Chapter 13

1738 Words
MARAMING mga matatanda ang naglalaro ng sa Chess Park. Medyo mainit ang panahon kumpara noong mga nagdaang araw na makulimlim at umuulan. Si Lola Pasing ay abala sa paglalaro laban sa lalakeng matanda na kalaban niya.  “Check!” sigaw niya habang pumapalakpak. Nakatingin lamang ako sa gitna nila pero wala akong naiintindihan sa laro kahit ni isa. Ano bang ibig sabihin ng mga batong iba’t iba ang hulma? Napakamot na lamang ako ng ulo at bumaling si Sir Genesis sa aking harapan na nakatingin lang sa akin habang humahalukipkip. Naiilang ako sa mga titig niya sa akin. Paano ko ba sasabihin sa kanya at itatanong kung paano nakakabuntis ang sukahan sa mukha? “Ayoko na!” sigaw ng matandang lalake at tumayo. Tumatawa naman si Lola Pasing sa naiinis na reaksyon ng mukha ng kalaban niyang lalake. Inilahad niya ang palad niya sa harap nito. “I won’t let you leave na wala akong natatanggap na taya,” wika ni Lola Pasing. Napasinghap ako sa lakas ng loob ni Lola. Kinuha naman ng matandang lalake ang kanyang pitaka at naglakad ng sampong libo sa kamay ni Lola Pasing saka ito tuluyang umalis. “What will you do with that money?” tanong ni Sir Genesis kay Lola Pasing. Binigay ni Lola Pasing sa akin saka ako pinagdilatan ng mga mata. Akala ko naman, makakamtan ko na ang pera. Hindi pala!  “Itago mo, huwag mong itatakas. Hahambalusin kita sa mukha,” pananakot ni Lola sa akin. Tumaas ang isang dulo ng labi ko at nilagay sa pouch niya. “Kapag namatay ako, ipapamana ko sa ‘yo.” Ani ni Lola kay Genesis. Hindi na kailangan ni Genesis ng kahit na anong pera mula kay Lola Pasing. Ang yaman na niya e! Feeling ko nga kahit dolomite beach mabibili niya sa yaman niya. “Akin na lang ‘to, Lola. Pandagdag sa sahod ko,” ani ko at ngumiti. Umirap siya sa akin at hinampas ang payong niyang dala sa aking legs. “Nagbibiro lang po ako!” reklamo ko naman sa kanya. “Hinding-hindi ka makakatanggap ng yaman ko. Wala akong tiwala sa ‘yo, mukha kang holdaper sa Quiapo.” Wika ni Lola. Napahawak ako sa aking puso at kunwaring nasaktan. “Ang sakit niyo naman magsalita, Lola.” Ani ko sa kanya. Muli niya akong hinampas ng payong sa legs at saka tinuro ang bakanteng upuan sa harapan. “Umupo ka,” aniya sa tonong naghahamon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napaturo pa sa aking sarili.  “Ako po?” tanong ko. “Sino pa ba ang tinuturo ko?” tanong niya, “Umupo ka!” sigaw niya.  “Ako na,” volunteer ni Sir Genesis pero hinampas siya ni Lola Pasing ng payong sa kanyang legs. Napatingin naman si Sir Genesis sa kanya. “Umalis ka riyan, hindi ikaw ang hinahamon ko.” Aniya. Pumikit ako nang mariin. Bakit ba pinang-iinitan ako ng matandang ‘to? Sa tingin ko naman wala akong ginagawang masama sa kanya o baka naman naiinis siya sa ganda ko? Baka nga naiinis sa ganda ko. Maraming naiinis na Italyana sa akin noon sa Rome dahil sa pagiging malapit ko sa mga lalake. Kasalanan ba maging maganda? Hindi ko naman ginusto ‘to ah! “Lola, hindi naman ako marunong—” hindi natapos ang pananalita ko nang sumingit si Lola Pasing. “Edi bayaran mo ako ng sampong libo kapag hindi mo napanalo.” Aniya at ngumisi.  Demonyita talaga ‘tong matandang ‘to. Gets ko na kung bakit walang tumatagal sa kanya. Pasimple akong umirap at umupo sa kanyang harapan. Si Sir Genesis, sa giliran ng aking mga mata ay napapansin kong nakatitig lamang sa akin. Alam kong gusto niya akong kausapin pero hindi ito ang taman tyempo at isa pa, hindi ko alam kung kakausapin ko siya kasi sobrang naiilang ako sa kanya. Ano kaya pumasok sa utak niya at naisip niyang nabuntis niya ako?  Nagsimula ang laro namin ni Lola Pasing. Ang maliit na piece na nasa unahan ng chess board nakalagay ang kanyang ginalaw. Sinunod ko lang ang move niya. “Check!” sigaw niya at tumatawa pa.  “Check?” kunot-noo kong tanong. “Check kapag under threat ang king mo,” paliwanag ni Sir Genesis at tinuro ang piece na sa tingin ko ay tinutukoy niyang king. Napatango naman ako saka binalik ang maliit na piece sa kanyang pinanggalingan. Kunot noong napatingin si Lola Pasing sa akin at hinampas ang payong niya sa paa ko.  “Bobita! Hindi ‘yan binabalik!” sigaw niya at siya mismo ang nagbalik sa piece na iyon sa board. Napakamot ang ulo ko at bumaling si Sir Genesis na pinagsasadahan ang tingin ang iba pang naglalaro habang nagpipigil ng ngiti. “Hindi kasi ako marunong, Lola!” reklamo ko sa kanya. Tumikhim si Sir Genesis at tinuro ang piece na kailangan kong i-move nang hindi napapansin ni Lola Pasing. Bilib ako sa matandang ‘to, may alzheimer's disease na nga pero nagagawa pang makapaglaro ng larong ‘to. Ang alam ko matatalino lang naglalaro nito e. Habang tumatagal ay maraming akong nakukuhang piraso niya sa tulong ni Sir Genesis. “Paano, Lola kapag ako ang nanalo?” confidence kong tanong sa kanya. “Sa akin na ang sampong libo mo?” tanong ko at ngumisi. Tiningnan niya ako nang masama. Ramdam ko ang panggagalaiti niya sa akin. Bakit siya sa akin nagagalit e apo niya ang nagtuturo sa akin?! “Check,” wika ni Sir Genesis. Napatingin ako sa kanya. Kumindat siya na siyang nakapagpabilis ng t***k ng puso ko. Para naman akong hinampas ng maraming puso sa kindat na ‘yon. Hindi ako nakapag-ready! Hindi na nag move si Lola kaya tinumba ni Genesis ang king niya. “Panalo si Juliet, Lola. What’s the plan?” tanong ni Genesis at tiningnan ako. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at napakawit ng buhok sa likuran ng aking tenga. “Akin na ang sampong libo ko!” wika ni Lola Pasing at inaagaw sa akin ang bag.  “Wala akong premyo, Lola?” tanong ko sa kanya. Tinaas niya ang isang kilay niya na tila nag-iisip ng malalim kung anong premyo ang ibibigay sa akin. Bakit ba napaka-big deal sa kanya ang sampong libo? Aba! Pwede nga siya humingi sa apo niyang mayaman e. Hindi lang sampong libo ang kayang ibigay ni Genesis. “Pwede mo i-date ang apo ko,” aniya at tiningnan si Genesis. Natigilan ako at napatingin kay Sir Genesis na nakatingin lang din sa akin. “Pero ibalik mo siya dahil may Floraluna na ‘yan!” aniya.  “Ide-date?” tanong ko at muling bumaling kay Sir Genesis.  “I’m okay with it,” tugon naman ni Sir Genesis. NAIWAN sa siya sa kanyang mga kakilala na naglalaro rin sa Chess Park. May nagbabantay naman ng mga middle age women doon na kilala na rin si Lola Pasing kaya hindi na nabahala si Sir Genesis. Tumungo kami sa loob ng Mall malapit lang sa Park at doon nagpalamig. Naiilang ako na kasama siya kaya hindi ako nagsasalita, pero sa tingin ko ay panahon na para itanong sa kanya ang bumabagabag sa isipan ko.  “Sir,” “Juliet,” Sabay naming sabi. Nagkatinginan kami sandali bago ako bumitiw. “Ikaw na mauna,” “You first,”  Sabay na naman kami ulit. Napapikit ako nang mariin. “Nananadya ka ba, Sir?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at kinuha sa aking ang bag na dala dala ko.  “Let me,” aniya at ikinawit ito sa kanyang balikat. “Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabigat. Take care of yourself, and please be aware of the choirs that might have harmful effects on your body.” Aniya sa tonong nag-aalala.  Sinungaling ako kung ide-deny ko na hindi ako kinikilig. Minsan lang akong makarinig ng lalakeng concern sa akin maliban kay Ruther noon. Hindi lang basta basta lalake, gwapo rin, macho, at mayaman. Kailangan ko na yata ipaputol ‘tong buhok ko sa sobrang haba. “Bakit mo naisip na buntis ako, Sir?” tanong ko sa kanya. Nahinto kami sa isang stall ng inumin at umorder siya ng juice para sa akin. Lemon-honey juice. Tinanggap ko naman at ininom ito.  Huminga siya nang malalim at itinago ang kanyang isang kamay sa kanyang bulsa. “I don’t remember everything last night. It’s weird to think lang na we did it in a kitchen.” Aniya. Nabilaukan ako at panay ubo dahil sa narinig ko. Naalarma siya at tinapik ang likuran ko. “Are you okay? May masakit ba sa ‘yo?” tanong niya. Hindi ko naman alam na ganito ka-effort kung mag care si Sir Genesis. Sino ba kasi sabi na nakakabuntis ang sukahan sa mukha?! Teka… Napatingin ako sa kawalan at napaisip. Kung wala siyang naalala sa nangyari kagabi, ibig sabihin hindi niya naalala na sinukahan niya ako sa mukha. Malaki ang posibilidad na ang iniisip niya ngayon ay nag-s*x kami kaya na ako binilhan ng pregnancy kit saka sinabing gamitin ko ito next two weeks.  Para makasiguradong tama ang mga hinala ko ay tinanong ko siya. “Sure ka ba, Sir, na wala kang naalala?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. “Isipin mo nang mabuti, Sir. Hanggang saan lang ang mga naalala mo?” “Nakita kita sa madilim na kitchen,” aniya at napakunot ang noo sa pag-iisip nang malalim. “Iyon lang,” “Ano ang gusto mong kainin?” tanong niya sa akin. “Damn! I never thought I’d feel obliged to a woman again,” bulong niya sa sarili niya. Magsasalita pa sana ako at sasabihing walang nangyari sa amin pero mabilis kong isinara ang aking labi. Kung ganito kabait at kagwapo ang mag-aalaga sa akin, bakit hindi ko i-take advantage? Kung sasabihin ko rin na wala talagang nangyari baka domoble ang responsibilidad ko kay Lola Pasing at baka paglilinisin niya ako ng buong bahay niya na sobrang laki.  Maganda ngang chance ito. “Nahihilo ata ako, Sir.” Pakunwari ko at hinawakan pa ang aking sentido. Chance mo na rin ito, Juliet baka makapasok ka ng star magic sa kaartehan mo. Sabi ng demonyo sa utak ko. Nag-aalalang lumapit si Sir Genesis sa akin at hinawakan ako sa balikat. “Gusto mo bang kargahin kita?” tanong niya. Paano ako aayaw n’yan, Sir. Ang sweet mo sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD