Camp John Hay , Baguio "So, have you seen it? Have you read the part of the contract that says you are not allowed to make any leave without my permission?" Nakaupo lang nang mga oras na iyon si Alekzia sa couch, sa loob ng tinutuluyan niyang silid sa hotel sa Camp John Hay habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Rowena. Patuloy itong nagsusuri sa iPad ni Alekzia sa kontratang pinirmahan nila. Napapailing pa ito nang makita ang hinahanap sa pangalawang pahina ng kontrata. "This is not stated here before, Alekzia. This was not here in the first place. But since I saw and read this, pagbibigyan kita. At alam mong hindi mo kayang mag-isa. Hindi mo kayang wala ako sa buhay mo. Tama ba?" Pino-point out lang ni Rowena ang papel niya sa buhay nito. Lalo pa at nasa kaniyang mga kamay nakasalal