Chapter 10

1661 Words
Chapter 10 “Kahit saan ba ako magpunta ay naroon ka rin? Juliet, hindi ka ba nagsasawa kakahabol sa akin? Hindi na kita mahal!” sigaw niya. Napatingin ako sa kapaligiran nang mapuna ang pagbaling ng mga tao sa amin. Ang mga nagchichismisan ay nahinto rin para maki usyoso. “Wala naman akong sinasabi, Ruther.” Ani ko sa kanya at napatingin sa babaeng ipinalit niya sa akin. Pinagsadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Sinasabi sa akin ni Ruther dati na ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo tapos ipagpapalit lang pala ako sa tattoo ang kilay. Lumapit siya sa akin at frustrated na frustrated ang mukha habang nakatingin sa akin. “Tama na! Ayaw ko na!” sa tuwing sumisigaw siya ay napapaatras ako. Bukod sa tumatalsik ang laway niya ay naaamoy ko rin ang hininga niya. Huwag niya sabihing hindi siya inaalagaan nang maayos ng asawa niya katulad ng pag-aalaga ko sa kanya noon? “Ruther…” sambit ko. “Hindi ko talaga alam kung anong mayroon sa akin at hindi mo ako pinapatahimik. Kulang pa ba sa ‘yo ang mga sinabi ko? Hindi kita mahal! Hindi na kita mahal!” sigaw niya sa akin. Napadikit ang likuran ko sa malamig na wall sa aking likuran. Ang sakit sakit nang isigaw niya ang mga salitang ito sa mukha ko. Tumaas ang kilay ng asawa niya sa akin. Pananamit at accessories pa lang ay alam ko nang mayaman. Talagang wala akong laban. “Ruther, bakit dito mo ako sinisigawan. Pahihiyain mo ba—” “Kasi hindi mo ako maintindihan. Kahit na kailan hindi mo ako inintindi kaya kailangan kong ipamukha sa ‘yo ‘to. Hindi kita mahal dahil desperada ka!” aniya habang dinuduro ako sa aking balikat. Napasulyap ako kay Sir Genesis na ngayon ay nakadungaw lamang sa kanya. Walang kahit anong reaksyon sa kanyang mukha at parang pinapakinggan lang kami. “Ruther…” ani ko at sinubukang abutin siya. Napatingin si Sir Genesis sa kamay ko na sinitikan lamang ni Ruther at kahit malakas ang ulan ay dali dali itong pinanhik para makaalis lamang. Kasama niya ang babae niya sa kanyang pagtakbo. “Ruther!” sigaw ko. Malakas ang ulan, baka magkasakit siya. “Uminom ka ng tubig pag-uwi mo ha! Bawal ka magkasakit!” sigaw ko kahit malakas ang bugso ng ulan. “Baliw ba siya? Halatang ayaw sa kanya ng lalake,” “Hindi yata maka move on,” “Ang hirap talaga kapag mahal mo ang isang tao tapos ganito ang turing sa ‘yo,” Samu’t saring naririnig ko sa mga nakakita. May isa pang nilabas ang phone niya para kunan ng video ang nangyari. Napayuko na lamang ako habang panay ang patak ng luha sa mga mata ko. Tinatakpan ko ang mukha ko ng aking bangs para walang makakita. Hinintay ko na mabawasan ang ulan at ang mga tao pero mga ilang sandali ay hindi pa rin kami umaalis ni Sir Genesis na siyang pinagtaka ko. Napatingin ako sa kanya matapos kong punasan ang mga luha ko. “Sir, hindi pa ba tayo aalis?” tanong ko. Nakatago lang ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa habang nakatingin sa pagtila ng ulan. “Okay ka na ba?” tanong niya. Tungkol ba sa nangyari kanina? ‘Yong komprontasyon na naganap sa pagitan naming dalawa ni Ruther ang tinutukoy niya? Hindi ako okay pero wala rin naman akong magagawa kung hindi tanggapin ang sitwasyon naming dalawa. “Don’t get me wrong. I’m asking you not because I’m concern nor I have feelings for you. Gusto ko lang itanong sa ‘yo kasi hindi ko gustong may kasama ako sa sasakyan na umiiyak. I don’t want your energy to get transferred to me kaya kung pwede, ikalma mo ang kalooban mo bago tayo umuwi.” Patuloy niya. “Paano si Lola Pasing?” tanong ko sa kanya. “I trust our doctor,” sagot niya naman sa akin. Huminga ako nang malalim at sumandal sa pader. Kinuha niya ang yakap yakap kong pinamili namin at walang kahirap hirap niya itong niyakap sa braso niya saka ako tiningnan. Napaiwas ako ng tingin nang hindi ko maatim ang titig niya sa akin. Masyadong mapanuri baka kahit ‘yong paraan ng pagligo ko malaman niya. Inabot niya sa akin ang panyo niya na siyang tinanggap ko naman. Sa mga koreanovelang napapanood ko, kapag may gusto ang mga lalake sa babae inaabutan nila ng panyo. Hindi kaya may gusto talaga si Sir Genesis sa akin at nagde-deny lang siya kanina? Pero bakit hindi niya ako pinagtanggol kay Ruther kanina? Kasi baka takot siyang malaman ko na may gusto siya sa akin. Huminga muli ako nang malalim at pinunasan ang mga natitirang luha sa aking mga mata. “Ano pa bang nakikita mo, Sir? Bukod sa hindi ako magkakajowa habambuhay?” tanong ko sa kanya. Sumandal din siya sa glass na pader at tiningnan ako. Kung may third-eye siya kailangan kong malaman kung ano pa ang nakikita niya bukod doon. Napanguso siya na tila nag-iisip nang malalim at napatingin sa kalangitan. “You’ll move on,” aniya, “Pero sabi mo hindi na ako makaka-lovelife,” ani ko. Medyo nalungkot. Paano ako makaka move on kung wala akong mahahanap na lalake na para sa akin? “Hindi porket hindi ka makakahanap ng bago, hindi ka na makakamove on.” Aniya at tiningnan ako. Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ang reaksyon sa aking mukha. “Hindi rin maganda na manggagamit ka ng tao para maka move on. Isipin mong mararamdaman nila kapag nalaman nilang ginagamit mo lang sila to let go of your past.” Wala rin naman sa isipan ko ang maghanap ng tao o manggamit. Siya na nga ang may sabi na hindi na kailanman ako magkakajowa kaya imposible sa akin ang magmahal ng iba. Hindi ko rin alam kung kailan ko male-let go ang past ko kung oras-oras naiisip ko. Hindi madaling kalimutan ang tao na naging parte na ng buhay mo at nagturo sa ‘yo kung paano magmahal, tapos isang araw, magigising ka na lang na may iba na sila at hindi ka na kailangan. Kung ganito kasakit ang pag-ibig, hindi na ako magmamahal ulit. “Tatandang dalaga yata ako, Sir kaya imposibleng ‘yang mga sinasabi ninyo.” Ani ko at napangisi. Napatingin ako sa kanya na nakatingin lamang sa kalangitan. Tahimik lamang siya, parang statwa na kahit paghinga ay hindi kapansin pansin sa kanyang hitsura. “Let’s go,” aniya at naunang maglakad nang parang nabibilang na lang ang hibla ng ulan. Habang tumutuwid kami sa kalsada ay hindi ko maiwasan ang hindi siya kausapin tungkol sa ex niya. “Ikaw ba, Sir. Naka move on ka na ba?” tanong ko. Nahinto siya sa paglalakad dahilan ng pagbusina ng sasakyan na mabilis na tumatakbo palapit sa direksyon namin. Namilog ang mga mata ko saka ko siya niyakap at hinigit paatras para maiwasan ang aksidente. Dahil sa mabilis na pagdaan ng sasakyan sa harapan namin ay tumalsik ang naipon na tubig sa giliran ng kalsada at tumalsik iyon sa mukha at sa damit ni Sir Genesis. Napapikit siya at napahinga nang malalim. “Naku! Sorry, Sir!” sigaw ko sa kanya. Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata saka siya bumaling sa akin. PAGDATING namin sa condo ay pinaghandaan ko siya ng mainit na kape at towel. Nadatnan namin ang matanda na natutulog sa sofa kaya kinarga niya ito sa room niya bago kinausap ang doktor. Nilapag ko ang kape sa dining table at umupo sa tabi niya. “Uminom po kayo para mawala ang lamig,” abiso ko sa kanya. “Maligo din po kayo. Ako na bahala sa damit ninyo, lalabhan ko.” Nakangiti kong pagpatuloy. “Are you my Mom?” tanong niya habang humihigop ng kape habang nakatingin sa phone niya. “Hindi, pero katulong, yes.” Sagot ko naman sa kanya. Kung hindi dahil sa tanong ko ay baka sinugod na siya sa hospital ngayon. Pasalamat siya pinanganak akong superhero. Walang TF ‘yon ha. “You’re my grandmother’s caregiver,” malamig na sagot niya. “And your katulong nga, Sir.” Ani ko at pumanhik sa itaas at pumasok sa room niya para kunin ang hinubad niyang damit. Lalabas na sana ako nang makita ko ang picture frame na nakataob sa giliran ng kama niya. Hindi naman ako pinanganak na chismosa pero kinuha ko ito at sinilip. Nakangiti siya sa litrato habang akbay akbay ang isang babae na nakangiti rin. Sa Roma ito kinuha, alam ko dahil madalas din kami ni Angel Sungayan sa lugar na ito. Trevi Fountain. Mabilis na inagaw ni Sir Genesis ang litrato sa kamay ko saka ito tinago sa likuran ng katawan niya. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Who allows you to enter my room without my permission?” tanong niya sa akin. “Sir, kinuha ko lang—” hindi pa ako natatapos sa pagsasalita nang bigla siyang sumingit. “Get out,” tipid na sabi niya ngunit mariin.Malakas niyang isinara ang pinto ng kwarto nang tuluyan akong makalabas. Kung maka-advice siya sa akin tungkol sa pagmo-move on, akala mo naka move on na rin. E halata naman na mahal niya pa rin ex girlfriend niya. “Sir, makakamove on ka rin!” sigaw ko sa kanya sa pintuan. Pumanhik ako pababa ng hagdan ng napansin ang isang lalakeng nakatayo sa dulo ng hagdan. Napasigaw ako sa gulat at napakunot ang noo. “Sino ka?!” tanong ko sa kanya. Umalingawngaw ang boses ko sa buong sala. “I saw you come out from my brother’s bedroom,” aniya nanlalaki ang mga mata habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang labi. “Are you perhaps his hookup?” tanong niya at pinagsadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Bakit naman siya papatol sa matanda?” tanong niya sa sarili niya pero sapat na para marinig ko. Ako ba tinutukoy niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD