"Wait, isn't that the Alexandros?" ani Dani, nasa tinig ang excitement.
"Here comes the fistfights..." komento ni Kaki na patuloy lang sa pag-nguya ng pagkain habang nakamasid din sa kaguluhan.
Ang canteen na iyon ay malawak para i-accommodate ang parehong highschool at college community. Mula sa table na ino-okupa nila hanggang sa counter kung saan naroon ang mga nagkakagulong estudyante ay nasa mahigit sampung metro pa ang layo, pero dahil sa lakas ng boses ng mga ito ay malinaw nilang nakikita ang mga nangyayari at naririnig ang dahilan ng kaguluhan.
Nakita niya kung papaanong hinila ni Marco ang uniform ng Fine Arts student na kaaway nito, "Just because you are rich and this lady is poor doesn't mean you can insult her.”
Tinabig ng Fine Arts student ang kamay nito, "H'wag mo akong hawakan!”
Subalit hindi natinag ang lalaki at muling hinatak ang kwelyo ng kaaway. Nasa likuran nito ang isang Fine Arts student din na babae na tila natatakot. Sa likod naman ng babae ay ang iba pang mga miyembro ng Alexandros na tila pumo-protekta rin dito.
Tumaas ang kilay niya nang makilala ang ilan sa mga iyon at makita ang iba pang mga miyembro na noon lang nila nakita. Ang bawat isa, bagaman nakasuot ng mga unipormeng base sa kurso ng mga ito, ay may kaniya-kaniyang karakter.
"Kanina pa siya nandito sa pila at ang tagal pumili ng kakainin! Nakakaabala na siya!" rason ng maangas na Fine Arts student. Sinulyapan nito ng masama ang babae, "At ikaw, kung hindi kaya ng pera mong bayaran ang alinman sa mga pagkaing narito, dapat ay nagdala ka nalang ng tinapay—“
Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay malakas na itong itinulak ni Marco dahilan upang dumausdos ito sa tiled floor ng canteen. Doon nag-umpisa ang kaguluhan. May grupo din pala ang lalaking Fine Arts student kaya nang makita ang nangyari sa kasama ay sumugod ang mga ito sa Alexandros.
Ang ilang mga estudyanteng naroon ay nag-unahan na namang magsikuha ng video. Si Dani ay napapatili sa tuwa at lumapit din doon para maki-usyoso. Palibhasa ay lamang ang Alexandros sa laban.
Lihim siyang napa-iling.
"Seems like the seven members of the Alexandros are here.”
Napatingin siya kay Stefan nang marinig ang sinabi nito. "You know them?”
He shrugged his shoulders, "Not personally, but yes. They are the talk of the student community." Isa-isa nitong itinuro ang bawat miyembro.
"The Interim Boss, Marco Sansebastian, ang nakipagsagutan kanina. He's the eldest. Dalawang beses na nagpalit ng kurso noon unang taon nito sa university. Siya ang tumatayong leader ng grupo kapag wala sa eksena ang Big Boss.”
"The next one is Kane Madrigal." Itinuro nito ang isang matangkad at pinakamalaki sa grupo na nakasuot ng reading glasses at nakatayo lang sa gilid habang magka-krus ang mga braso sa dibdib. "He's a genius. He used to be a top student in the university pero simula nang mapabilang siya sa Alexandros ay laging nagbubulakbol. Hindi siya madalas makitang nakikipag-sagupaan pero malaki ang papel niya sa grupo. He's also one of the founders.”
"And that one wearing a friendly smile while beating up the enemies, he's Seann Ventura. He's a rich kid at madalas na palabuy-laboy sa Paris at New York. Kapag walang pasok ay kung saan-saang bansa nagbabakasyon.”
"And then, there's Raven Worthwench, ang pinaka-basagulero sa kanilang lahat. Laging pumapasok na may pasa sa mukha dahil lahat ng maaangas na lalaking nakakasalubong sa bayan ay sinisita.”
"Next, Jet Yuroshi— a Japanese exchange student. Siya ang pinaka-tahimik sa lahat pero kapag oras na ng sakitan, asahan mong nangunguna sa pila 'yan kasama si Raven. I heard that his father is a Yakuza Boss. Ipinadala lang siya rito sa bansa natin para umiwas sa gulong kinasasangkutan ng grupo ng tatay niya.”
"And then, Blaze Panther —hindi siya madalas na nakikita sa campus, walang nakakaalam kung pumapasok pa siya sa mga klase niya, pero kapag oras na ng gulo, hindi siya nawawala. He's also a musician. His family owns the biggest night pub in town where he performs every night.”
"And then, the richest of them all— or probably the richest student here in this university, Grand Falcon." Itinuro nito ang isang lalaking nakatayo katabi ni Kane Madrigal, nakatingin lang din sa mga kasama at tila bagot na bagot sa nakikitang kaguluhan. "His family owns an airline company and chain of hotel and casinos in Asia. He never joins the fistfights pero isa rin siya sa mga founding members ng grupo.”
Namamanghang napatitig siya kay Stefan, "Wow, you definitely know these guys.”
Nagkibit balikat ito at nagpatuloy sa pag-kwento, "Hindi magawang i-suspinde ng school ang grupong iyan dahil sa tuwing nasasangkot sila sa gulo ay lumalabas at napapatunayan na ipinagtatanggol lang nila ang mga estudyanteng naaapi. Marami ang witness kaya walang laban ang mga nagre-reklamo sa kanila. Isa pa, kaibigan ng ama ni Grand Falcon ang may-ari ng school— which gives them the right to act like masters here.”
"Well, it's cool that they can protect the weaklings and the victims of bullying, but I don't think it's okay to hurt others," komento niya.
Sinulyapan siya ni Stefan, "I could tell that you're not impressed with them.”
"No, I'm not. But I don't hate them, I just thought it's better to let the school handle this. Wala sa mga kamay nila ang pagpaparusa.”
Nagkibit-balikat ito. "They say that the school doesn't have time to deal with such issue."
Napa-iling na lamang siya.
"I also heard that the leader of the group is the scariest of them all," sabi ni Stefan na muling ibinalik ang pansin sa kaguluhan. "He doesn't show up too often but when he does, people get hyped.”
"Kilala mo ang leader nila?" tanong ni Kaki.
"Just heard of him.”
Luna got curious, "What else do you know about him?" Kung tama ang hinala nilang ang Boss na tinutukoy ni Seann ay ang leader ng Alexandros, kailangan niyang malaman kung sino ito para makumpronta niya. She didn't want to receive any flowers and letters from him ever again.
Matagal bago sumagot si Stefan, "He went to study here a year ago and has become really popular. He beat up students who acted like they own the school, so you can say he's the typical student's hero. They say he's kind and friendly, but scary when he gets mad." Sandaling nag-pause si Stefan na tila iniisip ang susunod na sasabihin, "As you know, this school contains seventy percent of rich kids at karamihan sa kanila ay matapobre. So he created a group to ensure no weaklings get exploited and to also protect them from the bullies of the school.”
"So basically, they are the good guys using prejudicial ways like punching and kicking to teach bad guys a lesson?" she mocked.
Bahagyang natawa si Stefan sa sinabi niya na ikinagulat niya. She didn't expect him to show any emotion, he's usually cold and unexpressive. "Ang ibang mga estudyante ay ayaw din sa paraan nila, kaya hindi ka nag-iisa.”
Hindi niya magawang sumagot sa sinabi nito dahil nilalamon pa rin siya ng pagkagulat matapos makita ang pag-ngiti nito. That smile was hot!
"Do you know why they are named Alexandros?”
Wala sa sariling umiling siya.
"The students gave them that name. Because 'Alexandros' is a Greek word which means the defender of mankind.”
Naramdaman niya ang muling pagsipa ni Kaki sa paa niya dahilan upang muling magising ang diwa niya. "H-How'd you know all these information?”
Napansin niya ang bahagyang pag-alinlangan sa anyo ni Stefan, tila ito hindi makapag-pasya. Hanggang sa pilit itong ngumit, "I just heard them all from my sister. She used to be friends with the Alexandros when she was still studying.”
"Your sister used to be friends with the Alexandros?" bulalas ni Kaki na kanina pa nakikinig sa kanila. "How badass…"
Napailing at napangiti si Luna sa katagang ginamit ng kaibigan. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula rito.
Tipid na ngumiti si Stefan, ngiting hindi umabot sa mga mata nito, "She used to be Miss CSC and was very popular during her time.”
Hindi nakaligtas kay Luna ang lungkot na dumaan sa mga mata ni Stefan nang sabihin nito iyon. Gusto pa sana niyang magtanong ng tungkol sa kapatid nito nang mapasulyap siya sa mga nag-aaway at nakitang tumilapon ang grupo ng mga Fine Arts students. Halos hindi na makatayo ang mga ito. They were all bruised whilst the Alexandros was unscathed.
Huh, they're martial arts experts, afterall.
Narinig niyang inutusan ng grupo ang mga Fine Arts student na humingi ng paumanhin sa nabastos na babae kanina. Sina Seann at Raven ay narinig niyang tinuya-tuya ang mga talunan —lalaban-laban daw pero wala namang binatbat.
Gustong umikot ng mga mata niya sa iritasyon. She was not impressed at all. Para sa kaniya ay walang pinagkaiba ang grupo sa mga estudyanteng nambu-bully.
Nangalumbabang itinuon niya ang pansin sa ibang direksyon.
Hindi niya alam kung bakit napatingin siya roon, subalit natigilan siya nang sa direksyong iyon, sa pinaka-sulok ng canteen malapit sa bintana, ay nakita niya ang pamilyar na lalaking prenteng nakaupo sa upuan at ang mga paa'y nakapatong sa mesa. Ang pansin nito'y nasa grupo din habang umiinom ng chocolate drink na nasa tetra pack.
Kinunutan siya ng noo. She's never seen a college student sipping a nursery drink.
The perverted umbrella man, nanggigil niyang sambit sa isip. What is he doing there...? Naisip niyang kanina pa marahil ito nakamasid sa mga nagkakagulo pero halata sa mukha nito na wala itong pakealam sa mga nangyayari. He looked so bored.
"Luna, there you are!”
Inagaw ng tinig na iyon ang pansin niya. Pagkalingon ay nakita niya si Seann na papalapit, nasa mukha nito ang tuwa nang makita siya. Iniwan na nito ang mga kasama na pinaalis na ang mga kalaban.
Ugh. Ito na naman ‘to.
"I didn't know you're here," anito pagkalapit.
Why is he acting like we're friends?
Subalit biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang buong grupo na lumapit sa table nila na tila wala lang nangyaring bugbugan.
Si Stefan ay kunot-noong hinarap siya, "You missed to mention that you know them, too?”
"No, I don't." Ugh. Ano ba to'ng nangyayari? Sinapo niya ang ulo, pakiramdam niya ay na-corner siya. Ibinalik niya ang pansin sa bintana ng canteen, na isa ring malaking pagkakamali dahil nakalimutan niyang naroon din pala ang lalaking kinaiinisan niya, na ngayon ay nakatingin na rin sa direksyon niya.
Nang magtama ang mga mata nila ay napangisi ito. Ilang sandali pa'y itinaas nito sa ere ang hawak na tetra pack na tila nakikipag-cheers sa kaniya. She just rolled her eyes. Tumayo siya at niyuko si Kaki, "Let's go?”
Subalit ang pansin ng kaibigan ay wala sa kaniya kung hindi sa Alexandros. Muli niyang nilingon ang mga ito para sabihang layuan na sya subalit nakita niyang nakalingon ang mga ito sa direksyon ni Umbrella man at pawang mga naging seryoso.
What's happening?
Bago pa man masagot ang katanungan niya sa isip ay nag-umpisa nang humakbang ang grupo patungo sa sulok kung saan naroon at prente pa ring nakasandal sa upuan nito na si Umbrella Man. Tila hindi ito natitinag sa paglapit ng grupo.
But why? Bakit nilapitan ng mga ito ang lalaki? Magkaaway ba sila? Hindi siya magtataka dahil presko at maangas ang dating nito. Kung sabagay, dalawang beses siya nitong binastos tungkol sa spandex shorts niya. Matutuwa siya kung bubugbugin ito ng grupo.
Pero isa laban sa pito?
Apat sa mga iyon ay pawang mga Business Management students: sina Marco, Jet, Kane at Raven. Dalawag Tourism students na sina Seann at Blaze at isang Accounting student, si Grand.
Si Stefan ay kunot-noong sinundan ng tingin ang grupo, "What are they planning to do?”
Kahit ang ilang mga estudyanteng naroon ay natahimik din at tila nagmamatyag. All eyes were following the Alexandros as they approached the lone man.
Nang marating ng mga ito ang mesa ni Umbrella man ay sandali ang mga itong nag-usap. At dahil medyo nasa sulok na iyon at nasa kalayuan ay hindi nila marinig kung ano ang mga sinasabi ng mga ito.
Are they gonna beat him up?
Lahat sila'y nakatingin lang at nakaantabay sa susunod na mga mangyayari.
Ilang sandali pa'y natapos ang usapan ng mga ito. Ngumiti si Umbrella man saka tumayo at ipinatong ang hawak na tetra pack sa mesa saka walang ibang salitang naglakad palayo sa grupo at patungo sa direksyon nila. Napasinghap siya ng malakas.
Oh no.
She watched him as he walk towards her with his hands shoved in his pockets. Malayo palang ay nakikita na niya ang hikaw nito sa kaliwang tenga. She grimaced. Oh, how she hate it.
But to be fair, the guy was really tall, probably over six feet, has a toned body and very, very handsome. Saying he's handsome was actually an understatement. He has this friendly smile but his aura screamed danger. He's a dangerously attractive man. Tipong mapanganib dahil hindi mo mamamalayan kung bakit ka nahulog o nadapa.
Kahit ang ilang mga estudyanted naroon ay napasinghap habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Tila may dumaang anghel dahil natahimik ang mga ito.
Nang tuluyan na itong makalapit sa table nila ay napalunok siya. She was about to shoo him away when he put his hands on the table and leaned over, "How have you been, Luna Isabella?" anito. Halos ilang pulgada nalang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.
Sa nanlalaking mga mata ay, "What do you want?”
Ngumiti ito pero hindi pa rin inilalayo ang mukha, "I just wanted to say 'Hi'. By the way, you smell great. Is that Gucci and Gabana floral perfume?”
Akma siyang sasagot dito nang biglang niyang naramdaman ang pangangati ng ilong. And before she could even stop herself and move away, she suddenly sneezed, right in front of his face.
*****