Chapter 5: In Between Work and Family

1095 Words
SMDC Wind Residences Makati, Makati Malapit na namang sumapit ang hatinggabi. Sa loob ng kaniyang opisina ay naroon lamang si Vino. Nakatitig sa kaniyang laptop. Sinasagot ang bawat calls na mayroon siya sa mga kausap na kliyente. Ilang calls na lamang ay matatapos na ang trabaho niya. Hindi na nga niya alam kung kumain ba siya o nagutom habang tinatapos ang kaniyang trabaho. "Don't worry, Sir. I will do my best to supply you with the latest produc of Reign and Vin Wine Distillirie." Natapos din sa wakas ang kaniyang trabaho. Huling calls at sagot na pala niya iyon sa kaniyang kliyente. Sa loob ng kaniyang opisina sa isa sa mga sikat na building sa Makat, 15th floor ay doon na siya namalagi. Simula nang mag-lockdown, mag-Enhance Community Quarantine, to Modified, to General Community Quarantine, and back to ECQ ay sa kaniyang opisina lamang siya naglagi. Nakakauwi naman siya kung kailangang-kailangan pero hindi ganoon kadalas noong kaliwa at kanan pa siyang pasok-labas sa bansa. Nag-inat-inat muna si Vino at tumayo. Naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina kung saan makikita ang nagkukumpulang mga liwanag na parang mga bituin sa kalangitan. Kay gandang pagmasdan ng view. Nang tingnan ang orasan sa kaniyang wrist ay saktong pumatak ang alas dose ng hatinggabi. And he was like this... again. Sa totoo lang ay na-miss na rin niya ang gumala. Mag-travel kasama ang kaniyang pamilya. Mabuti na lamang at patapos na ang taon at naideklara na ring paubos na ang mga may kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang mga fully vaccinated na kagaya niya ay malaya nang makakagala sa kung saang bansa siya puwedeng pumunta. Iyon ang mga bagay na na-miss niya. Pero mas mahalaga pa rin ang trabaho niya sa ngayon dahil may pinaglalaanan din siya at iyon ay ang future ng kaniyang kambal na sina Reign at Vin. "Hey, what's up Rein?" "Nagtatanong ang mga bata. Kailan kaw raw uuwi? O kung tatawag ka man, sana ay 'yong gising sila at hindi 'yong lagi kang tatawag na tulog na sila. Reign felt something is wrong with you. Alam mo namang mas matanda pa iyon mag-isip." Naalala niyang bigla ang conversation nila ng kaniyang asawang si Rein. Alam niya ang point nito nang tumawag siya. Ang totoo ay iyon nga lang talaga ang oras na puwede siyang makatawag sa dami ng trabahong inaasikaso niya. "Did you explain it to them? Baka naman hindi klaro ang pagpapaliwanag mo, Rein?" "Vino, with all due respect. Ikaw ang wala rito sa bahay. Ikaw ang hinahanap ng mga bata. Ikaw ang kailangan at gusto nilang makita. Why are you saying kung naipaliwanag ko ba nang maayos o hindi sa kanila ang rason mo? Of course, I do. I care about our childrens well-being. That is why, and as much as possible, gusto kong ipaliwanag sa kanila sa paraang maiintindihan nila at hindi sa paraang naiisip mong kailangang gawin ko." She always have a point. And he can't argue with that. As much as he wanted himself to explain to his children why he's not always around. O kung bakit bihira na lamang siyang umuuwi ay hindi niya puwedeng sabihin. After all, his life always revolves in work and work and work. That's how workaholic he is. "Fine. Pakisabi na lamang sa mga bata na aayusin ko ang schedules ko at kapag okay na, tatawag ako sa iyo upang ipaalam kung kailan ako makakauwi o kung kailan ko sila puwedeng tawagan na gising pa. Okay na ba ang sagot kong iyan? I need to finish something. I have to end this call, Rein. Goodbye. Tell my I love you to our children." Umiwas na lamang siya. Hindi niya kayang makipagsagutan sa asawa. Sa dami ng appointments niya kanina ay iyon lamang ang tanging sagot na puwede niyang sabihin. Kung tutuusin ay quota na siya sa katatawag maipalam lang sa pamilya niya ang nangyayari sa kaniya. Napapabuntong-hininga na lamang siya at napapailing. It's time for a quick shower and his office became his home. Habang tinutungo ang secret door sa loob ng kaniyang opisina na tanging siya lamang ang nakaaalam ay isa na namang conversation ang naalala niya kanina at sadyang sumasakit ang ulo niya sa babaeng iyon. "What is wrong with you, Vino?" tanong sa kaniya kanina ng nasa kabilang linya na matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita since 2018. O baka nakalimutan nga lang niya talaga kung kailan ang huling pagkikita nilang dalawa. "Ikaw pala. Anong atin?" iyon lang naisagot niya sa kaniya. Napaiksi ng pasensya niya at napapailing siya kapag naaalala ang ugali niyang iyon. Hindi naman siya ganoon nang una silang magkakilala sa Paris. At mas lalong hindi niya alam kung bakit bigla itong nagbago. Mabuti na lamang at natapos na rin ang kontrata niya sa kaniyang kumpanya a year and a half ago bago ang pandemic. "What? Anong atin? What do you think you're doing?" Muli na naman niyang natampal ang noo nang maalala ang sagot nito sa kaniya. Nasa loob na siya ng kaniyang secret room. Hubo at hubad na siyang nakatayo sa harapan ng shower. "Relaks. I'm at work. I have to finish this. Puwede bang sa isang araw ka na lang tumawag?" "Why are you doing this to me? Why do you keep ignoring my calls? I even texted you several times." "Gaya nga ng sinabi ko, busy ako. I need to fix my business." "How much do you want, Vino. I can wire you the money instantly." Hindi niya mawari kung totoo ba ang sinabi nito nang tanungin siya kung magkano ang kailangan niyang pera. At the back of his mind, the way she talk was tempting. And money can even satisfy his needs. Pero hindi siya ganoong klaseng tao. Kahit pa mas kailangan nga niya ngayon ang pera, mas gugustuhin niyang sa mga kamay niya, sa hirap, at pagod niya manggagaling ang mga ito. Hindi niya gusto ang ganoong tabas ng dila kapag pera na ang usapan. Habang patuloy sa pag-agos ang tubig mula sa showerhead ay hindi naman nakaligtas sa kaniyang isipan ang gabing nalasing siya at alam niyang ang babaeng iyon din ang may kasalanan kung bakit natali siya agad sa kaniya. That was the only way he can do that time in Paris, or else, she'll sell the scandal he had with her. And whenever he remembered it, he was furious. Pilit na kinakalimutan niya ang pangyayaring iyon pero hindi ang event kung saan first time niyang makita itong rumampa sa entablado. Doon siya nagkaroon ng interes na gawin siyang modelo at endorser ng kaniyang brands almost four years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD