Imposible Hininto ko si Horsey nang mapagtanto kong wala rin namang balak tumigil si Uno kakasunod sa akin. Ano ba talagang problema niya? Lumebel siyang muli sa akin. Hindi ko ito pinansin. Hinimas ko si Horsey at sinilip ang mukha nito. "Pagod kana, Horsey? Gusto mong uminom muna, kumain?" tanong ko kahit wala naman akong matatanggap na sagot galing sa kanya. Umungol lamang ito. "How adorable." Uno chuckled. Nasira ang ekspresyon ng mukha ko nang nilingon ko siya. Agad niyang sineryoso ang kanyang pagmumukha. "If you don't want your horse to get tired then you can have my horse with me." "Hindi na. Kaya niya pa naman daw." Umirap ako at ngumuso. Dinala ko na lamang si Horsey sa batis para pagpahingahin muna ito. Umiinom siya roon habang ako naman ay nanghihilamos ng mukha. Wh