Chapter 14

1859 Words
“LET’S go home,” aniya habang hinahawakan ang balikat ko. Hindi ako pumayag na kargahin niya ako dahil nasa public places kami. Baka maraming mainggit sa akin at sumpain ako sa libo libong engkanto. Sampong buntong-hininga ang pinakawala niya ngayong araw. Napapangisi na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam ng may asawa na hindi mo mahal. Wala kang magagawa kung hindi alagaan ito.  “Ayaw ko muna,” maarte kong sabi. Ibang klase talaga ang kaartehan mo, Juliet. ‘Pang Oscars! Napaangat ang paningin ko sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin saka ako tumayo at naglakad sa mga damit pambabae. Kumikinang ang mga mata ko sa ganda ng mga ito pero kulang ang pera ko sa bulsa.  Huminga naman siya nang malalim at hinawakan ako sa beywang. Napatingin naman sa kanyang kamay na nakahawak dito. Ang isang saleslady ay unti unting napapawi ang ngiti sa mukha at tiningnan ako ng masama.  “Nagayuma ata ‘yong lalake,” ani ng isa.  “O ‘di kaya napilitan lang kasi nabuntis,” ani naman ng isa. Bulong lang ‘yon pero rinig na rinig ko sa kinatatayuan ko. Bumaling ako sa kanila at ningitian sila. Napaiwas sila ng tingin sa akin at bumalik sa kanya kanyang gawain. “Do you want me to buy you a dress?” tanong niya at napatingin sa mannequin na suot suot ang maternity dress.  “Huh?” tanong ko sa kanya. Hindi ako ready. Bibilhan niya ako? E no’ng napatingin ako sa presyo parang tatlong araw ko ng sahod ‘yon e. Hindi niya hinintay na pumayag ako. Inutusan niya lang sa saleslady na kunin ang maternity dress sa mannequin para masukat ko. “Ah, sir Maxi dress po kasi ito at kung baka isusubok natin sa asawa niyo po, baka magmumukha siyang sinampay.” Ani ng saleslady. Automatic na tumaas ang presyon sa ulo ko. May galit talaga sa akin ‘tong mga babaeng ‘to. Ano ba naman kasi ang panama nila? Porket hindi ako katangkaran ay hindi na ako kagandahan? Hindi kasama ang mukha sa criteria for judging. “Right,” sang-ayon naman ni Sir Genesis sa kanya. Tiningnan niya ako at pinagsadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Pwede kang mamili ng babagay sa ‘yo. Let’s ask them what will suit you best,” aniya.  Habang namimili ‘yong babaeng nagbabantay ng damit para sa akin ay hindi niya napigilan na tanungin si Genesis. “Asawa mo ba siya, Sir?” tanong niya.  Huminga nang malalim si Genesis at napapikit nang mariin. Bakit ba sila tanong nang tanong kung asawa ako ni Sir Genesis? Napabaling naman ako kay Sir Genesis na kasalukuyang nag-iisip nang malalim. Siguro, kinakapa niya kung ano ang dapat niyang sasabihin.  “My fiancee,” tugon niya. Napasinghap ako sa naging sagot niya. Uminit ang pisngi ko nang hindi ko maitago ang kilig sa akong kalooban. Hindi ko naman type si Sir Genesis, hindi ko rin siya crush at mas lalong wala akong nararamdaman para sa kanya pero posible pala talaga na kiligin sa taong wala sa radar ko ano. Akala ko kay Ruther ko lang mararamdaman ‘to. Napansin ko ang pag-ilang ng babae nang ibigay niya sa akin ang dress na napili niya. Maternity dress iyon pero sakto lang sa height ko. Sinukat ko naman at paglabas ko’y nakatingin si Sir Genesis sa akin habang nakasandal siya sa pader at nakahalukipkip.  Napansin kong pinagtatawanan ako ng mga saleslady. Tinatago lang nila para hindi ko mapansin. Umirap ako at hindi na lang sila pinuna. Mas maganda pa rin ako sa kanila , ano! “Bagay ba?” tanong ko kay Genesis. “You look great,” ani ni Sir Genesis na siyang nakapagpawi sa tawa ng mga animal. Hinawi ko ang buhok at ngumisi.  “Thank you, babe” Sambit ko kay Genesis habang nakatingin sa mga saleslady. Sa giliran ng mga mata ko ay napansin kong pagbaling ni Sir Genesis sa kanya. May bahid sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala sa narinig niya sa akin.  Binayaran namin ang dress. Sa counter ay napahawak ako sa matigas at malaking braso ni Sir Genesis habang nakatingin sa mga saleslady. Gusto kong maubos ang laway nila kakatulo sa inggit. Aba! Ang babaeng pinagtatawanan nila ay may gwapo at mayamang Macho Papa. Kinuha niya ang biniling damit habang ako ay nakakawit pa rin sa kanyang braso. Buntong hininga muli ang pinakawala niya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumingala. “Bilhan natin ng pagkain si Lola Pasing,” ani ko sa kanya at tinuro ang classic restaurant. Napabitiw ako nang binilisan niya ang paglalakad niya para mabitiwan ko ang pagkawit ng kamay ko sa braso niya. Ngumuso na lamang ako at umirap. “Hawaiian Pizza, cheese and hamburger, Alfredo pasta!” turo ko sa menu. Tiningnan niya ako at inagaw sa akin ang menu.  “Ikaw kakain?” tanong niya. Tumango naman ako. “At si Lola Pasing,” “I can’t let you eat whatever you want to eat hangga’t hindi pa tayo nakakapagpa consult sa doctor.” Aniya at hinilot ang kanyang sentido, “Damn, I hate being obliged,” bulong niya pero sapat na para marinig ko. Lumabas kami pagkatapos namin umorder saka namin pinuntahan si Lola Pasing. Nakaupo lamang ang matanda habang nakatingin sa water fountain. Yakap yakap niya ang chess board niya. “Tapos ka na maglaro, Lola?” tanong ko sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya habang napatingin sa akin. “Bakit ang tagal niyo?!” iritable niyang tanong. Tinulak ko na lang ang wheelchair niya para makalabas na ng park, pero mabilis na inagaw ni Sir Genesis sa akin ang hawakan nito at siya na mismo ang nagtulak. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Gentleman pala kapag feeling obligado. “Ikaw malanding babae ka! Bakit ang tagal mong iuwi sa akin ang apo ko?!” sigaw niya at hinampas ako ng payong sa pwet. “Lola, stop it.” Suway ni Genesis sa kanya. Hinawakan ako ni Genesis sa pulso para hindi maabot ng pamalo ng lola niya. Napatingin muli ako sa kamay niyang hawak hawak ako roon. Ewan ko ba bakit pakiramdam ko may superhero akong nagtatanggol sa akin. Hindi ako makapaniwalang may lalake ring palang kaya akong ipagtanggol at kaya akong galangin, hindi katulad ng ginawa ni Ruther. GABI nang makarating kami sa condo. Nakatulog si Lola Pasing dahil sa haba ng traffic kaya si Genesis na mismo ang nagbuhat sa kanya paakyat sa kanyang kwarto.  “Kukuha lang ako ng damit ni Lola,” ani ko at tutungo sana sa closet niya nang napahawak si Genesis sa aking kamay. May kuryente ba ‘yong kamay niya? Bakit naman nae-electrify ‘yong puso ko sanhi ng pagbilis ng t***k nito?  “Magpahinga ka na,” aniya sa malumay na tono. Nagkatinginan kami ni Sir Genesis. Napakagentle ng mga mata niya, ‘yong tipong tingin at tindig pa lamang ay gagalangin na siya ng mga tao sa palibot niya. Hindi ko alam kung bakit siya iniwan ng ex niya.  “Paano ka, Sir?” tanong ko sa kanya.  “I have to work,” aniya habang itinataas ang kumot sa katawan ng lola niya.  “Magtitimpla ako ng kape sa ‘yo,” ani ko naman. Muli niya akong tiningnan. Hindi ko maatim ang makipagtitigan sa kanya kaya mabilis akong umiwas. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko para pigilan ‘tong nararamdaman kong kakaiba. “No need,” aniya. Nauna siyang lumabas ng kwarto kaya sumunod naman ako. Pumapanhik siya pababa ng hagdan at nasa likuran niya lamang ako.  “Salamat pala sa damit, Sir.” Ani ko at ikinawit ang buhok sa likuran ng aking tenga. “Sama ng loob lang niregalo ng ex-jowa ko noon kaya ngayon ko lang naramdaman ang saya na reregaluhan ng material na bagay.” ani ko at ngumisi.  Natigilan siya kaya muntik na akong mabangga sa likuran niya. Nawalan ako ng balanse kaya napakapit ako sa railings at bago pa man ako mahulog ay humarap si Sir Genesis sa akin at hinawakan nang mahigpit ang kamay kong nakahawak nang mariin sa railings. “Woah! Muntik na mamudmud ‘yong mukha sa hagdan!” ani ko at napahawak sa puso sa kaba. Tiningnan lamang ako ni Sir Genesis sa mukha. Natural na malamig ang pagtingin niya sa akin kaya medyo nakakailang. “Don’t get me wrong,” mahina niyang sabi. “Sir?” “Pananagutan ko kung may nagbungga man last night, but I don’t have a plan of marrying you,” aniya. Bakit niya ‘to sinasabi sa akin? Sino sabing papakasal niya ako? At sino naman sabing papakasalan ko rin siya? Hindi ako pwedeng magpakasal sa taong wala naman sa radar ko.  “Sinabi ko lang na Fiancee kita, so those ladies who talk and laugh behind your back will stop. I don't want you to feel insecure for not having a standard that women are supposed to possess. And I hate them for putting you in a situation where you may feel bad and ugly. Women should empower and not humiliate one another.” Paliwanag niya. Mas lalo akong napahawak sa puso ko nang maramdaman ang kakaibang bilis ng t***k nito. Sa tono ng pananalita niya, alam mo na agad kung ano ang pinaglalaban niya. May mga lalake pala talagang ganito ang mag-isip kesa kalibugan lang ang nasa utak. Hindi ko maiwasan ang ma-admire kay Sir Genesis sa mga oras na iyon.  “T-thank you,” ani ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi na niya ako kailangang ipangtanggol sa mga babaeng ‘yon kanina? Wala naman akong pakealam sa kanila kasi alam ko lang mas maganda ako sa kanila. Kinulang sila sa aruga ng mga magulang nila kaya nakulang din ‘yong kaalaman nila sa mabuting asal. Huminga siya nang malalim at kinarga ako bigla na parang bagong kasal. Napahawak ako sa kanyang balikat at hindi agad nakagalaw sa ginawa niya. Siya mismo ang nagbukas ng pinto ng kwarto ko at dahan-dahan akong binaba sa kama. Nag-paused ang  utak ko, hindi agad ako nakagalaw. Ang kamay kong nakapalupot sa kanyang balikat at leeg ay hindi ko na naaalis. “Juliet,” sambit niya at hinawakan ang kamay ko para alisin iyon. “Ahh!” sigaw ko nang maramdaman ang kuryente sa kanyang hawak sa akin dahil na rin sa agaran kong pag-alis ng kamay ko sa kanya. Napatingin siya sa akin sa gulat.  “Did I do something wrong?” tanong niya.  Umiling naman ako at tinago ang mukha ko sa kumot. “Pwede ka na umalis, Sir. Salamat sa pagkarga sa akin kahit may paa naman ako,” ani ko na lamang sa kanya. Naramdaman ko ang pagbaba niya ng kumot sa aking mga paa. Bago siya lumabas ay pinatay niya ang ilaw at binuksan ang aircon. “Good night,” aniya at isinara ang pintuan. Inalis ko ang kumot sa mukha ko at mabilis na kinuha ang cellphone para i search kung ano ang ibig sabihin ng kuryenteng iyon. Iyon na ba ang tinutukoy nilang Sparks? Muli kong tinakpan ng kumot ang aking mukha at doon sumigaw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD