Sa nanlalaking mga mata ay tinakpan niya ang bibig. Subalit hindi roon natigil ang paghatsing niya. She sneezed again, and again, and again.
Ang mga estudyante sa paligid ay malakas na nagtawanan nang makita ang nangyari. Sina Kaki at si Stefan ay parehong natigilan.
Kahit ang lalaki ay tila nagulat at hindi nagawang gumalaw. He was momentarily stunned. Her saliva must have sprinkled all over his beautiful face.
Nagtaka siya kung bakit biglang nangyari iyon. It only happens when she smells something she's allergic to. Most especially, cats. Bigla siyang natigilan sa naisip.
Cats?
"Luna," kinalabit siya ni Kaki at inabutan ng panyo. "Use this and cover your nose. Ano ba'ng nangyayari sa’yo?”
Umusal siya ng pasasalamat at tinanggap ang panyo nito saka itinakip sa ilong.
"Wow," namamanghang sambit ni Umbrella man nang matauhan. "Did I smell that bad, Luna?"
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Did you just visit your cat? I could smell her from you!" hasik niya rito habang nakatakip pa rin ang ilong. Sigurado siyang iyon ang dahilan ng paghatsing niya.
Kinuha nito ang panyo sa bulsa ng suot na slacks saka nagpunas ng mukha. Naririnig pa rin niya ang malakas na tawanan ng mga estudyante sa paligid. Hiyang-hiya siya sa nangyari pero hindi siya hihingi ng paumanhin dito. He somehow deserved it.
Matapos nitong magpunas ng mukha ay napayuko ito. Nagalit ba ito?
Huminga siya ng malalim para ihanda ang sarili sa sasabihin nito. Marahil ay nagagalit ito dahil nagmukha silang katawa-tawa sa mga estudyante. Lumampas ang tingin niya sa likod ni Umbrella man at nakita ang ilan sa mga miyembro ng Alexandros na malakas ding nagtawanan.
Muli siyang kinunutan ng noo. Nagtaka siya kung ano ang nangyayari. Kanina ay nilapitan ng grupo si Umbrella man at kinausap. Pagkatapos ay tumayo ito at lumapit sa kaniya. Ngayon ay naroon na sa likod nito ang grupo at nagtatawanan.
Naguguluhan siya.
"Hmmm, am I right to assume that you're allergic to cats?”
Ibinalik niya ang pansin dito at nakitang nakatitig na ulit ito sa kaniya. Hindi siya sumagot.
Humalukipkip ito, "Tsk. It's hard to choose between you and Bella. I can't just ignore her, she constantly need to be touched and hugged. Pero kapag ginawa ko naman iyon ay hindi ako makakalapit sa'yo or else, you will be sneezing everytime I'm near you.”
Kinunutan siya ng noo. Anong pinagsasasabi nito?
"I guess I will have to refrain holding Bella, para malapitan kita.”
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.
"Oh, by the way," muli itong may dinukot sa bulsa at inabot sa kaniya.
Kunot noong napatingin siya sa bagay na nasa palad nito. An origami.
"I made this for you. Since you don't like roses, I guess I'll just have to give you this.”
Kunot-noong pinaglipat-lipat niya ang tingin sa origami at sa lalaki. Nang hindi siya kumibo ay kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang origami.
Matagal siyang nakatitig lang sa bagay na iyon at hindi alam kung ano ang sasabihin. She was stunned. Bigla nalang itong lumapit sa kaniya at nagpa-cute. Ibinalik niya ang tingin dito, "Who told you that I don't like roses?”
He shrugged, "Someone."
Naguguluhang tinitigan niya ito, "Why are you... giving me this?”
"Because it symbolizes something”
"Symbolizes what?”
"In many cultures, a lotus flower represents beauty, elegance, purity and wisdom. So it really suits you.”
Hindi mawala-wala ang pagkakakunot ng noo niya. She stared at him for a long time and suddenly, she realized something.
She's never seen eyes as beautiful as this man's. He has beautiful brown, almond-shaped eyes, and thick lashes and brows...Umiling siya. This is not the right time to appreciate beauty!
Ibinalik niya ang origami rito, "I don't want this.”
Lalong lumakas ang bulungan ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Marahil ay nagtataka ang mga ito at naiintriga. Huminga siya ng malalim saka nilingon si Kaki na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Umbrella man. Oh, she couldn't blame her, the man is really gorgeous.
"Let's go, Kaki," aniya saka hinawakan ang kamay ng kaibigan at hinila. Mabilis siyang humakbang at nilampasan ang lalaki subalit hindi pa man sila nakakalayo ay narinig niya ang tinig ni Seann.
"Told ya, Boss. She's tough.”
Natigilan siya. Boss? Did Seann just call him Boss? Does that mean....?! Malakas siyang napasinghap sa naisip at sa nanlalaking mga mata ay nilingon itong muli.
Nakasunod ang tingin nito sa kaniya at nang makitang lumingon siya ay napangiti.
"You're the one who's sending me those roses?”
Nakangiting tumango ito.
"Why the heck were you giving me flowers?" hasik niya.
"Because I like you," diretsong sagot nito habang nakangiti.
Ohhs and ahhs were heard from the crowd. Lalo ang mga itong naintriga.
Muli siyang humarap dito.
"Are you playing with me? Dalawang beses lang nag-krus ang landas natin at ngayon ay sasabihin mong gusto mo ako? Kung bored ka, h'wag ako ang pag-trip-an mo. I didn't come to this school to play."
Humalukipkip ang lalaki, "Do you remember the first note I sent to you along with the first rose? What did it say?”
"Who cares what—" natigilan siya.
I have been watching you from afar for a couple of weeks now until I decided to make a move.
"I've been watching you from afar since the day I met you at the front gate of the school," anito nang makita ang panlalaki ng mga mata niya. Tila naaaliw ito sa panggigilalas na nakikita sa mukha niya. "Most especially at lunch time. Naroon lang ako palagi sa sulok ng canteen, watching you eat and laugh with your friends.”
Umiling siya. Imposible. Ang lalaking ito ay naghahanap lang ng mapagkakatuwaan at kahit kailan ay hindi siya kakagat!
"Noong araw na nakita mo ako sa likod ng Literature Department building, feeding my pet, you asked how did I know your name?”
Hindi siya sumagot at hinintay lang na ituloy nito ang sasabihin.
"I know everything about you, Luna, because I really like you.”
Ang sunod niyang narinig ay ang tukso ng mga estudyante. May nagsisipulan at nagpalakpakan.
The guy in front of her is the leader of the Alexandros. At base sa narinig niyang kwento ay kinakatakutan, nire-respeto at ini-idolo ito ng karamihan. Malaking bagay sa mga estudyante ang makitang nagpapahayag ito ng damdamin sa babaeng gusto, it could be the first, kaya ganoon na lamang ang reaksyon ng mga ito.
Tili ni Dani ang umagaw sa pansin ng lahat. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa leader ng Alexandros.
"Ryu Donovan!”
*****
"What?" kanina pa hindi matapus-tapos ang panggigilalas niya. There were so many surprises!
The umbrella man and the leader of the Alexandros is actually Dani's ultimate crush— Ryu Donovan!
Napasinghap siya nang maalala ang nakasulat na initial sa first note na ipinadala nito. R.D.!
Nakita niyang napalingon si Ryu sa direksyon ni Dani at nginitian ito.
Napatakip ng bibig si Dani saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Ryu. Ilang sandali pa'y nakita niya ang pamumula ng mga mata nito at ang pamumuo ng luha. Hanggang sa mabilis itong tumalikod at lumusot sa mga nakikiusyosong mga estudyante.
"Dani!" mabilis siyang sumunod at iniwan si Kaki na napatapik ng noo.
Si Kaki na naiwan ay akma nang susunod sa mga kaibigan, nang bigla itong tawagin ni Ryu.
"Karina, right?”
Tumango ito.
"Do you guys eat sushi or you prefer pasta?”
*****
"Dani!" hinuli niya ang kamay ng kaibigan nang maabutan niya ito sa field. She ran like a real girl, pabebe-style.
Napasinghot ito at nagpahid muna ng luha bago siya hinarap.
Bumuntong-hininga siya, "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero gusto kong malaman mong hindi ko type ang lalaking iyon kaya h'wag kang mabahala.”
Sumimangot ito, "Hindi naman ako na-bahala.”
"Then what? Bakit ka tumakbo palabas ng canteen at ngayon ay umiiyak?”
Muli itong nagpahid ng luha saka nilingon ang canteen sa hindi kalayuan, "I first saw Ryu Donovan almost a year ago, sa shooting range center na pag-aari ng parents ko. Twice a month ay naroon siya para mag-practice shooting. He was so cool and very friendly, naging kaibigan niya kaagad lahat ng staff namin. We never really had interactions together, I doubt kung napapansin niya ako roon. Pero unang kita ko pa lang sa kaniya ay nagkagusto na ako kaagad. Naisip kong napaka-swerte ng babaeng magugustuhan nito," saglit itong tumigil at tinitigan siya at saka lumabi. "I just cried because the realization hit me. He's the type of guy I can only dream of but will never have.”
"Are you... mad about it?" hindi niya mahanap ang tamang sasabihin, nag-aalala siyang magalit ito o ma-offend.
Umiling ito. "Tumakbo lang ako para hindi makita ng lahat ang pag-iyak ko." Muli itong nagpahid ng luha saka dinukot ang compact mirror na nasa bulsa ng slacks. Matapos nitong ayusin ang sarili ay nakangiti na itong muli sa kaniya, "But girl! That was Ryu Donovan, bakit parang may pakiramdam akong ire-reject mo siya?”
Huminga siya ng malalim at lihim na nagpasalamat na hindi ito galit sa kaniya. "Alam mong ayaw ko sa mga ganoong tipo ng lalaki," sagot niya.
Huminga ito ng malalim saka lumapit sa bench na nasa gilid ng daan at pasalampak na naupo roon, "Well, true. But Ryu Donovan is the college hotshot and the leader of the Alexandros. Oh geez, ni hindi ko inakala na siya ang leader ng grupong iyon. They rule the school, and Ryu Donovan rules the college department. How could you not like him? Besides, he's super smart na hindi na niya kailangang pumasok sa klase para makakuha ng mataas na marka. He's a son of a rich man, too. I heard that his father is a Japanese-Irish businessman, may-ari ng chain of hotels sa America.”
Naupo siya sa tabi ng kaibigan at tumingala sa langit, "I always prefer neat and intelligent-looking man.”
"Like Stefan," Dani stated.
"Yeah, like Stefan." Bigla siyang napasinghap. Noon lang niya naalala na naroon din si Stefan nang mangyari ang lahat. He was just right there with them, he probably heard everything! Oh, kung kailan nakahanap na ako ng daan para mapalapit sa kanya!
Huminga ng malalim si Dani saka tinitigan siya ng mataimtim. Ilang sandali pa'y muli itong nagsalita, "You are not the prettiest but you are pretty nonetheless. You are smart and very talented, too. Hindi ako nagtataka kung bakit nagkagusto siya sa’yo."
"Well," tumayo na siya at pinagpagan ang palda, "it doesn't really matter if Ryu Donovan is the hotshot of the college department. Hindi ko siya gusto at kahit anong mangyari ay hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon. If I ignore him, he will eventually give up and look for another prospect. By then, I can live my life peacefully again. No more roses, no more notes and no more Alexandros causing me humiliation.”
"Why are you doubting him?" tumayo na rin si Dani. "Bakit hindi ka naniniwalang gusto ka niya?”
Nagkibit-balikat siya. Nakita niya si Kaki na lumabas sa mula sa canteen at kinawayan ito. Muli niyang sinulyapan si Dani na nag-aantay ng sagot niya. She smiled, "I always doubt men like him. Too perfect.”
Umikot lang ang mga mata ni Dani sa sagot niya.
*****