Distillirie Residence and Mansion Bonifacio, Taguig Masayang-masay si Rein dahil sa wakas ay nakahanap din siya ng mag-aalaga at magbabantay sa mga bata. Ang mas maganda pa, anak ito ng pinagkakatiwalaan nilang si Mang Jose. Sa unang kita at suri pa lamang ni Rein ay pansin na nitong nagpipigil lang ito ng kaniyang totoong ugali. Napilitan lang mag-seryoso dahil katabi niya ang kaniyang ama at alam na alam niya ang pakiramdam na umayos ng sagot sa harapan niya. Kung tutuuusin ay pasadong-pasado na ito sa panlasa niya. Kailangan lang niyang masubaybayan sa bawat gagawin nitong pagbabantay sa susunod na linggo sa kambal. Nang makita nga niya na naaliw ito sa biglaang pagsulpot ng kambal sa courtyard, doon ay mas lalong pumasa si Lumina sa hinahanap niyang magiging nanny ng mga bata, bagay