04 | RD's First Move

1385 Words
"HOW did you know my name?" kunot-noo niyang tanong dito.  He shrugged, "I asked you first, didn't I?" She cleared her throat, "I wasn't stalking you. Napadaan lang ako at nakita kita. And I followed because..." "Because...?"  Bakit nga ba? Itanaas niya ang mukha at sinalubong ang mga mata nito. She opened her mouth to say something but closed it again when no words came out. Hindi niya mahanap sa isip ang tamang isasagot. Kahit siya ay nagtaka kung bakit siya naroon at sinundan ito.  Huminga siya ng malalim at walang salitang tumalikod.  "Hey, wait!" Tumigil siya at nilingon ito.  "You aren't using that spandex shorts anymore, are you?" Buhat sa sinabi nito'y napasinghap siya ng malakas, bigla siyang nakaramdam ng matinding inis sa pagpapaalala nito tungkol sa bagay na iyon. Lumingon-lingon siya at naghanap ng kung anong mahahablot sa paligid para ibato rito. Subalit wala siyang mahanap na kahit ano doon maliban sa mga nagpatung-patong na sirang desks.  Narinig niya ang malakas na pagtawa ng lalaki. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "How did you know my name?" halos pa-sigaw na niyang tanong. Tumigil sa pagtawa ang lalaki at sandali siyang pinagmasdan bago nagkibit ng balikat, "I'm not  telling you. Besides, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko." She leered at him and then turned her back.  "Oh, by the way." Muli siyang nahinto subalit hindi na nag-abalang lumingon.  "I named my cat after you. Her name is Bella." Lalong nadagdagan ang inis niya. The guy just gave her a reason to hate him! Oh, she's never been this mad to anyone before! Bago pa man sumabog ang dibdib niya sa inis ay itinuloy na niya ang paglalakad palayo roon. Subalit bago pa man siya tuluyang maka-layo ay narinig niya ang salitang binitawan nito.  "See you around, Luna Isabella!" ***** "Good morning, Luna!" masiglang bati ni Dani pag-pasok niya sa classroom nila kinaumagahan.  Subalit wala sa kaibigan ang pansin niya kung hindi sa yellow rose na nasa desk niya.  "What's this?" aniya nang damputin ang rosas. "Uh, it's a 'rose', Luna?" sarkastikong sagot ni Dani sa kaniya. Tinabihan siya nito, "There's a note, too. C'mon, read it!"  Kunot-noong tinanggal niya ang naka-rolyong note sa stem ng rose at binasa ang nakasulat doon.  Dear Luna, I have been watching you from afar for a couple of weeks now until I decided to make a move. Please expect a couple more of these in the next few days.  RD. "Wow, that's really cheesy," komento ni Kaki na nasa likod din niya at nakasilip sa note.  Nagulat siya nang agawin ni Dani ang note mula sa kaniya at binasa iyon. Ilang sandali pa'y kinunutan ito ng noo.  "R.D?" anito. "Your first admirer..." pakantang sabi ni Kaki na humila ng upuan at pumwesto sa harap niya. "RD who?" ani Dani. Balewalang binuksan ni Luna ang bag at kinuha ang notes. Wala siyang panahon sa mga ganoon. Isa pa... Napalingon siya sa likod at hinanap ng tingin si Stefan, subalit nadismaya siya nang makitang wala pa ito roon. Oh yes, he's always late... "Leave this to me, Luna. I'll find out who this person is," sabing muli ni Dani saka bumalik na sa sariling upuan.  "Thank you but I don't really care, Dani," aniya saka itinago ang rose sa ilalim ng desk niya.  ***** "Hi Luna."  Umangat ang tingin ni Luna sa Tourism student na nakatayo sa harap ng mesang ino-okupa nilang magkakaibigan sa canteen. Kasalukuyan silang naroon para kumain ng pananghalian nang bigla na lamang silang nilapitan ng lalaki. She frowned at the handsome man standing infront of them with a friendly smile on his face. Nagpunas muna siya ng bibig gamit ang tissue bago ito kinausap, "May I help you?" Sa halip na sumagot ay may inabot itong isang dilaw na rosas. "Boss wants to give you this." Nalipat ang tingin niya sa rosas na inabot nito. Iyon ang pangalawang beses na nakatanggap siya ng bulaklak at tulad ng sinabi sa sulat ay marami pang darating na ganoon sa susunod na mga araw. She released an exasperating breath. "Please tell your Boss I don't like roses," she said coldly. Napapailing na ibinalik niya ang pansin sa pagkain. Wala siyang panahon sa ibang lalaki maliban kay Stefan. "I'm really sorry, but you have to take this." Napatingin siyang muli sa lalaki, "I really want to eat my lunch peacefully. So if you don't mind?" "Sure, no problem. But before I leave, I need you to accept this rose and read the note."  She frowned at him again and then stared at the flower. Sandali niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa lalaki at sa bulaklak bago muling nagsalita, "You are very persistent." Ngumisi ito. "I know." Bahagyan na niyang narinig ang impit na tili ni Dani sa tabi niya at ang pagbulong nito sa kaniya, "Girl! That man is Seann Ventura! One of the most gorgeous students here in the university!" "Thanks," nakangising sabi pa ni Seann kay Dani. "I heard that loud and clear." Muling impit na tumili si Dani na ikina-ikot ng mga mata niya.  "Fine." Inagaw niya mula kay Seann ang bulaklak at binuksan ang note na naka-sabit sa bulaklak.  Shakespeare or Wordsworth? Tinitigan niya ng masama ang lalaki, unti-unti na siyang nakakaramdam ng iritasyon, "Pinaglololoko niyo ba ako?" Akma na sanang sasagot ang lalaki nang biglang may sumulpot sa tabi nitong tatlong lalaking pawang mga Business Management students. Dalawa sa mga iyon ay kilala niya, at iyon ay ang mga nambugbog sa dalawang Tourism students noong isang araw sa field.  Muli ay narinig niya ang impit na tili ni Dani nang makita ang mga lalaki. Of course, fan si Dani ng The Alexandros. "Seann," anang isa na medyo may kahabaan ang buhok. "We need to leave now. I got a call from Grand. pinapatawag tayo sa Dean's office."  "But Miss Luna here hasn't given me her answer," sagot ni Seann na kanina pa hindi inaalis ang tingin sa kaniya.  Ang lalaking nagsalita kanina ay sinulyapan din siya at sandaling sinuri bago nginitian. "So this is Miss Luna Isabella Mayo, huh?" He extended his hand to her, "Hi. My name is Marco and these are all my brothers." Brothers? Oh, right. That's how they call each other in a fraternity... So this man, Seann Ventura, is a member of that group, too? "And these are Raven and Jet." Sinulyapan niya ang dalawa pang naroon na siyang nakita niyang nambugbog sa Tourism students noong nakaraang araw. Pareho siyang tinanguan ng mga ito. Si Raven ay binigyan siya ng tipid na ngiti samantalang si Jet ay walang ka-emo-emosyon ang mukha.  "So, Miss Luna. What is your answer?"  Ibinalik niya ang pansin kay Seann nang muli itong magsalita.  Muli niyang niyuko ang note.  Shakespeare or Wordsworth? "What's on the letter?" si Kaki na inagaw ang note mula sa pagkakahawak niya. Napangiwi ito nang mabasa ang nakasulat doon. Huminga siya ng malalim saka pinaglipat-lipat ang tingin sa mga lalaking nasa harap. "Listen. I don't want to be rude but I honestly hate these kind of games. Tell your Boss to leave me alone, I don't have time and am not interested in any of these," aniya sabay hagis ng rose sa sahig. Saka lang niya napansin na pinagtitinginan na pala sila ng ilang mga estudyante na naroon sa canteen at nagsisibulungan. But of course— ano pa nga ba ang inaasahan niya? Ang mga lalaking nasa harapan niya ay miyembro ng pinaka-sikat na fraternity sa university nila, natural na pag-uusapan siya ng mga ito.  Oh, the embarassment... "She likes Shakespeare so that would be her answer." Napasinghap siya nang marinig na magsalita si Dani. Marahas niyang nilingon ang kaibigan at nahuli pa niya kung paano itong siniko ni Kaki.  "Thanks!" ani Seann saka muling ngumisi. "See you around, Miss Luna." Bago tumalikod ang mga ito ay tinanguan muna siya ng nagpakilalang Marco at ni Raven, samantalang si Jet naman ay isa-isa lang silang tinapunan ng walang interes na tingin. Hanggang sa tuluyang makaalis ang grupo sa canteen ay saka lang nagpakawala ng tili si Dani. Ang ilang mga estudyante roon ay nakapako pa rin ang tingin sa steel door na nilabasan ng grupo. "I could not believe it! I've spoken to the four members of The Alexandros! Oh, they were so close I could kiss them all!" "Technically, you have only spoken to Seann Ventura," sabat naman ni Kaki na itinuloy ang pagkain. "Same thing, Kaki. Each of them represents the whole group!" Nangniningning ang mga matang binalingan siya ni Dani. "The boss he was talking about might be the leader of the Alexandros. How can you be so lucky, Luna?"  Hindi na siya nag-komento pa at nagpatuloy nalang sa pagkain. She was chewing her food when she stared at the flower on the floor. She grimaced. Alexandros.. Ugh. * * * PROCEED TO THE NEXT CHAPTER >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD