Chapter 11

1551 Words
Zeb Kahler. Kapatid ni Sir Genesis. Magkamukha sila actually pero mas bata lang ang mukha ng isang ‘to. Parati ring nakangiti na akala mo hindi tinatablan ng problema sa buong buhay niya.  Pagkatapos ko siyang timplahan ng juice ay aalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag. “Stay,” aniya. Napabaling ako sa kanya. Nakaupo lamang siya sa dining table at kaharap niya ang kapatid niya, si Sir Genesis. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at tumingin sa akin. “I enjoy talking with short people. They are cute,” aniya. Hindi ko alam kung masisiyahan ako sa sinabi niya o ma-o-offend. Parang ang sarap sabunutan ng lalakeng ‘to. Kung baliw lang ako kanina ko pa hinigit ang kulot niyang buhok.  Lumapit ako at umupo sa dulo ng mesa. Napapagitnaan ako ng dalawang gwapo este magkapatid. Nakangiti si Zeb habang hinihiwa ang pancake sa kanyang plato. “As far as I remember, my brother doesn’t allow somebody to enter his private places.” Aniya at tumaas ang isang kilay habang nanliliit naman ang kanyang mga mata. “Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Are you Red Chick?” tanong niya. Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin habang hinihilot ko ang aking sentido. “Yes, she is.” Si Sir Genesis na ang sumagot. Humalukipkip siya habang nakatingin sa kanyang kapatid. “Kung siya nga, bakit ka interesado sa kanya?” “Brother, I’m not interested to her. Interested ako malaman kung bakit mo siya inuwi sa Pilipinas at pinatira sa bahay mo,” aniya at kumain ng pancake. “Nakita ko pang lumabas siya ng room mo,”  “Naglilinis lang ako, Sir. Walang kahit na anong malisya roon,” ani ko.  Umiling naman siya at hindi kumbinsido sa aking mga sinabi. “No, I can’t validate that.” Aniya, “Kilala ko ang brother ko. Hindi siya interested sa mga babae kung wala talagang babaeng makakaagaw ng atensyon niya. Isa ka na roon,” aniya. Interested siya sa akin kasi ninakawan ko siya ng pera. Assuming akong tao pero iyon ang katotohanan na hindi ko kayang itago. My goodness! Bakit ba kami pinipilit ng kapatid niya? “May nangyari ba sa inyo kaya mo siya dinala dito para panagutan siya?” tanong ni Zeb kay Genesis. Mariin lang na tiningnan ni Sir Genesis ang kapatid niya. Walang preno ang bibig nito, nagtataka tuloy ako kung bakit hindi nagmana si Genesis sa Lola niya para hindi ako magduda na magkapatid silang dalawa. Kumpara kasi kay Genesis, walang preno ang bibig ng isang ito katulad na katulad sa Lola niya. Humagalpak siya nang malakas at hinampas pa ang table na siyang nagpatalon sa akin sa gulat. “Hindi ko naman alam na mas matanda sa ‘yo ang type mo. Akala ko ba si Floraluna ang standards?” tanong niya at napatingin sa akin.  “Ano sabi mo?” tanong ko sa kanya. Nakangiti ako pero ‘yong ulo ko ready na makipagbardagulan sa lalakeng ‘to. Lord! Bigyan niyo ako ng mahabang pasensya! Napatingin naman si Sir Genesis sa akin at inilapit ang hinanda kong tubig sa kanya sa akin. Bumaling ako roon at nagtaka pero walang kahit na anong reaksyon sa kanyangm ukha.  “She’s our Lola’s caregiver. I brought her here because I know she can handle her,” ani ni Genesis. “She’s qualified after all,” tumayo siya at pumunta sa secret room niya. Hindi niya sinabi sa kapatid niya ang tungkol sa pagnanakaw ko ng pera sa kanya. Siguro para hindi ako mapahiya.  Bumaling ako sa tubig na binigay niya sa akin. Nawala ang inis sa puso ko nang binigay niya ang tubig niya sa akin. Ano ang ibig sabihin noon? Upang pakalmahin ang nagagalit na puso ko? May gusto ba siya sa akin talaga? E, hindi pa siya nakaka move on e pero posible naman ‘yon, hindi ba?  “Hmmm…” bumaling ako kay Zeb nang marinig ang daing niya. Nanliliit ang mga mata niya habang tinititigan ako na para bang sinusuri niya nang husto ang mukha ko. “Do you like my brother?” tanong niya. Mabilis naman akong umiling. “Hindi ko po type si Sir Genesis,” mabilis kong tanggi. Hindi kailanman ako magkakatype sa mayaman at mga katulad ni Sir Genesis. Pakiramdam ko’y maraming maghahabol sa kanya, kung maraming maghahabol edi maraming rin akong karibal! “Ano ba type mo?” tanong niya. Bakit niya tinatanong ang type ko? Huwag niya sabihing type niya ako kaya gusto niya malaman kung ano ng tipo ko? Kung type niya ako tapos may secret crush si Sir Genesis sa akin edi magbabardagulan sila magkapatid dahil lang sa akin? Aba! Kasin haba na pala ng bulbul ko ‘yong buhok ni Rapunzel. Hindi bale ng pandak mahaba naman ang buhok ko. “Hindi masyadong mayaman,” ani ko naman para hindi niya maisip na wala akong type sa kanilang dalawa. “Saka malaki ang tyan,” dagdag ko pa. Pareho silang maganda ang pangangatawan. Sana huwag na silang mag-away, ano. Alam kong maganda ako pero ‘wag silang mag-away. “What if malaman mong may gusto sa ‘yo ang brother ko tapos liligawan ka. Ano ang sasabihin mo sa kanya?” tanong niya pa. Oh hindi ba! Masyado nang obvious si Sir Genesis sa kilos niya kahit si Zeb nakakahalata na. Pero bakit ba ako tinatanong ng lalakeng ‘to? Bakit napakausisero naman niya? Hindi dapat niya pinapangunahan si Sir Genesis sa mga nararamdaman ng kapatid niya para sa akin! “Alam mo, Sorry, Sir ha. Pero maypaka Marites ka rin. Hindi ka naman chismoso, Sir no baka brand ng shampoo ko gusto mo rin alamin.” Tanong ko sa kanya. Napawi ang ngiti niya sa labi at sumandal sa kanyang inuupuan. “Akala ko sweet girl,” aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “I shouldn’t have talk to you,” aniya at uminom ng tubig saka sumunod sa secret room ng kapatid niya. SUMAPIT ang gabi. Nasapool silang tatlo. Si Lola Pasing ay tawa nang tawa habang nagbibiro si Zeb sa kanya. Nakatingin lamang ako sa kanila habang nag-iihaw ng karne para pangkain nila. Bakit ba natatawa ang matanda sa apo niya e kakornihan lang naman ang sinasabi ng Zeb na ‘yon. Naamoy ko ang pabango ni Sir Genesis nang lumapit siya sa akin. Hindi ko naman siya matingnan dahil wala siyang suot suot na damit pang-itaas. Nakaboardshorts din siya. Ang puting towel ay nakakawit sa kanyang leeg. Nilagay niya ang isda sa mesa saka niya kinuha ang kutsilyo at naghiwa ng bawang. “Ako na bahala d’yan, Sir.” Ani ko at sinubukang agawin ang pinagkakaabalahan niya. Mabilis niyang nilayo ito sa akin at tinignan ako. “Mind your own business, please.” Aniya. Tumagilid ako at tiningnan lamang siya na naghihiwa. Feeling ko may experience si Sir Genesis sa pagluluto. Mas magaling pa siya humawak ng kutsilyo kesa sa akin e. Pati ang pagluluto niya ng beef ay saktong sakto. Bakit ko nga ba hindi magawang mahalin ang mga ganitong tipong lalake? Bakit kailangan si Ruther na walang kwenta? Ganito kasi ‘yan, maraming magkakandarapang babae sa kanya at isa pa, mababa lang ang standards ko at dahil mababa ang standards ko hindi siya kasya sa kahon kasi napakalaki niya at napakaliit lang ng box ko. Kumuha na lamang ako ng whiskey at nilapag iyon sa mesa nina Lola Pasing. “Lola, huwag po kayo uminom nito ha. Masama po ito sa katawan,” ani ko sa kanya. Napawi ang ngiti sa kanyang labi at tiningnan na lamang ako. “Who are you?” tanong niya.  Humagalpak ng tawa si Zeb at tiningnan ako. “She’s your future granddaughter in law,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Zeb. Kumunot ang noo ng matanda at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “What?! May Floraluna na si Genesis ko!” sigaw niya. Nahinto sa kakatawa si Zeb at hindi makapaniwalang napatingin sa kanyang lola. Kinuha ng matanda ang tinidor sa mesa at tinusok tusok ito sa akin. Napapalayo naman ako para hindi ako maabot. “Get our of my sight. Hindi kayo bagay ng apo ko. Hindi ka niya mahal!” aniya. Napabaling ako sa direksyon ni Sir Genesis na nakatingin sa amin at natigilan. Huminga na lamang ako nang malalim at napaiwas ng tingin saka ako bumalik sa loob ng bahay.  Hihintayin ko ba sila na matapos saka ako pwedeng matulog? Napatingin ako sa orasan habang pinapakinggan ang masayang pag-uusap nila sa labas. Hindi ba inaantok ang matanda? Huwag niya sabihing nakikipag-inuman din siya sa mga apo niya? Aba! DAHIL sa pag-aalala sa matanda ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa loob ng kitchen. Naalimpungatan na lamang ako nang may isang kaluskos akong narinig. Patay na ang ilaw at wala na akong naririnig na ingay sa labas. Huwag nilang sabihin na natapos sila tapos hindi nila ako ginising? Aalis na sana ako nang biglang may braso ang humarap sa pintuan. “Where are you going?” bulong ng baritonong boses sa tenga ko. Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Sir Genesis. Naamoy ko ang alak sa mainit niyang hininga. Alam ko na agad na lasing siya. “Sir?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD