Kasabay ng pagtugtog ng malungkot na kanta ay ang pagkuha ko ng kutsilyo na kasing tulis ng baba ni Angel. Napatingin ako sa sariling repleksyon ko dito. Sayang ang ganda ko kung hindi lang mapupunta kay Ruther, sayang ang mga mamahaling kojic soap na ginamit ko para lang makita niya ang mabusilak kong mga balat kahit na sa dilim.
“Juliet?” narinig ko ang boses ni Angel mula sa aking likuran. Itinaas ko ang kutsilyo habang hawak hawak ko ito sa dalawa kong kamay. “Juliet? Ano ang gagawin mo?!” sigaw niya. Narinig ko mabilis na footstep niya palapit sa akin pero huli na ang lahat. Naitusok ko na ang kutsilyo…
Naitusok ko na sa mansanas saka ko kinagat ang hiniwa. “Naknang tipaklong, Juliet! Ma hea heart attack ako nang wala sa oras sa ‘yo, Jusko!” aniya.
Kaninang umaga nabasa ko ang message mula sa mga pinag-utangan ni Ruther. Mamimili daw ako kung babayaran ko siya o babawian niya ako ng buhay. Mas lalo akong natakot na umuwi at baka magkasalubong ang landas naming dalawa. Naisip ko na baka kapag nakita nila ako, paghahampasin nila ako ng latigo at shovel, at para walang makahanap sa maganda kong katawan e’ itatapon nila sa ilog pasig.
“Ano ba ‘yang ginagawa mo sa buhay mo? Pull yourself together! Lalaki lang ‘yan at marami pang lalake d’yan.” Payo sa akin ng kaibigan ko. Nanatili akong nakatulala sa kawalan, halos hindi ko malunok ang kinakain kong mansanas. Kung hindi nagugutom mga bulate ko sa tiyan, hindi naman ako kakain. “Tingnan mo nga ‘yang hitsura mo. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata mo, pati labi mo dry na dry. Namumutla ka na at parating tulala baka pagkamalan ako ng mga kapitbahay na nag-aalaga ng baliw.” Patuloy niya.
Kunot-noo akong napabaling sa kanya. “Wala namang baliw na gustong magpaalaga sa ‘yo. Wala ka kayang pera.” Ani ko.
Napahawak siya sa mesa at bahagyang umatras. “Ang sakit mo naman magsalita. Kaibigan mo ako, Juliet. Kaibigan mo.”
Pinagpatuloy ko ang paghiwa ng mansanas at saka pagkain nito. Ayaw kong kumain ng buong mansanas. Sayang ang pag-aalaga ko ng bibig ko kung dudugo lang ang gilagid ko.
“Ano nga pala sabi ng Daddy mo? Papadalhan ka ba niya ng pera?” tanong niya mga ilang sandaling pananahimik ko. Huminga ako nang malalim. Isa pa ‘yon, kinarma ang buhay kaya ayon nagtatago. Isang beses lang ata siyang sinwerte sa buhay. Noong nagkaroon siya ng sobrang gandang anak.
Isang dating Mayor sa Caloocan si Daddy Berto. Kaso mga tatlong term niya e’ nagsimula siyang nangurakot at mga nananakaw niyang pera ay pinanggastos niya sa babae, sugal, at alak. Sinama ako ni Mommy nang hindi niya makayanan at iniwan niya si Daddy noong ten years old pa lamang ako pero hindi nagtagal ay namatay din si Mommy dahil sa breast cancer kaya bumalik ako kay Daddy sa edad na katorse. Kaso noong panahong iyon, matunog na ang pangalan niya bilang isang corrupt na official, samu’t saring utang din ang kinakaharap niya nang nalulong sa bisyo. Dahil gusto kong umalis sa puder niya, nagsumikap ako makapag abroad pagkatapos ng kolehiyo. Nag-aral ako ng caregiver na siyang in demand rito noon, isang taon ang lumipas ay nakuha ako bilang real-estate agent at ito na ang work ko ngayon. Hay! Ang bait talaga ng panginoon sa katulad kong maganda.
Dahil sa kanya naging matunog na rin pangalan ko sa mga pinag-uutangan ni Ruther. Katulad daw ako ni Daddy, mga gahaman. Manang mana sa tatay ko, aba’t! Mga duling talaga, paano ako naging manang mana sa kanya e’ wala naman akong bigote. Isa pa hindi ako pandak katulad ni Daddy, nasa 5 flat kaya ako.
“Wala daw siyang pera e’.” Sagot ko kay Angel. “Mag nobyo na lang kayo ako ng mayamang matanda? Kaso hihintayin ko pang matigok siya bago ko makuha ang yaman niya.” Napansin ko ang pag sign of the cross ni Angel dahil sa mga sinabi ko.
“Sabi ko naman sa ‘yo, ibenta mo na sa mga bilyonaryo ang virginity mo para instant money. Mas madali raw ‘yon ayon sa kwentong nabasa ko online.” Payo niya. Ako naman itong napa sign of the cross sa suggestions niya. Pinlano ko ito noon para makabayad ng utang pero na konsensya ako. Kay Ruther ko lang isusuko ang bataan. Pinangako ko ‘yan sa sarili ko, ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niya?
“Maghunos dili ka nga. Palibhasa kasi demonya ka.” Ani ko sa kanya at umirap. Mas matino naman suggestions ko ah.
“May kilala akong mayamang pilipino na nandito sa Roma. May ari ng isang restaurant at medyo gwapo raw.” Ani ni Angel. Bumaling ako sa kanya at tiningnan siya nang husto sa mukha. Hinanapan ko ng kasinungalingan mga sinasabi niya.
“Medyo?” tanong ko. Duda ako dito kay Angel. Noong isang buwan, medyo gwapo rin ang sabi niya na willing bumili ng aircon namin pero pag tingin ko, parang talampakan lang ni Ruther ang mukha. “Ano pangalan?” tanong ko sa kanya.
“Kahler.” Sagot naman naman niya.
“Apelyido?” tanong ko ulit.
“Hindi ko alam e’ basta Kahler daw.” Sagot naman niya at mabilis na bumaling sa akin. “Akala ko ba hindi ka interesado bakit mo tinatanong ang pangalan?”
Napatalikod ako sa kanya nang may naisip. “H-hindi naman talaga!” nauutal kong tanggi. Pilipino iyon, hindi ba? Kaya kaya niya akong pautangin kahit na anong halaga? Kaya ko naman magbayad pero baka umabot ng forty years bago ko mabayaran lahat.
“Asus! Kilalang kilala kita, Juliet. O siya magbihis ka nang maganda para mapakilala kita sa kanya.” Ani ni Angel at sumipol. “Magsuot ka ng sleeveless top at pants para madali kang mabenta at mag push up bra ka na rin.” Patuloy niya pa.
“Sira-ulo ka ba? Ang lamig ng panahon dito. Papatayin mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
“‘Pag masamang d**o, matagal daw’ng mamatay.” Aniya. Nauna siyang lumabas ng apartment at kinuha ang susi ng in-issueng sasakyan sa kanya ng kanyang amo. “Sige na, hintayin kita sa labas. Bilisan mo ha, duty ko pa mamayang gabi.” Patuloy niya at naunang umalis.
MINANEHO nang marahan ang sasakyan kasi hindi siya sigurado kung anong restaurant na ang pupuntahan namin. Huminto siya sandali sa kalye at may kinausap na tao sa kabilang linya. Naririnig ko ang pangalan ko sa pinag-uusapan nila at isa lang ang naiintindihan ko roon.
“Oh, ibebenta kita Juliet ha pero tandaan mo kailangan mo munang mag ensayo para di ma makulelat.” Ani ni Angel. Agad akong napasinghap sa gulat. Kung makapagsalita ang isang ito ay para lang nagtitinda ng tsokolate ah! Pinakita niya sa akin ang mukha ko sa isang app kung saan nakarehistro na ang pagkatao ko bilang isa sa mga strippers “Ang convenient talaga ng negosyo nila.Welcome na welcome ang mga nagfe-freelance na mga strippers!” aniya at humalakhak. Maya’t maya tinuro niya ang restaurant sa aming giliran.
“Pumasok ka muna at may dadaanan lang ako.” Aniya at binuksan ang sasakyan saka ako tinulak paalis. Itinaas ko naman ang middle finger ko tapat ng bintana ng sasakyan niya nang muntik nang masupalpal ang maganda kong mukha sa lupa. Buti na lang talaga dating black belter ako ng taekwondo kaya flexible ang katawan ko.
Sinunod ko ang inutos niya na pumasok sa isang restaurant. Hinahanap agad ng mga mata ko kung sino ang tinutukoy niya pero dahil wala siyang pinakitang mukha sa akin ay hindi ko makilala kung kanino niya ako binenta. Kapag nalaman kong ibebenta niya ako sa mga taong nagbebenta ng laman loob, talagang siya ang una kong mumultuhin.
Inaabangan ko si Angel na pumasok sa Restaurant nang maupo ako sa stool sa harap ng isang gwapong waiter na nagbe-blend ng kape. Mukha siyang dayuhan pero ang features ng kanyang mukha ay Pilipino. Mapungay ang mga mata at matangos ang ilong. Kung sakaling espanyol ito, magpapa colonize ulit ako.
Biro lang! Loyal ang puso ko kay Ruther.
“Uh,” panimula ko para makuha ko ang waiter na abala sa mga coffee machine sa harap. Umangat naman ang paningin niya sa akin. Taray ni kuya, ang lamig ng mga mata!
Tatanungin ko sana siya kung may kilala siyang Kahler pero dahil sa hiya ay iba ang lumabas sa mga bibig ko. “Un cappuccino per favore.” (I would like a cappuccino, please?)
“You may speak in English.” Aniya sa malamig na tono. Mukhang nahalata niyang nahihirapan ako sa lengwaheng italyan. “May I know your name?” tanong niya ulit. Iba talaga ang kamandag ng gandang ito. Ang bilis ng kuya niyo, wala pa ngang isang minuto kaming nagkakilala, hinihingi na niya ang pangalan ko.
Hindi pwede ito! Malalagot ako kay Ruther kapag nalaman niyang may naglalandi sa akin dito sa Italya. Tinawagan ko si Angel at mga ilang sandali ay sinagot naman niya. “Hoy Gaga! Alam mo bang may naglalandi sa’kin dito.” Dapat mga segundo lang nandito na siya. Hindi ako pinanganak para maghintay ah, pinanganak ako para ako ang hintayin.
“Di kita marinig. May kinakausap ako para maqualified ka as stripper.” Sabi nito.
“Putang ina ka. Saan ka ngayon? Sagot! Malalagot ka sa aking bruha ka!” inip ko sabi at medyo napataas ko ang boses ko. Bakit siya ang kumakausap? Ano ko ba siya? Manager?
Napatingin ako sa adonis este sa lalake sa harap at ngumiti. Itinaas niya ang cup at pentel pen na hawak niya. Agad kong binaba ang labi ko nang mapagtantong hinihingi niya ang pangalan ko para may maisulat sa cup at hindi para maglandi sa akin.
“What are you asking again?” tanong ko at kunwaring hindi narinig ang sinabi niya.
“Your name,”
“Juliet.” Agad niya itong sinulat matapos kong sabihin. Napatingin naman ako sa name badge sa left side ng matipuno niyang breast sa loob ng kanyang puting uniform. Pwede ko ba mahawakan ‘yan?
Genesis. Genesis ang kanyang pangalan pero walang apelyido ang nakasunod sa pangalan. Magtatanong sana ulit ako kung sino hitsura ng Kahler na may-ari ng restaurant na ito at kanyang amo pero pinangunahan ako ng hiya.
“Thank you, Genesis.” Ngiti kong sabi nang binigay niya sa akin ang cup ng kape. Dali dali akong umalis dahil baka magiging yelo ako sa lamig ng kanyang mga titig. Hinanahap ulit ng mga mata ko si Angel paglabas. Tatamaan talaga siya sa akin ‘pag hindi ko namukhaan ang magiging kliyente ko.
“Jul, punta ka rito sa hotel. May naghihintay sa ‘yo bago ka isalang sa kliyente mo sa susunod na araw.” Text niya na lang sa akin. So, wala nga siyang balak puntahan ako, bale pinagsuot niya lang ako ng damit na tipid sa tela para pahiyain ako. Pinagsadahan ako ng tingin ng mga naglalakad dahil sa aking kakaibang kasuotan kaya mabilis akong umalis doon.
GABI ng biyernes nang naghanda ako para sa aking kliyente. Sa ibaba ng hotel ay isang malawak na Casino at strip club na kung saan ay exclusive lamang para sa mga naglalakihang businessman. Marami raw mga strippers na hindi under ng agency rito. Mas maganda raw iyon dahil iyong iyo ang sasahurin mo unlike Agency na pursyento lang ang makukuha. Wala naman din akong balak na magtagal sa ganitong trabaho at isa pa wala rin akong balak na gawin ang magiging tungkulin ko dito.
“Basta tandaan mo, Juliet. Kapag nabuntis ka, kunin mo akong ninang.” Ani ni Angel na may tonong nananakot.
“Hindi tumatanggap ng dukha ang magiging anak ko.” Pambawi ko na lamang sa kanya na ikinabusangot ng kanyang mukha.
Tapos na ako i briefing sa magiging trabaho ko. Madali naman, mukha at katawan lamang ang puhunan. Mayroon ako noon lahat kaya siguradong hindi ako papalya. Ani ng ibang nakausap ko, hindi naman kailangan ibigay ang virginity mo sa mga businessman pero malaki ang tip at doble kapag ialay mo sa kanila ito. Oo, poon namin itong mga babae kaya dapat iniingatan ito, hindi binibigay basta basta.
Kakausapin ko lang ‘yong Kahler, Pilipino naman ‘yon ‘di ba? Siguro naman may malasakit siya sa kapwa pinoy katulad kong baon na baon sa utang.
Hinawakan ako ng manager ng strippers Agency sa baywang at pinakilala ako sa mga businessmen na suki na ng Strip Club. Alam ba ng mga misis nila na nandito sila? Nakangiti pa ang mga gago at nagsasaboy ng pera sa babaeng naka bra at panty lang na nagsasayaw sa pole.
Hindi ko naman masyadong maaninag ang buong lugar dahil sa malilikot na mga liwanag at maingay na musika. Hindi ako komportable sa lugar at sa kasuotan kong medyo tinipid ng tela at kumikinang pa. Para akong nagbebenta ng mga pekeng alahas at nilalako sa mga bahay.
“Your client is waiting in this room. You can go in and always keep in mind what you’ve learned during the briefing.” Ani ni Manager at ngumiti.
“What was the name of my client again?” tanong ko.
“Genesis Kahler.” Aniya bago umalis.
Genesis. Saan ko nga ba ulit narinig ang pangalan na ‘yon? Hindi ko matandaan sa dami ng iniisip ko these past few days. Huminga ako nang malalim, labas gilagid na ngumiti saka ako pumasok.
“Buona Ser—” napawi ang ngiti ko sa labi nang mamukhaan ko ang lalaking magiging kliyente ko. Naniningkit ang kanyang mga mata at mukhang lasing na lasing na.
Genesis. Kaya pala pamilyar, kung hindi ako nagkakamali siya ang lalake sa restaurant na nag serve sa akin ng kape. Anak ni Sisang baliw! Akala ko nagtatrabaho lang doon, ‘yon pala may-ari ng restaurant!