Distilirie Residence and Mansion
Bonifacio, Taguig
KINABUKASAN, nagising si Rein na wala na sa tabi niya si Vino. Pero dinig na dinig na niya ang mga ingay at yabag sa labas ng kanilang kuwarto. Marahil ay nakikipaglaro na ito sa mga bata. Sinusulit siguro ang mga oras na hindi niya nakasama ang mga ito. O bumabawi lamang sa mga bata.
Bumangon na rin Rein upang bumaba at magluto. Wala silang kinuha na kahit na isa man lamang na yaya para sa mga bata o tagasilbi na maghahanda ng pagkain nila o caretaker na mag-aalaga ng buong mansyon. Kahit pa minsan na ring sinu-ggest ni Vino na kumuha sila ng kahit isang kasambahay para hindi siya mapagod ay hindi niya ito ginawa. Mas gusto niyang hands on siya sa mga bata habang lumalaki ang mga ito.
Inayos muna ni Rein ang kama at ang kaniyang sarili saka lumabas ng master's bedroom. Pagkalabas na pagkalabas niya ay nakita niyang nakikipaghabulan si Vino sa bunsong si Vin na tumatakbo patungo sa kaniya.
"Mom!" Inilahad niya agad ang mga kamay nito upang yakapin at kargahin siya. "Good morning my baby bunso, Vin."
"Good morning, Mommy. Hinahabol ako ni Daddy e," sagot niya na pinanggigilan agad ang anak. Muntik pa niyang makalimutang bababa pala siya upang magluto ng breakfast nila.
"Just enjoy your day with your daddy, okay?" aniya at tumango naman ang bata. Saktong nakalapit na si Vino at hinalikan siya sa labi.
"Vino, ang aga. Not in front of the kid," saway nito habang nakalingkis sa kaniya kung saan karga niya si Vin.
"Daddy, mommy is right. Look, I can't breathe," bigla namang singit ni Vin nang maramdaman ang mahigpit na yakap ng kaniyang ama.
"That is normal, mommy. Daddy just misses you and we misses him. It's okay if daddy kisses you on your lips. That is fine," gulat naman ang mag-asawa nang biglang lumitaw sa harapan nila si Reign na may hawak pang iPad.
"Ganiyan na ba si Reign?" bulong ni Vino sa tainga ni Rein. His voice tickles her ears. Mabuti na lamang at nakakapagpigil siya. Paano ba naman kasi with matching dila at kagat pa si Vino sa kaniyang kaliwang tainga.
"Yeah. Masanay ka na kay Reign. Mas mature pa iyan sa iyo. Kaya careful with your words and even your answers kapag tatanungin ka niya. Baka ma-corner ka," mahinang bulong din nito sa tainga ni Vino.
"Mom, Dad. I heard it," muli na naman silang nagulat sa anak nila. Napailing na lamang si Vino. "What are you going to cook for breakfast, Mom?"
Naalala niyang bigla ang pagluluto nang ipaalala ito sa kaniya ni Reign. Ngumiti na lamang si Rein at agad na nilapitan ang panganay sa kambal at hinalikan ito sa labi bago sinagot ang tanong niya. "I'll go check the fridge and see what's available there. Anything in particular?"
"No, Mommy. I can eat anything you can prepare for us. I'll go first downstair and read some news in my iPad," sagot niya at hinalikan din siya nito sa labi.
"Hey! What about me, darling Reign? Where is my kiss?" buwelta naman agad ni Vino nang makitang hinalikan nito ang ina. Lumingon naman agad ang anak sa kaniya. Agad siyang lumapit umupo upang mahalikan siya ni Reign.
"I love you, Daddy and Mommy," sabi ni Reign matapos halikan ang ama.
"We love you, too, Reign," nakangiti namang sagot ni Vino rito at hinalikan sa pisngi ang anak.
"I love you too, Mommy and Daddy," hindi rin nagpahuli ang bunso at hinalikan din si Vino at Rein sa harapan ng kambal. "Now, we're even, ate."
"Whatever."
Tumalikod na ito at dahan-dahang bumaba, na nakakapit sa mga balustre. Pero hindi naman pumayag si Reign na hindi alalayan ang anak. Kahit pa maglilimang taon pa lamang ang dalawa sa Abril ay kailangan niyang masigurong safe ito.
"I'll go downstairs, Vino. Ikaw na ang bahala kay Vin. Aaalayan ko naman si Reign pababa," aniya sa asawa. Tumango naman ito at agad na nakipaghabulan kay Vino na nagtatakbo pabalik sa kaniyang silid.
Agad naman hinawakan ni Rein ang kamay ng anak na pababa na at nginitian ito. "Thanks, Mommy."
Nang makababa ay binitiwan na niya ang kamay. Patungo siya sa kusina habang si Reign naman ay dire-diretso sa sala upang umupo roon at gawin ang gusto niya. Iyon ang rutina niya. Hinahayaan na lamang niya. Hindi naman niya puwedeng pagalitan ito kung ang gusto ay magbasa ng mga news. Kampante naman siyang nai-set ang iPad sa Kid's mode. Made-detecct naman agad nito kung may violence or scenes na hindi angkop sa bata na wala ang guidance niya.
Sa kusina ay agad na tiningnan ni Rein ang laman ng fridge. Kumuha siya ng bacon, eggs, hotdogs, at gumawa na rin ng rice porridge para sa mga bata. Siyempre hindi rin naman mawawala ang fried rice na ihahain niya mamaya. Inihanda na muna ni Rein ang lahat bago sinimulan ang pagluluto. She made sure that she was wearing an apron at head covering to ensure na malinis ang mga lulutuin niyang pagkain.
...
SMDC Wind Residences and Condominium
Makati, Makati
Nakasanayan na ni Jep na mag-gym muna bago gawin ang mga dapat gawin niya. Simula nang magkaroon siya ng sariling condo ay araw-araw na siyang nagdyi-gym. Pampalipas oras lang naman sana niya ito pero kinalaunan ay nagustuhan na rin niya. Kailangan din kasi niya ito sa kaniyang trabaho. Kung mas maganda ang hubog ng katawan, mas marami siyang mahahatak na kliyente.
Well, that was a long time ago. Marami nga siyang nakukuhang mga commercial stints, shoots, at trabaho sa pagmi-maintain ng kaniyang katawan. Ngayong patapos na ang pandemic sa bansa ay kailangan niyang maging fit. Advance lang siya mag-isip kaya nilulubos-lubos na rin niya.
Siyempre, hindi rin mawawala ang mga malalagkit na tinginan at kaunting himasan ng mga muscles sa loob ng gym ng mga naroroon. Sanay na siya roon. Hanggang doon lamang siya. Hindi siya nagpapagalaw. Takot din naman siyang mahawaan if ever. Kahit pa safe naman ang fitness area ay maingat pa rin siya. Minsan na rin kasi siyang na-tempt pero matagal na iyon at sa gym din nangyari. Isang bangungot na ayaw na ayaw na niyang maalala.
"It's been a while, Jep. How are you?" Lumingon si Jep sa nagtatanog sa kaniya.
Kasalukuyan siyang nasa treadmill nang mga oras na iyon nang lumapit sa tabi niya ang isang lalaki. Matagal na panahon na nga mula nang makita niya ito. Tinigil niya muna ang pagtakbo sa treadmill at hinarap siya.
"Ikaw pala, it's been a while, Zard. How are you?" tanong niya nang makilala ang lalaki. He's his best friend. Pero minsan na rin siyang naging friends with benefits nito.
Sa pagkakatanda niya, si Zard lagi ang nagyayaya sa kaniya sa mga bars at clubs. At isang beses lang naman nangyari ang gusto nitong matikman siya. Nagulat pa nga siya kasi never sumagi sa isipan niyang may hidden desire ito sa kaniya. Pero nang minsang malasing sila, nangyari nga ang hindi niya inasahan. Nang tanungin niya kung may naalala siya sa ginawa nila, ayun umamin din. Pero hindi na naulit pa ang Friends with Benefits na gusto niya.
"Alam ko ang malalagkit na tingin mo na iyan, Zard. Stop doing something like this. Hindi nakakatuwa," inis niyang saway rito na panay ang pagkindat at pagkakagat-labi sa harapan niya.
"I was just kidding. I know. Na-miss lang kita. Payakap nga." Hindi ito nakapagpigil at agad siyang niyakap nito.
Ilang beses na itong ginagawa ni Zard sa kaniya pero ngayon, tila nakaramdam si Jep ng awkwardness. Aside sa nakikita niya ang mga matatalim na tingin ng mga naroon sa gym ay hindi rin niya napigilan ang biglaang pagtibok ng kaniyang puso. Kumawala agad ito sa pagkakayakap niya at nagpaalam upang mag-shower. Nagtataka man ay hindi na pinagtuunan nang pansin ni Zard ang reaksyon ni Jep.
Ngunit, deep inside, ramdam din ni Zard ang bilis ng pintig ng kaniyang puso. Hugging him is just one way of telling himself that he misses him. Sobra. Napipigilan naman niya at dinadaan sa pagkindat at pagkakagat-labi pero sadyang prangka lang talaga si Jep sa kaniya. He considered him as his best friend. That is why, kahit anong pagpipigil niya ay hindi rin niya magawa. Knowing Jep, he wouldn't give in to his demand unless may mangyari na naman sa kanilang dalawa. Kahit pa ilang beses nang nagpakita ng motibo si Zard kay Jep, hindi pa rin siya nito pinapatulan. Minsan na rin niyang nasabi rito ang feelings niya. At kapag sumasagi naman sa kaniyang isipan ang pangyayaring naging dahilan ng panlalamig nito sa kaniya noon, nakakaramdam siya ng pag-iinit. Kailangan muna niyang magpapawis bago ilabas ang init sa kaniyang katawan.
Sa shower room ng gym naman ay agad na naghubad si Jep at binuksan ang showerhead. Napapapikit pa ito habang hinahayaan ang pagdaloy ng tubig mula roon. The memory he had with Zard was still intact in his mind. Past is past. At hindi siya dapat makaramdam ng ganoon sa best friend niya. O baka naman confuse lamang siya kanina. Ibang tao ang gusto niya. Ibang lalaki. At hindi si Zard iyon. Ang nangyari sa kanila dati ay epekto lamang ng alcohol. Ilang beses kasing ipinapaalala sa kaniya ang mga araw na ni-reject niya ito. Para sa kaniya, hindi si Zard ang nakatakda.
"Please, Jep. I like you. I mean, I love you. I don't know when it started, but one thing is for sure. Na gusto kita. Na mahal kita. Lahat ng pinapakita ko sa iyo ay dahil roon."
"I'm sorry, Zard. Alam mong prangka akong tao. At alam mo rin ang sagot ko sa tanong mo na iyan."
"Why can't you love me, Jep?"
"Because my heart never beats for you. Kung tumibok man sa tuwing kasama kita, hindi dahil sa love iyon. Dahil iyon sa pagkakaibigan nating dalawa."
"What about the day we drunk? You gave in. Remember?"
"Zard! I told you not to remind me that thing. At ilang beses ko pa ba dapat ipaliwanag sa iyo na it was pure lust. Ang nangyari ay nangyari na. Walang love doon. Epekto lamang iyon ng alak. Kaya, please stop."
"I won't stop, Jep. Ramdam kong gusto mo rin ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha mula sa iyo ang tamang sagot."
"Then, go. Do what you want. But, let's stop here. Let's end whatever left of our friendship."
"No! Okay. I'll stop pushing you. Huwag lang masira ang pagkakaibigan natin."
Jep opened his eyes after recalling the past conversation he had with Zard. Seryoso siya noon sa pagsasabing hindi siya titigilan ni Zard. Kaya ginawa niya rin ang tama upang tigilan siya. He never mean to say that way. Masyado lang talaga siyang mapilit. Nagpatuloy man ang kanilang pagkakaibigan pero Jep stops the communication for almost four years. Hindi rin naman siya kinulit ni Zard.
Ngunit ang nangyari kaninang pagyakap niya at biglaang pagtibok ng kaniyang puso, reminded him of their past. Confused pa rin siguro ang puso niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa best friend niya. Siguro na-miss lang niya ito. And it has been a long time since they talk. Awkward lang talaga ang nangyari kanina dahil pinagtitinginan siya ng mga nasa loob kanina. Tinapos na lamang niya ang pagsa-shower nang sa ganoon ay makalabas na siya sa gym. Kailangan niyang makahanap muna ng clean client later para dagdag kita na rin. Naalala niyang kailangan pala niyang magpadala sa kaniyang pamilya.
"Baka naman kasi nasasarapan na siya sa mga pinaggagawa at gumagalaw sa kaniya."
"Bakit Pa? Masama na ba akong anak? Madumi ba ako? Parang diring-diri kayong may anak kayong katulad ko a?"
"Anak. Nagbibiro lang ang ama mo. Huwag mo nang pansinin."
"Hindi Ma. Ganiyang si Papa. Kilala na natin ugali niyan e. Mapanghusga."
"Anong ipinagmamalaki mo? 'Yang kargada mong mas malaki pa sa akin? Bakit mas magaling ka pa ba sa akin sa kama ha? Umuwi ka rito nang makita mo ang hinahanap mo! Wala kang galang!"
"Kagalang-galang ba kayo? Hindi nga ninyo kayang tanggapin at respetuhin ang anak mong nagpakahirap dito mapadalhan lang kayo ng pambili ng mga kailangan ninyo diyan. Sana naman. Kahit kaunting respeto lang Pa. Ma, sige na. Pagod ako. I have to go. Gagawan ko na lamang po ng paraan para makapagpadala sa inyo sa susunod na linggo. I love you, Ma."
Ang mga sinabi ng kaniyang ama ay tila tinik sa lalamunan ni Jep. Kahit na nasasaktan siya sa mga sinabi nito, wala naman siyang magagawa. Ginagawa at nagpapakumbaba lamang siya para sa ina. Kailangan pa rin siya ng mga kapatid niya. Kaya, lulunukin na lamang niya ulit ang kung anumang pride mayroon siya at makipagplastikan sa kaniyang ama kapag muli silang mag-uusap.