05 | The Humiliation

945 Words
"The Great Depression of the thirties remains the most important economic event in American history…" Mataimtim na nakikinig si Luna habang binabasa ng guro nila ang leksyon sa Economics nang araw na iyon. Iyon ang huling klase nila sa hapon, kaya ang ilan sa mga ka-klase nila ay wala nang ganang makinig sa guro at atat nang magsipag-uwian. It's Friday and everybody's excited for the weekend. Kahit siya ay excited na rin dahil uuwi siya sa kanila, sinabi ng mommy niya na gumawa ito ng paborito niyang brownies. She couldn't wait! Ibinalik niya ang pansin sa leksyon. Nakakaramdam na rin siya ng antok pero malapit na ang exam kaya kailangan niyang magsipag sa pagno-note ng mga pointers para roon. Patuloy lang sa pagtuturo ang guro nila nang biglang may isang college student na kumatok sa nakabukas na pinto ng classroom nila. A tourism student. Kinunutan siya ng noo. Oh no. The man standing at the classroom door was the same man who gave her flower and note yesterday! Seann Ventura! "Good morning and sorry to intrude," anito saka sinuyod ang tingin sa paligid na tila may hinahanap. Nahinto ang tingin nito sa kaniya saka ngumiti. "Oh God," bulong niya. Dumagundong ang dibdib sa kaba nang pumasok ang lalaki at lumapit sa desk niya. Ang lahat ay nakasunod ang tingin dito. "Hi, Luna.” Hindi niya magawang sumagot. Bumaba ang tingin niya sa inabot na rose ni Seann na katulad kahapon ay muling may naka-rolyong note. Nang hindi niya tinanggap ang inabot sa kaniya ay ipinatong nito iyon sa desk niya. "Another rose from Boss. Please read the letter.” Hindi siya kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinulyapan niya ang matandang guro nilang si Mr. Ramirez na ibinaba ang hawak na libro saka humalukipkip. Ibinalik niya ang pansin sa lalaki, "What are you doing in my class—“ "I was instructed to deliver this to you. That's all," kinindatan siya nito saka tumalikod. Bago lumabas ng room ang lalaki ay nagpasalamat muna ito sa guro nila na tumango lang. Nang tuluyang makaalis ang lalaki ay saka narinig ni Luna ang panunukso ng mga ka-klase. She could feel her face turned red. Napayuko siya. Oh, the humiliation! "Can I have a look at the note, Miss Mayo?” Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Mr. Ramirez sa tabi niya. Nagulat siya sa bilis ng paglapit nito. Itinuro nito ang rose kung saan naka-rolyo ang note. Tumango siya, "Certainly, Sir.” Dinampot nito ang bulaklak at dahan-dahang kinuha roon ang note. At sa malakas na tinig ay binasa; 'Hear my soul speak: Of the very instant that I saw you did my heart fly at your service, there resides to make me slave to it, and for your sake Am I this patient log-man.’' William Shakepeare's The Temptest, she thought. So that was the meaning of it, huh? "Your suitor has a classic way to confess his feelings, eh?" anang guro nila na ibinalik sa desk ang note katabi ng bulaklak. Niyuko siya nito at sandaling sinuri ng tingin. Hanggang sa, "I will let this go today, Miss Mayo. But if this happens again, you and your suitor will be sent to the School Counselor's office.” Tumango siya, "I'm sorry, sir.” Tinalukuran na siya nito saka muling bumalik sa harap, "Let's continue our lesson.” ***** "Is this seat taken?” Napasinghap si Luna nang sa pag-angat niya ng tingin ay makita si Stefan bitbit ang tray ng pagkain. Sandali siyang natulala. Ngayon lang niya ito nakitang naroon sa canteen para mag-lunch, madalas itong may baon at sa classroom lang o sa roof top kumakain kasama si Kier, ang isa pa nilang ka-klase at natatanging kaibigan nito. Natauhan siya nang maramdaman ang bahagyang pagsipa ni Kaki sa paa niya sa ilalim ng mesa. She cleared her throat and forced a smile, "No, you can have this seat if... y-you want." Oh dear, why am I stuttering?! Kahit sina Dani at Kaki na nakaupo sa harap niya ay hindi rin makapaniwala sa paglapit sa kanila ni Stefan. Magda-dalawang buwan na silang magka-klase pero ni minsan ay hindi niya ito nakitang naki-halubilo sa iba maliban kay Kier. Pigil hininga siya nang maupo na si Stefan sa tabi niya at ipinatong sa table ang tray nitong may pagkain at bottled water. "Thanks. Luna, right?” Tumalon ang puso niya. Hindi niya akalaing natatandaan nito ang pangalan niya. She felt like celebrating. “Yes." Napatingin din ito kina Dani at Kaki na hindi pa rin makapaniwala. "Karina and Danilo?”     Si Dani ay napa-uklo nang marinig ang kumpletong pangalan samantalang si Kaki ay pigil na natawa.     "I hope you don't mind me sitting here with you?" anito.     Walang salitang umiling lang ang dalawa.     Umusal ito ng pasasalamat saka nag-umpisa nang kumain.     Si Luna na hindi mapakali at hindi magawang ituloy ang pagkain ay nagkomento, "Ngayon lang yata kita nakitang kumain dito sa canteen?”     Bahagya lang siya nitong sinulyapan, "My sister usually prepares my food, but she was sick this morning so... here I am.”     Tumango niya. Hindi niya maiwasang titigan ito habang abala ito sa pagsubo. Stefan was the classic tall, hunk and neat type of student. He was always silent and reserved, kaya lalo niya itong nagugustuhan.     Napangiti siya at akma na rin sanang itutuloy ang pagkain nang mula sa hindi kalayuan ay nakarinig sila ng kumosyon. Sabay na umangat ang mga tingin nila roon at nakita ang ilang college students na nasa harap ng counter at tila nagkakagulo.     She frowned, kilala niya ang ilang mga lalaking naroon.     "Wait, isn't that the Alexandros?" ani Dani, nasa tinig ang excitement. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD