Chapter 4

1778 Words
Nakadekwatro ang kanyang mga paa habang ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa sinasandalan niya. “Nope,” tipid niyang tugon. “E, ano?” tanong ko at umupo na rin sa sofa na nasa tapat niya habang yakap yakap pa rin ang aking sarili. Juliet, ano ba ang tinatakpan mo riyan na wala namang laman ‘yang dibdib mo. Sinampal ko ang sarili kong mukha nang marinig ang boses ng demonyo sa loob nito. “I have reviewed your background. Before getting office work, you worked as a caregiver in Rome, Italy. ” Aniya habang nakatingin lamang sa akin. Recently, your ex-boyfriend used your name to owe money from your random acquaintances and marry someone else. You applied as a stripper in the club where we met and stole my money in my e-bank when I got drunk. You have used the stolen money to pay those your ex-boyfriend is indebted to.” Aniya at ngumisi. Nilalaro niya ngayon ang kanyang labi gamit ang kanyang hintuturo. “You must be so in love with your ex-boyfriend. Naka move on ka na ba? After witnessing his wedding earlier this day?” tanong niya sa tonong nanunuya. Napayukom ko ang aking kamao. Feeling niya makakamove on siya agad within the day lang? Nananadya ba siya? “Bakit mo ako tinatanong kung naka move on na ako, Sir? Hindi ba dapat alam mo rin ‘yan kasi naglasing ka noon dahil sa girlfriend mo?” tanong ko sa kanya na ikinapawi ng ngiti niya sa labi. Naalala ko noong first meeting namin na may sinasambit siyang pangalan ng babae. Feeling ko rin broken siya noong naging client ko siya. Hindi siya agad nakapagsalita. Pakiramdam ko tuloy may natamaan ako sa ego niya. Umayos siya ng pagkakaupo at humarap sa akin. Minsan talaga kapag may gwapong nakatitig sa ‘yo, naduduling ang mga mata mo. Pero kapag mukhang lumpia, nakakabadtrip ng araw. “Pwede kitang kasuhan sa pagnanakaw mo sa pera ko, pero dahil mabait ako, I could give you a chance.” Aniya. Dapat kapag nagsasalita siya, nakangiti siya hindi iyong parang mamartilyuhin niya ako pagkatapos. Nakakatakot tuloy at nakakaintimidate. “Are you interested in the offer? Kahit tumanggi ka wala ka rin namang patutunguhan.” “Anong job offer ba ‘yan, Sir?” tanong ko sa kanya, medyo kinakahaban. Paano kung magpuputol ako ng kahoy gamit ang nail cutter? O ‘di kaya aalisin ko lahat ng tubig sa swimming pool gamit ang baso? Napasinghap ako nang mapuna ang reaction sa kanyang mukha na nakatitig lamang nang seryoso sa akin. Paano kung maging full time Red Chick ako para mabayaran ko ang kinuha sa kanya? Kasi nabitin siya sa performance ko noon kaya niya ako pinahanap kasi hindi siya satisfy sa ginawa ko? “Sir, lasing ka no’n. Malamang hindi ka masasatisfy kasi wala ka sarili saka kahit hindi kita sinuntok makakatulog ka talaga no’n.” Ani ko sa kanya. Tumaas ang isa niyang kilay na para bang tinatanong kung ano ang pinagsasabi ko. “Kung gusto mo talaga masatisfy, Sir, sasayawan kita buong araw at kung kailan mo gusto. Pagsisikapan ko na maging worth it ang binayad mo sa akin. Promise!” ani ko at pinagdikit ang aking dalawang palad. Napayuko siya, ngumisi, at umiling. “Actually, I want to hire you as a caregiver for my grandmother for three years. That’s the offer,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. Sana pala hindi na lang ako nagsalita. ‘Yang bibig mo talaga, Juliet! Naku! “Napakadali naman, Sir!” ani ko at inayos pa ang aking buhok. Sure ako na hindi man lang ako pagpapawisan. May experience kaya ako sa pagke-caregiver. Gumuhit lamang ang ngisi sa labi ni Sir Genesis at tumayo. “You may start today,” aniya at bumalik sa silid kung saan siya nanggaling kanina. Ang swerte naman ng buhay ko, kahit minalas ako kay Ruther. Hindi pa nga ako nakapaghanap ng trabaho rito, may nag offer na sa akin. Napakadali pa ng responsibilities ko. A piece of cake! SI Martha, ang dating caregiver ay nag-o-orient sa gagawin ko sa matanda. Marami siyang tinuro sa akin at minsan nilalabas ko na sa aking kaliwang tenga dahil alam ko naman kung paano gagawin. “Huwag mo siya papakainin ng processsed food kung ayaw makakita ng flying spoon.” Aniya. Kumindat naman ako sa kanya. “Easy,” komento ko. “Huwag mo rin siyang paliliguan nang malamig na tubig o ‘yong sobrang init kung ayaw mong maligo rin kayo nang sabay,” “Easy,” komento ko ulit. “Kapag gusto niya ng pagkain kahit hating gabi, ipaghandaan mo.” Aniya. “Easy naman,” ani ko ulit at ikinawit pa ang hibla ng buhok sa likod ng aking tenga. Tiningnan niya lamang ako nang matagal. “Dapat aliwin mo siya kung ayaw mong mabasag ang eardrums mo,” aniya. “Apaka easy. Wala bang may hard d’yan?” pagmamayabang kong tanong. Ngumiwi siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka niya binigay sa akin ang kumot. “Hard? Sana tumagal ka ng six months.” “Sobrang easy! Sisiw lang ‘to sa akin, sanay ako mag-alaga nang matanda!” wika ko at tumawa. “Sige, good luck.” Aniya at tuluyan nang umalis. Kumaway ako sa kanya pagkatapos maibigay ni Sir Genesis ang last pay niya. Nakatingin lamang si Sir Genesis sa akin nang tuluyan siyang lumabas ng penthouse. “Ano ba ‘yang kinukuha mong caregiver, Sir. Wala man lang tumatagal?” tanong ko pa habang ngumingisi. Umiinom siya ng kape habang nakahilig sa counter table. May hawak siyang phone sa kamay saka bumaling sa akin. “You’ll know why,” tipid na sabi niya at tipid na ngumiti sa akin. Bumalik siya sa kwarto kung saan siya pumasok kanina at isinara ito. Tumungo muna ako sa kwarto ko at nagselfie saka ko pinost sa social media accounts ko. Excited na ako mag-work, kasi alam kong hindi naman ako mahihirapan dito. Nag-ayos ako ng sarili ko at nakatulog na nang mahimbing. Kabisado ko na ang mga ugali ng mga matatanda. Hndi na ito bago sa akin, sila nga dapat masindak sa akin kasi strikta akong tao. KINABUKASAN, Inayos ko ang aking sarili saka lumabas ng kwarto ko at tumungo sa taas kung saan natutulog pa ang matanda. “Patrianna Kahler AKA Lola Pasing,” bulong ko sa sarili ko at kinabisado ang pangalan ng matanda. Hindi na ako kumatok sa pintuan at pumasok na lamang sa kanyang kwarto. Madilim ang kwarto nang pumasok ako. May ilaw sa giliran ng kama pero hindi sapat upang maklaro ko ang mukha ng matandang natutulog. Ani ni Martha sa mga ganitong oras ay dapat nakaabang ka na sa kanyang pag-gising. Dahan dahang umupo sa maliit na upuan at hinintay na magising siya. Ilang minuto ang lumipas nang mapansing hindi pa rin siya nagigising. Lumapit ako sa kama at dahan dahang hinawi ang kumot at napagtantong wala na siya roon. “Martha!” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng matandang babae sa labas. Dali dali akong lumabas at halos madapa sa hagdan at tumungo sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. “Hello, Lola Pasi—” hindi natuloy ang sasabihin ko nang isang kawali ang tumama sa mukha ko. “Aw!” singhal ko at napahawak sa noo ko. “Nasaan ang pagkain ko?! Gugutumin mo ba ako?!” matinis na boses nitong sigaw. Tumaas ang bawat dulo ng kilay ng matanda habang nakatingin sa akin. “Juliana?!” tanong niya. “Po? Juliet po,” ani ko at lumapit. Akmang makikipag-shake hands ako sa kanya nang mabilis niyang sinitikan ang kamay ko. “Juliet?! Ahh, akala ko pumandak si Julianna, ibang babae pala.” Aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakaupo lang sa wheelchair ang matanda. Sinong pandak? Aba! “Genesis! Bakit mo ba pangit ang pinalit mo naman?!” sigaw niya. May mapupuruhan talaga akong matanda ngayon. Hindi ko yata matanggap na tinawag akong pangit. Lumabas sa kusina si Sir Genesis at lumapit sa kanyang lola. Nakatingin lamang si Sir Genesis sa akin habang may ngisi sa kanyang labi. Bagong ligo siya at may suot suot na eyeglass. “Ano bang ginagawa mo? Magluto ka na!” ani ng matanda. Mabilis akong tumungo sa kusina para maghanap ng lulutuin. Sumisigaw ang matanda dining area habang nagluluto ako. Tumatalsik ang mantika sa kamay ko habang nagpiprito ako ng bangus. Pagkatapos ay inilapag ko sa mesa. Napatingin naman ang matanda dito bago inangat ang matanda sa akin. “Fried bangus, mango, and rice for you!” nakangiti kong sabi sa kanya. Si Sir Genesis ay nakaharap lang sa lola niya habang umiinom ng kape. Sumulyap ako sa kanya at nahuli siyang kakatitig sa akin. Mabilis siyang umiwas at itinuon ang mga mata sa dyaryo. Mayamaya ay tinapon ng matanda ang pagkaing inihanda ko sa sahig at ngumiwi. Parang nagdilim ang paningin ko sa ginawa niya at muntik ko nang makalimutan na kailangan ko palang makaakyat sa langit. “f**k off!” aniya, “Unhealthy!” aniya. “Linisin mo ‘yan, papakain ko ‘yan sa ‘yo kapag may nakita akong nagkalat na kanin!” aniya. Mabilis kong nilinisan iyon tulad ng gusto niyang mang-ari. “Hindi ka pa ba nakapagluto?” tanong niya sa akin, “Gugutumin mo ba ako?!” tanong niya ulit. “Magluluto na po!” sigaw ko at mabilis na bumalik sa kusina. Gusto ko tuloy siya murahin, pero ‘di bale, mas maganda pa rin ako sa kanya. Kaunting pasensya lang sa matandang ito. “Bilisan mo!” sigaw niya sa labas. Napapikit ako nang mariin at naghanap ng gulay na pwedeng lulutuin sa fridge. “Steamed chicken wings and vegetable soup,” napaangat ang paningin ko kay Sir Genesis nang magsalita siya habang nagsasalin ng tubig. Kinuha ko ang mga manok sa freezer at gulay. “My grandmother was diagnosed with Alzheimer’s disease. Ill-mannered siya ngayon, mayamaya makakalimot at magiging mabait.” Patuloy niya habang hindi nakatingin sa akin. “Sir, hindi ba pwedeng sumayaw na lang ako sa harapan ninyo?” tanong ko sa kanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng inalagaan na medyo high blood kaya nakakapanibago para sa akin. Napatitig siya sa akin at ngumisi. Napaiwas ako ng tingin, hindi ako sanay na may gwapong nakatitig sa akin. Tinititigan din naman ako ni Ruther dati pero hindi ako naiilang. Baka nga ‘di ko pa nare-realize na ‘di naman talaga siya gwapo. “Easy lang, hindi ba?” tanong niya at tuluyang lumabas ng kitchen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD