na iniinom ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makapunta ako sa lugar na ito pero hindi ako kailanman nasanay. Kailangan kong uminom para mawala ang pagdadalawang isip na namumuo sa isip ko. Hindi ako katulad ni Zeb na mahilig mambabae, I respect women at hindi ko lubos maimagine na kaya nilang kalimutan ang respeto sa sarili nila to feed their hungry stomachs. Women are making money sa pagbebenta ng laman nila, in exchange of their service ay ang mga taong katulad ko na nais makalimot ng problema, ng past issues, o gusto lang maging masaya like my brother who is a popular womanizer. Women should be treated like an expensive stone kahit pa anong ugali nila, katulad ni Red Chick o kilala ko sa pangalang Juliet. How can I forget her? Pumasok siya sa restaurant na may maikling kasuotan at naging agaw atensyon siya sa lahat ng aking crew doon. Sumasayaw siya sa harap ko at naririnig ko ang pagpalpitik ng buto niya sa beywang. Napasingi ako at napailing. Beautiful and seductive— iyon ang sabi ng manager ng strip club pero ang Juliet na ito ay parang clown. Kung ihahambing siya kay Flor, siguradong mas matangkad si Flor sa kanya. I have never seen a woman who surpassed Floraluna’s beauty ever since I met her. “Mahirap talaga kumita ng pera,” bulong ko sa sarili pero parang narinig niya dahil lumingon siya sa akin. “Sir, broken hearted ka ba? Bakit ang dami mong iniinom?” tanong niya matapos siyang umupo sa giliran ko. Napapikit lamang ako at nakahilig sa sofa, pakiramdam ko kapag tumingin ako sa paligid ay matutumba ako. Malakas ang tama na alak na pinainom niya sa akin dagdagan mo pa na medyo tinablan ako ng alak bago pa siya dumating. “Ikaw? Bakit ganitong trabaho mo dito sa Roma?” tanong ko sa kanya at sinubukang lumapit. I want to try, gusto kong subukan kung paano ang maging gamot ang pambabae, kahit na labag sa kalooban ko. Napahawak ako sa kanyang malambot na hita at sinubukan kong itaas hanggang manigas ang katawan niya. “My brother said women are another form of remedy. Totoo ba? Matutulungan niyo ba kaming makalimot?” kung hindi ako makalimot ngayon, siguro sa susunod pang buwan o taon. My heart aches the moment I tried to brush my lips against hers pero pakiramdam ko parang nagtataksil ako sa taong iniwan ako. “Broken din naman ako pero hindi ako naglasing.” Sayang, sarap mo sanang kausap pero pinunta ko kung ano ang pakay ko dito. I don’t want to become womanizer, I respect woman, pero hindi ko malalaman ang sagot kung paano mag move forward kung hindi ko ‘to susubukan. “Flor,” I’m sorry if I have to kiss another woman. But, I promised myself when we meet each other again, my heart wouldn’t be beating for you anymore. I could feel her hard breath upon my lips until she pushed me hard using her feet. Nang bumalik ako sa position ko sa sofa ay agad siyang umupo sa ibabaw ko at sinuntok ako nang napakalakas. Napapikit ako sandali nang parang maalog ang ulo ko at nangmanhid ang ilong ko. Karma ba ito for using someone else to move on? Ang bilis naman ata… “Hala!” Tatayo na sana ako nang marinig ko siyang nataranta at pinakiramdaman na lang ang pangyayari nang maramdaman kung kinuha niya ang phone ko sa aking bulsa. Masyadong mabigat ang ulo ko para pagalitan siya. “Sir, sorry! Kailangan ko lang talaga umuwi ng Pilipinas at bayaran ang utang ng jowa ko. Ibabalik ko po ang pera sa takdang panahon.” Aniya na parang naiiyak. Narinig ko ang notification ng phone pag nag ginamit ko ang bank transfer. Utang ng jowa? At siya magbabayad? May nilagay siyang panyo sa ilong ko at hindi man lang nag-abalang punasan ang dugo rito. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pintuan, pahiwatig na nakalabas na siya. Napatingin ako sa direksyon ng pintong nakasara bago ko sinubukang umupo. Agad kong tinawagan si Annami habang nakahilig ako sa sofa at nakapikit, ang pinay na sekretarya ko, nang makita kung magkanong halaga ang trinansfer niya. Damn alcohol. Hindi naman ‘to isang daang peso para palagpasin lang. As a businessman, I value money kahit na anong halaga. “Good evening, sir.” “Please connect to the owner of the All-night Strip Club. Find a woman with the pseudonym ‘Red Chick,’ her real name is Juliet.” Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago niya ako sinagot. Siguro dahil nagtataka siya kung bakit ako may hinahanap na babae na nagtatrabaho sa Strip club. “Copy sir.” Bahagyang umangat ang dulo ng labi ko nang may maisip na paraan para mabayaran niya ang ninakaw sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD