Prologue

1483 Words
ITIM. Itim na budhi este wedding gown na may itim na viel ang suot ko habang dala-dala ang nalantang rosas. Naririnig ko ang sermon ng pari sa harapan ng simbahan. Hindi ko nakikita ang mukha ko pero batid kong nag uunahan tumutulo ang aking mga luha. Nakangiti ang mga tao habang nagpapalakpakan. Kung alam ko lang nakikipagplastikan lang ang mga ito para makikain sa handaan mamaya pagkatapos ng kasal. “We are gathered here today to join—” “Itigil ang kasal!” buong lakas kong sigaw. Ang lahat ng mga nanonood na kasalukuyang gutom na gutom ang mukha ay bumaling sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata ni Ruther sa gulat nang makita ako habang hawak hawak niya ang kamay ng babaeng papakasalan niya. Bakit niya ako pinalitan sa mukhang kulugong babae ‘yan? Di naman niya sinabi na mas type niya yung drawing ‘yong kilay edi sana pina-ahit ko na lahat ng kilay ko at nagpatattoo na lang. “Buntis ako!” sigaw ko ulit. “Hindi kayo pwedeng ikasal.” Patuloy ko. Kumunot naman ang noo ni Ruther. “Paano nangyari ‘yon, Juliet? Wala namang nangyari sa atin?” tanong niya pa. Mabilis akong napaisip ng dahilan. “Deny ka pa? Lasing ka noon e’, Nagising ako kinabukasan hindi mo pa hinuhugot.” Ani ko sabay iyak. Suminghap ang mga nakarinig sa sinabi ko. Nanlilisik naman ang mata ng babae niyang mukhang kulugo. “Huh? Tatlong taon na tayong hindi nagkikita, Juliet!” singhal niya. Bahagya akong napaatras. “Tatlong taon na fetus sa sinapupunan ko. Nahinto ang growth nong nag lockdown.” Alibi ko. “Ano bang pinagsasasabi mo...” Bakas na sa kanyang mukha ang pagtataka. Ayaw niya pa rin maniwala. “Pina arrange marriage ka sa akin para mabayaran utang mo kay Dad.” Ngumisi siya. Hindi pa rin umubra ang mga alibi ko. “Juliet?! Ano ba ang sinasabi—” “Ano ba nakita mo sa kanya na wala sa akin?” iyak ko at napatingin sa cleavage ng babaeng kulugo. Nakapa ko naman ang dibdib ko na wala sa oras. Sana pala hindi ko na lang tinanong. Nilabas ko ang armalite at tinapat iyon sa kanya. “Kapag nagpakasal ka sa kanya, papaputukin ko ito.” Binalot ang buong simbahan ng kanyang malakas na tawa. “Alam kong hindi mo kayang ipaputok ‘yan. Mahal mo ako e’. Baliw na baliw ka sa akin, Juliet.” Mabilis ang paghabol ko ng aking hininga. Kasing bilis kung paano ako tumakbo noong hinahabol ako ng ostrich. “Nagkakamali ka,” ani ko at pinaputok ito nang tuluyan. Napatingin siya itaas nang tumama ang bala sa kanyang dibdib. “HINDI!” tumayo ako at winasiwas ang naimagine ko kung paano pigilan ang kasal niya sa babaeng kulugo. Natapon ang kinakaing chichirya ng kaibigan kong demonyo pero Angel ang pangalan. Umangat ang paningin niya sa akin. “Hindi ko pinangarap na maging wedding intruder! Hindi ko rin kayang barilin si Ruther, Angel! Mahal ko siya!” singhal ko sa kanya. “Wala naman akong sinuggest na patayin mo siya, Jul.” Aniya pero kanina lang gigil na gigil siyang makipagpatayan kay Ruther. Sa kanya ko nakuha ang ideya kaya na imagine ko ang scenario. “Kumalma na ako kanina pa. Bumalik na ang anghel kong pagkatao.” Patuloy niya sabay kurap na para bang ako lang itong nag-iisip nang masama. Ganito siya parati. Pagkukwento ako tungkol kay Ruther, nagagalit siya pero maya-maya para bang sinapian ng anghel at biglang bumabait. Minsan hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ito e’. Hindi naman ako namumulot ng mga kaibigang na hindi kasing level ang ganda sa akin. Ang alam ko lang siya ‘yong nag offer sa akin ng isang red horse noong nabalitaan kong may babae si Ruther. Nag break kami noon ng fifteen minutes. “Bruha ka…” Bulalas ko. “Hallelujah.” Aniya sabay kagat ng chichirya. Umupo ako ulit at niyakap ang unan. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa pinapanood na palabas pero wala talaga akong naiintindihan sa eksena. Ang buong isipan ko ay ang biglaang pagpapakasal sa long-term boyfriend ko sa iba. Tatlong taon pa lang kaming LDR noong pumunta ako dito sa Roma tapos nakahanap bigla siyang babae. “Ganyan ang resulta pag marupok ka. Nasasaktan.” Ani ni Angel. Tumaas naman ang kilay ko, mas marupok siya sa akin! Siya iyong kayang lumuhod sa harapan ng boyfriend niya at magmakaawa bumalik lang ito.. Ah eh teka, iba ata naiimagine ko. Winasiwas ko ulit ang masamang iniisip at bumaling sa kanya. “Tulungan mo ako kung paano mapatigil ang kasal. Kailangan ko ng pamasahe pabalik sa Pilipinas. Hindi ako pwedeng magtagal dito!” inip na ani ko. Hindi ko kayang makitang magpapakasal ang boyfriend ko sa iba. Sabi niya sabay naming aabutin ang pangarap namin. Sabi niya kapag may saktong ipon kami, magpapakasal na kami. Na sa akin niya lang i-o-offer ang puso niya, ang soul niya, ang buong katawan niya, paa, binti, balikat, ulo, kasama laman loob. Pero bakit ganito? Lamang lang sa katawan ‘yong babae niya e’ pero talampakan ko lang ang level ng ganda niya sa akin. May pilikmata ba siya ng kasing haba ng sa akin? Wala! Buhok lang sa kilikili ang mahaba sa kanya. Pero bakit niya ako pinagpalit? Ginulo ko ang buhok kong kasing haba ng buhok ni Rapunzel noong pinag-aagawan ako ng macho sa lugar namin. “Magbenta ka na lang ng virginity mo sa mga bilyonaryo, ganyan naman mga uso ngayon.” Ani ni Angel at ngumisi. Sabi ko na e’, demonya ang babaeng ito. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang phone. Mabilis ko itong hinablot sa pag-asa na si Ruther at tumawag sa akin. Tumatawag siya sa telepono kapag namimiss ang beauty ko. “Hello, Ruther! Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis. Ano? Break na ba kayo ng kulugong iyon?” nakangiti kong bungad, pero agad na bumaba ang nakangiting labi ko nang marinig ang boses ng isang babae. “Juliet Simons?” tanong niya. “B-bakit po?” “Si Corazon ito. Iyong pinag-utangan mo ng sampong milyong piso. Ipapaalala ko lang sa ‘yo na hanggang linggo lang ang palugit ko sa ‘yo. Aba! Nakakailang inform na ako sa ‘yo ha, kung hindi binigay ni Ruther ang numerong ito ay baka hindi ka na makakauwi ng pilipinas.” Sunod-sunod na aniya. “Po? Utang?” tanong ko. Wala naman akong naalalalang utang. Ni minsan ay hindi ako umutang, lalo na pag milyong halaga. “Aba’t! Pag utang talaga nalilimutan na no. Paalala ko lang sa ‘yo ha, maraming sumbungan ng reklamo ngayon baka bukas makalawa trending ka na.” Banta niya. Mabilis kong kinuha ang phone ko at chineck ang message ng facegram account ko na hindi ko ginagamit. Si Ruther ang may hawak nito noon, marami kasing nag cha chat sa akin na gwapo. Ang hirap talaga maging maganda, parating sabog ang inbox natin. Kaya para di niya ako pagdududahan, binigay ko ang account at password ko sa kanya, pati na rin ang sss account at iba pang account na nangangailangan ng password! Kaya pala nangailangan siya ng fingerprint noon nagpapalog in siya sa online banking ko para sa confirmation ng transaction niya. Doon ko nakumpirma ang mga mensahe tungkol sa mga utang. Not just once but more than twice! At hindi lang si Aleng Corazon na aswang sa bayan naming mahilig magpalaganap ng chismis sa lugar namin ang inutangan ni Ruther! Marami pang iba at mga kaklase ko pa noong high school! Nanginginig ang kalamnan ko na habang nakatingin sa loan transaction, statement account, at lahat ng mga utang na nakapangalan sa akin. Lahat ng detalye ay pinagkatiwala ko kay Ruther! Ganoon ko siya kamahal at hindi ko akalain na ganitong bagay ay nagagawa niya rin. Ruther, bakit? Hindi pa ba sapat ang perang pinapadala ko sa ‘yo? Hindi pa ba sapat ang sweldong binibigay ko noong nag ke-caregiver ako rito? Resibo lang naipon ko no’n, alam mo ba ‘yon? Kailangan ko na talagang umuwi ng Pilipinas pero paano? Kung kaliwa’t kanan ang banta sa buhay ko mula sa mga pinag-uutangan ni Ruther ang kailangan kong harapin? At isa pa, kailangan ko ring pakiusapan ang masungit kong boss Real-estate na pinagtatrabahuan ko para payagan akong umuwi. Hindi! Hindi dapat ako sumuko, kailangan ko ang paliwanag ni Ruther. Baka may iba siyang dahilan. Baka kailangan niya talaga ng pera at hindi niya ako gustong mahirapan kaya niya nilihim sa akin, pero ako naman naghihirap ngayon. Ah basta! Lahat ay may dahilan. Sa akin ka lang ikakasal, Ruther. Sa akin lang dapat. Mamahalin pa kita, papatawarin sa paglilihim mo sa akin. Conjugal lahat ng properties natin, isama mo na pati utang. “Angel. Saan ba bentahan ng virginity sa Roma?” tanong ko sa kaibigan kong demonya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD