Chapter 12

1654 Words
MALAKAS ang amoy ng alak sa hininga niya. Nang mapatingin ako sa kanya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Mabilis akong umiwas at lalabas na sana nang pintuan nang marahas niyang isinara ang pinto. “Sir! Nanggugulat ka naman e!” reklamo ko kasi sa pagkakataon na ito, kinakabahan ako. “I have to talk to you,” aniya at hinawakan ang braso ko. Natigilan ako nang maisip na baka magco-confess na siya sa feelings niya para sa akin. E hindi ba’t kakasabi niya lang na huwag manggamit ng tao para maka move on? Halata naman na mahal niya pa ‘yong Ex niya kahit may gusto siya sa akin. “Sir, bakit po?” tanong ko. Paika ika siyang lumapit sa counter table at doon naupo. Inalalayan ko pa siya dahil pakiramdam ko malaking pagsabog ang magaganap kapag natumba siya rito. Mabilis akong nagtimpla ng kape upang may mahigop naman na mainit si Sir Genesis. Hindi ko siya pwedeng pabayaan dito lalo na’t lasing siya at confused sa feelings niya for me at sa ex niya. Matapos ang pagtitimpla ay inilapag ko ito sa kanyang harapan at umupo sa katabing stool. Binuksan ko rin ang maliit na ilaw sa itaas ng counter table para maalinag ko ang mukha niya. “Pulang pula ka, Sir. Kung pulis ako pagkakamalan kitang lumaklak ng shabu,” wika ko sa kanya. Uminom siya ng kape. Ang kanyang mga mata ay halatang inaantok pero nanlalaban ang kanyang katawan. Alam ko sa mga oras na ito ay gustong gusto niya ako kausapin. Nakahanda naman akong makinig. “Ano ba pag-uusapan natin, Sir?” ako na ang naunang nagsalita dahil kapag hinintay ko siya ay baka mauumagahan kami. “Didiretsuhin kita, Sir. Kung tungkol sa pag-ibig, wala akong maiaambag sa feelings mo sa akin. Alam mo naman ako, Sir. Mababa lang ang type kong lalake at to be honest, hindi ka kasya roon.” Ani ko na lamang sa kanya. Napadilat ang kanyang paningin at kunot noong nakatingin sa akin. Ang kanyang kamay ay nasa itaas ng counter table at ang isa naman ay nakahawak sa hawakan ng cup. “What makes you think na may gusto ako sa ‘yo?” tanong niya. Lumapit siya sa akin at napahawak sa stool na aking inuupuan. Bale kinukulong ako sa kanyang mga braso. Napalayo ako nang kaunti dahil hindi ako comfortable. “Speed mo naman, Sir.” Ani ko habang naiilang na natatawa. Tinititigan niya lamang ako na para bang kinakabisado ang bawat anggulo ng aking mukha. Sobrang gusto ko nang tumalon at kumaripas ng takbo palabas ng kusina at magtago na lang sa kwarto ko. Bakit pa kailangan akong ikulong sa mga braso niya? Hindi ko naman siya tatakasan pero dahil sa ginawa niya hindi tuloy ako comfortable. Hinila niya ang stool kong upuan upang mapalapit ako sa kanya. Napahawak naman ako sa kanyng balikat sa takot na mahulog mula rito. “Hmm?” tanong niya. “Masyado kang vocal sa nararamdaman mo sa akin, Sir. Kung gusto mong magustuhan din kita, mag move on ka muna kay Flor.” Ani ko sa kanya. Biglang sumeryoso ang reaksyon sa kanyang mukha. Pakiramdam ko tuloy may naapakan akong ego. “Let’s not mention her name,” aniya, “I just wanted to talk to you alone without bringing up others’ names,” “Ano ba ang gusto natin pag-usapan? Tungkol sa feelings mo sa akin?” tanong ko pa. Hindi agad siya nakapagsalita. Yumuko siya at ngumisi. Hindi naman ako nagbibiro pero bakit tumatawa siya? “Sir, hindi kita pwedeng mahalin at kung interesado ka talaga sa akin…” napaiwas ako ng tingin at napanguso. Masyado ba akong bungangera sa lasing? “... Manligaw ka sa akin kapag nakamove on ka na sa ex mo,” ani ko at nagkibit balikat. Inalis niya ang braso niya sa stool at napalumbaba na lamang sa counter table habang tinatakpan ang sariling mukha gamit ang kanyang palad. “Damn, confidence.” Bulong niya pero sapat na para marinig ko. Muli niya akong tiningnan kaya agad akong napaiwas ng tingin at nagkunwaring walang narinig. “I…” May sasabihin pa sana siya kaso bigla siyang natigilan. “I?” tanong ko at tiningnan niya ulit. Sasabihin niya bang I love you? Ang bilis naman ni Sir Genesis! Hindi kaya ginawa niya lang alibi ‘yong pagiging caregiver ko sa lola niya, gusto niya talaga ako iuwi rito sa bahay niya kasi na love at first sight siya sa akin? “I…” ulit niya at lumapit sa akin. Muli siyang napahawak sa stool at kinulong muli ako sa kanyang mga braso. Hindi ko kayang maipikit ang mga mata ko. Hinihintay kong sasabihin niya ‘yong I love you para matigil na siya kakapantasya sa akin. Pero paano kung sabihin niya nga ito? Iba talaga nagagawa ng lasing, nilalabas ang inner kalandian natin at confidence. Naikawit ko ang hibla ng takas na buhok sa likuran ng aking tenga at ngumiti. “I?” tanong ko ulit sa kanya. “I’m f…” Aniya. Napapikit ako at hinanda ang sariling labi kung sakaling gusto niya akong i-kiss. Sa mga koreanovela, kahit hindi gusto ng babae ang lalake ay nagpapahalik pa rin. Paano na lamang kaya ako? Mariin kong isinara ang labi ko habang nakahawak nang mahigpit sa stool sa gulat nang hindi labi niya ang naramdaman ko sa labi ko kung hindi isang mainit at mabahong likido. Ang magaling na amo ko ay sumusuka sa aking mukha. Gusto kong tawagin lahat ng demonyo at pagmumurahin siya! “I want to throw up,” Nahihirapan niyang sabi at sumuka sa aking dibdib. ‘Yon pala ang meaning ng ‘I’. Hindi naman kasuka suka ang mukha ko pero bakit?! Nawalan siya ng malay nang maibagsak niya ang kanyang ulo sa counter table habang ako ay nagdadasal na sana makakaakyat pa ako ng langit pagkatapos kong tawagin ang mga demonyo. Lord! KINAUMAGAHAN nang tuluyang umuwi si Zeb. Nakaligo na ako’t nakapag-ayos pero ang amoy ng suka ni Sir Genesis ay naalala ko pa rin. Nasa utak ko pa rin ito at pakiramdam ko ilang araw akong hindi makakakain nang maayos dahil doon. Pagkatapos maligo ni Lola Pasing ay kumuha ako ng maintenance medicine niya at saka tubig. Natigilan ako nang makita si Sir Genesis na umiinom ng tubig. Bumaling siya sa akin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. Naalala ko naman kagabi. Naalala ko ang pambababoy niya sa mukha ko. “Good morning, Sir.” Bati ko sa kanya. “Saan ako natulog kagabi?” tanong niya pa. Wala talaga siyang naalala? Posible pati ang pagsuka niya sa mukha ko hindi niya rin naalala. “I woke up in the kitchen,” patuloy niya. “Edi sa kitchen, Sir.” Nakangiti kong sabi. Tumango naman siya habang hinihilot ang sentido niya. Bago siya lumabas ng ay tinawag ko siya. “Sir, Uh.” Bumaling naman siya sa akin at itinaas ang isang kilay. “Masarap ba ang alak kagabi?” tanong ko sa kanya. “Bakit mo natanong?” “Wala lang, Sir. Parang ang sarap ng tulog niyo kagabi at hindi niyo na maalala ang nangyari sa atin.” Ani ko sa kanya. Namilog ang mga mata niya sa gulat at tiningnan ako nang mariin. “May… May nangyari sa atin kagabi?” tanong niya pa. Tumango naman ako at ngumiti. Pumikit siya nang mariin at hinampas ang kanyang ulo. “Damn, I’m sorry. I didn’t know!” aniya. Talagang kailangan mong humingi ng sorry sa akin animal ka. Kung hindi mo ako sumuka sa mukha ko edi maganda ang pasok ng umaga sa akin. “Lasing ako at hindi ko alam na may nagalaw ako. Wala akong maalala,” explain niya. Anong nagalaw? Ah, siguro ‘yong pride ko ang nagalaw gamit ang suka niya. Humalukipkip ako at kumuha na lamang ng gamot ni Lola Pasing at naunang lumabas ng kusina. Kapansin pansin ang pagsunod niya sa akin. Ngayon na gu-guilty siya dahil sa pambababoy sa akin? “Genesis,” ani ni Lola Pasing at bumaling sa kanyang apo. “Pwede ba tayong pumasyal ngayon? Sa Chess park?” tanong ni Lola Pasing. Kalmado siya ngayon. Ibig sabihin ba ay nasa katinuan siya. “Of course, Lola.” Aniya. Tumingin ako kay Sir Genesis. Napaiwas siya ng tingin sa akin at napalunok. Nahimigan ko ang ilang na bumabalot sa pagkatao niya. Ha! Dapat lang na mailang siya, ano. Ikaw kaya sukahan ang magandang dilag, sino ang hindi mahihiya?! BUMILI kami sa isang Convenience Store ng pagkain at tubig bago kami pumunta sa park na sinasabi ni Lola Pasing. Yakap yakap niya ang chess board habang tinutulak ko ang wheelchair niya at namimili kami ng pagkaing healthy para sa kanya. Kumuha ako ng junkfood pero mabilis itong inagaw ni Sir Genesis mula sa kamay ko at ibinalik sa pinanggalingan nito. “What the?” tanong ko sa kanya. “Eat something healthy,” aniya habang hindi nakatingin sa akin. Bumili na lamang ako ng kamote chips at kalabasa chips. Hindi ko alam kung healthy ito pero siya ang nag-suggest sa akin. Bumalik kami ng sasakyan pagkatapos naming bumili. May binigay siya sa paperbag sa akin bago niya pinaandar muli ang sasakyan. Ang matanda naman sa likuran ay panay imagine lang ng laro sa kanyang isipan. “Ano ‘to, sir?” tanong ko sa kanya. Pink Check Pregancy Kit. Napakunot ang noo ko nang mabasa ito. Pregnancy Kit? Aanhin ko naman ‘to? E ang alam ko bulate lang ang namumuhay sa tyan ko. “I don’t know which brand works best. Gamitin mo muna iyan after a week or two. Let’s consult a doctor next month para makasiguro,” aniya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Nahinto ang sasakyan nang mag red light ay agad akong napaisip. Binalot ng kaba ang dibdib ko sa mga oras na iyon. Huwag niyang sabihing nakakabuntis ang sukahan sa mukha?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD