Camp John Hay Hotel, Baguio Walang kaalam-alam si Rowena na ang kaniyang alagang si Alekzia Cainetana ay na sa Baguio na rin. Nasa hotel na ito. Sa mismong Camp John Hay Hotel na ilang lakad lang ang layo mula sa kaniyang bahay. Abala pa si Rowena sa kanilang taniman nang mga oras na iyon at ang kaniyang cellphone ay naiwan niya sa kanilang baha. Naroon naman ang kaniyang Inang habang ang kaniyang Amang ang kasama niya sa kanilang taniman. "Hi, Rowena. Kumusta?" bati sa kaniya ng isang boses habang naglalakad sa kanilang taniman at isa-isang sinuri ang mga pananim roon. Nang lingunin niya ang pinanggagalingan ng boses ay hindi niya inakalang makikita niyang muli ang kaniyang kababata. "Hi," matipid lang na sagot nito at agad na ibinaling ang tingin sa ibang bagay. Hindi siya puwedeng ma