Chapter 5

1345 Words
Genesis POV HINDI maganda ang takbo ng cryptocurrency ngayong araw. Nakatingin lamang ako sa harap ng mga desktop na magkadikit dikit. Huminga ako nang malalim at sumandal sa aking swivel chair. Mayamaya ay may kumatok sa pintuan ng aking kwarto na siyang binuksan ko gamit ang aking remote control. Pumasok doon ang aking naka wheelchair na lola at lumapit ito sa akin. Kusa naman nagsara ang aking pintuan. Lahat ng sulok ng penthouse ay powered by automatic controlling system: Mula sa mga ilaw, pintuan, stoves, at marami pang iba. My lola’s caregiver doesn’t know about this, simple lang dahil wala akong tiwala sa kanya. “How are you?” tanong ko kay Lola na nakatingin lamang sa mga desktop sa aking harapan. Binibilang niya ang desktop kabilang na ang Malaking TV sa aking harapan. Ngumisi ako at napatitig na lamang sa kanya. Alzheimer’s disease caused her to forget often something kaya sabi ng doktor niya ay magbilang siya parati para hindi lumala hanggang sa nakaugawian na niyang gawin. “Eight,” tugon niya at ngumiwi. “Saan galing ang babaeng ‘yon? Pakiramdam ko hindi naman ako makakatulog. Ikaw’ng bata ka, kung sino sino na lamang ang pinapapasok mo sa bahay!” reklamo sa akin ni Lola. Ngumisi naman ako sa kanya habang nilalaro swivel chair ko. She doesn’t trust anyone easily, dahilan nang papalit palit ng nagbabantay sa kanya dahil madalas ay nag-gi give up sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin at umuwi. She’s maybe old pero malakas pa sa kalabaw ang lola ko. Kung wala lang sanang disease na sumisira sa isipan niya, siguradong nakikipag zumba na siya at nakikigala sa mga kaibigan niyang mayayaman at buhay pa. “Hind ko na kayo mababantayan, Lola. Zeb is busy in his showbiz career too.” Ani ko sa kanya. Ang pagsusuplada ng reaksyon ng kanyang mukha ay unti unting umamo. Siguro nasa katinuan siya ngayon, hindi galit hindi rin mabait. “I’m sorry, Lola. It must be hard for you.” “Yes, I just wanted to die.” Aniya at minani-ubra ang kanyang wheelchair para makalabas na sana ng pintuan. Tumayo ako upang tulungan siyang itulak ito. Automatic namang bumukas ang pintuan saka agad nahanap ng mga mata ko si Juliet na pinag-aaralan kung paano gamitin ang induction stove. “Saan mo ba nakuha ang babaeng ‘yan?” tanong niya sa mataray na boses. “I met her when I was in Rome,” ani ko at binitiwan ang paninitig kay Juliet. Gusto ko siyang tulungan pero naisip na magandang experience kapag natuto siya sa sarili niya. “Si Flor ba kailan mo ipapakilala?” tanong niya ulit. Nahinto ako sa pagtulak nang marinig muli ang pangalan niya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay ako. Breaking up with her is the most painful break up I have ever experienced. Napangiti naman ako at lumabas ng Veranda. Nakalimutan na naman niyang hiwalay na kami. Paano ako makakalimot sa tao kung may isang taong pilit na pinapaalala ito sa akin. I promise Lola Pasing to introduce Floraluna to her, pero hindi na nangyari iyon. Iyon na lang ata ang naiwan sa alaala niya at hindi niya makalimutan. Umupo ako sa couch at napatingin sa kanya. “What’s with her na hindi mo makalimutan, Lola?” tanong ko sa kanya. Huminga siya nang malalim at matami na ngiti ang iginuhit sa kanyang labi. “When I saw your face, smiling in a video chat with her, I know na siya ang magiging end game mo tulad sa amin ng lolo mo.” Aniya at napatingin sa langit. My lolo is quite ruthless sa workers niya before at kahit kay Lola. A very old-fashioned and ambitious man pero sa mga mata ni Lola, sa mga mata ng babaeng mahal na mahal siya, he was just a man, a simple man who is capable of loving and taking care of her. Pinagtangkaan ang buhay niya noon sa isang byahe, pero ang parents namin ni Zeb ang nabiktima that eventually kills the both of them. Kaya sila Lola at lolo na nag-alaga sa amin ni Zeb simula noon. He suffered a lot, he regretted until his death came to end his life. I don’t even think na nasa paraiso siya, paraiso kung saan sinasabi ng iilan na ang mga mababait ay napupunta doon. Mapait akong napangiti. “We broke up,” direkta kong sabi sa kanya. Namilog ang mga mata niya sa gulat at halos tumayo siya sa wheelchair niya. “Are you serious?” tanong niya na ikinatango ko naman. “But why?” “I realized that we’re not for each other,” kibit-balikat kong sabi. “Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko alam ang hitsura niya sa personal,” reklamo ni Lola. “She’s…” hindi natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang hakbang ni Juliet sa hagdan kaya napatingin ako direksyon niya. Pawis na pawis ang noo niya habang nakasuot ng apron. “Petite…” Floraluna isn’t petite. Ang lumabas sa bibig ko ay kung paano ko ilarawan si Juliet. Juliet’s POV “Petite,” tawag ni Sir Genesis habang nakatingin sa akin. Napapikit naman ako nang mariin. Hindi ko gustong tinatawag ako nang ganyan. May pangalan naman ako, bakit kailangan pang ipagsigawan ang height ko?! “Sir, patulong. Hindi ako marunong gumamit ng pangluto mo.” Ani ko sa kanya. Ngumisi naman siya at umiling. Saka ko na siya sasabihan kapag natapos na ang kontrata ko sa kanya. Ginawa akong katulong ng lalakeng ‘to e ang alam ko lang naman ay ang magbantay ng matanda! “Sabihin mo lang na open at ikaw na bahala nag adjust ng heat.” Aniya at muling bumaling sa lola niya. Magsasalita pa sana ako nang mabilis kong pinigilan ang sarili ko dahil matalim na ipinukol ni Lola Pasing sa akin. Bakit ba parating highblood ang matandang ‘to sa akin? Iniisip ko na lang na nababadtrip ang araw niya dahil nakakakita siya bukod tangi ang kagandahan. “Sabi ko nga po. Aalis na ako,” ani ko na lamang at umalis na. Dali dali akong bumalik ng kusina at sumigaw. “Open!” katulad ng tinuro sa akin ni Sir Genesis. “Open!” ani ko ulit. Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang drawer. Sumigaw ako at tatakbo na sana palabas nang mabunggo ako sa matigas na dibdib ni Sir Genesis. Nagkatinginan kaming dalawa kaya mabilis kong tinuro ang direksyon ng drawer para mailipat niya ang paningin niya doon. Naiilang ako kapag nakatitig siya sa akin. Ang judgemental kasi ng mga mata niya. Pakiramdam ko tuloy kapag nakatutok siya sa akin ay hinuhubaran ako ng paningin niya. “Biglang bumukas, Sir! Hindi mo naman pinaalam sa akin na may multo dito sa bahay mo.” Ani ko at niyakap ang aking sarili. “Close the drawer,” bigla niyang sabi at nanlaki ang mga mata ko nang sumirado ito bigla. “Open the stove,” aniya ulit at biglang umilaw ang stove. Napalinga linga ako sa kapaligiran. Kinalibutan ako bigla sa pinagsasabi ni Sir Genesis. “May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?” tanong ko sa kanya. “May kaibigan kang engkanto o duwende?” tanong ko pa sa kanya. Tiningnan niya lamang ako sa mukha kaya mabilis akong napaiwas at tumikhim. “My penthouse is powered by voice technology.” Aniya. Sa giliran ng mga mata ko ay napansin ko ang paninitig niya sa akin. Nakadungaw siya kaya nakaka-offend. Pakiramdam ko tuloy ang liit liit ko, hindi man lang ako umabot sa leeg niya. “They are not ghosts tulad ng iniisip mo,” aniya, “Bring me a coffee in my room tonight.” patuloy niya at lumabas na. Napasinghap ako sa gulat. Sa room niya tonight? Huwag niya sabihin bukod sa pagiging caregiver at katulong may iba pa akong duties and responsibilities? Buntong hininga ang pinakawala ko at nilakasan ang aking loob. “Sorry, Ruther. Hindi para sa ‘yo ang virginity ko.” Ani ko sa hangin at hinanda ang aking sarili para mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD