Near Camp John Hay, Baguio It has been years since she visited Baguio. Marami na ang nagbago pero hindi ang nakasanayan niyang tumulong pa rin sa kaniyang magulang. Naalala pa rin ni Rowena kung gaano niya ibinuhos ang oras niya sa pagtatrabaho matulungan lamang ang kaniyang ama. Tumigil pa siya sa pag-aaral upang may makasama itong magbungkal ng lupa, magtanim, magdilig, mag-spray ng patabâ at mag-harvest kasama siya. Maging ang utang ng kaniyang sa kaniyang ninong ay inako niya. Natatawa pa nga si Rowena na maalala ang inis at galit niya noon sa narinig niyang pag-uusap ng kaniyang ama at ninong, na siyang tumulong upang may maipagamot ang inang may sakit. At lalong hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na nakilala niya si Alekzia. Aaminin man niya o hindi sa sarili, malaking baga