03 | Bella

1607 Words
"YOU were a champion swimmer and a volleyball captain back in middle school?!" nanlalaki ang mga mata at namamanghang sambit ni Dani nang makalabas sila sa Sports Club room matapos ang registration. Sinamahan muna siya ng mga ito bago magpunta sa kani-kanilang mga chosen clubs. "Yeah," maiksi niyang tugon. "Maliban sa pagiging champion debater and orator ay nag-e-excel ka rin sa sports. Is there anything you can't do?" mangha pa ring sambit ni Dani. Ngiti lang ang ini-sagot niya rito. Nalaman ng lahat sa klase na naging champion debater din siya noong middle school nang banggitin iyon ng English teacher nila isang araw. Everyone was in awe, hindi marahil inakala ng mga ito na isa siyang achiever. They used to see her as the girl who messed up on the very first day of school, not as someone who would excel at something. "We know you're smart but we didn't know that you were a top student back in middle school," bulalas muli ni Dani na nanlalaki pa rin ang mga mata. "What can I say, I have a very supportive parents, kaya lahat ay sinasalihan ko. I didn't have friends, too, so I just focused on studying and playing sports with my brother." Pumalatak si Dani sabay iling. "What else did you do back then? Did you also join a beauty contest?" Tumango siya. "I joined last year and won." Halos matapilok ito sa narinig. "What the heck are you, Miss Perfect?!" Si Kaki ay natawa sa naging reaksyon ng kaibigan. "Why are you so shocked, Dani? Luna is tall and pretty, hindi na nakapagtatakang sumali siya sa mga ganoong patimpalak." Ibinaling nito ang pansin sa kaniya. "Don't mind him, Luna. He always wanted to join a beauty contest but he can't because, you know...” "Manahimik ka, Karina.” Inirapan ito ni Dani saka kumunyapit sa kaniya. "You are amazing, Luna. Hindi ako magtataka kung babaha ang mga manliligaw mo rito sa CSC." Muli ay sinagot lang niya ang kaibigan ng ngiti. Wala siyang pakialam sa ibang mga lalaki sa CSC, all she wanted was Stefan. "Oh my gosh, what's happening there?" Nahinto sila sa paglalakad nang magsalita si Kaki at may itinuro. Sa field ilang metro ang layo sa kanila ay may mga college students na nag-aaway. Nagsusuntukan ang mga ito sa ilalim ng arawan habang ang ilang mga college at highschool students na nakapaligid ay nag-uunahan sa pagkuha ng video gamit ang mga cellphones ng mga ito. They were all enjoying the riot. Nakita niya kung paanong halos duguan na ang mukha ng tatlong lalaking nakasuot ng Tourism uniform. Samantalang ang mga Business Management students na kalaban ng mga ito ay parang halos hindi man lang nagagalusan. At hindi niya maintindihan kung bakit wala ni isa sa mga estudyanteng naroon ang nagtangkang umawat sa mga ito. "Oh geez, are they the Alexandros?" Nasa tinig ni Dani ang excitement na ikina-kunot ng noo niya. "Alexandros?" she asked. Hindi kaagad na-sagot ni Dani ang tanong niya nang makita nilang hangos na dumating ang dalawang guwardiya ng school. Sumigaw ang mga ito bilang warning na narinig din ng mga nag-aaway kaya nagsipag-tigil. "What took those guards so long?" sabi ni Kaki, nasa mukha din nito ang pag-aalala sa mga Tourism students na napuno ng pasa at sugat ang mga mukha. Nakita nila kung papaanong pinaghiwalay ng dalawang guwardiya ang dalawang grupo at binigyan ng warning. Ilang sandali pa'y pinauna ng mga ito na maglakad ang mga estudyante at sinabihang mahinahon na pumunta sa School Counselor's office. "Busted," bulong ni Kaki. "Who are those guys, Dani?" aniya saka nilingon ang kaibigan. "Oh, the Alexandros?" Nagniningning ang mga mata nito habang nakasunod ang tingin sa mga estudyanteng dinampot ng mga guwardiya. "They are the famous fraternity group in this school. There are only eight members and half of them are from the BM department. Itinatag nila ang grupo to protect the students who get bullied. I heard that the Head Teacher who was supposed to lead the implementation of the school's Code of Conduct and Disciplinary Policy is too busy with meetings and seminars na hindi na nito halos napapansin ang mga ganitong issues sa mga estudyante nila. That's why the Alexandro's stepped up, inako nila ang pagbibigay ng leksyon sa mga nambu-bully sa school. They're just basically protecting the weak, pero naging kilala sila bilang bad boys dahil kahit ang ilang mga guro ay binabangga." Si Kaki ay napailing sa sinabi ni Dani. "Seems like you've done your homework." Kinikilig na tumili si Dani. "Eh kasi naman! Narinig kong ang po-pogi ng mga members ng grupo. I've seen them before at nakilala ko ang isa sa kanila kanina.” Muli itong tumili. "Oh my gosh, they look so cool!" "Pero sa tingin ko ay mali pa rin ang ginawa nilang pambu-bugbog," komento niya saka muling itinuloy ang paglalakad. "True, hindi rin ako pabor sa ginawa nilang iyon," sagot ni Kaki na sumunod na rin sa kaniya. Si Dani ay humabol sa kanila at hinawakan sila sa mga braso. "I'll investigate kung ano talaga ang nangyari, para mapatunayan ko sa inyo na ginagawa lang nila ang tama para sa mga estudyanteng kinakawawa dito sa school." "Ginagawa lang nila kung ano sa tingin nila na tama," aniya. Para sa kaniya ay wala pa ring karapatan ang mga itong manakit ng mga kapwa estudyante. Si Dani ay tila walang narinig, nagpatuloy ito sa pag-kwento, "I heard that all the members of Alexandros are martial arts experts, some of them are blackbelters. They also excel in different kinds of sports and are academically intelligent. Ang problema lang ay panay ang pagliban nila sa klase at hindi pinapasukan ang mga classes kapag hindi nila trip ang professor.” "Stop it, Dani, wala kaming interes sa kanila," ani Kaki. Muli ay nagtalo na naman ang dalawa dahil sa magkaibang opinyon ng mga ito sa grupo. Luna just listened to them and laughed at the disagreement when suddently, something caught her attention. Sa gilid ng Literature Department building malapit sa sport's field ng school ay may nakita siyang pamilyar na bulto, standing there as if he was looking for something. She frowned. Kilala niya ang lalaking iyon. Huminto siya sa paglalakad nang makitang umalis ang lalaki sa kinatatayuan at pumunta sa likod ng building. "What's wrong, Luna?" ani Kaki na sinundan ng tingin ang pinagmamasdan niya. "You two should go ahead, may titingnan lang ako.” Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalawa. Mabilis siyang naglakad patungo sa direksyon kung saan niya nakitang lumiko ang pamilyar na lalaki. Pagkarating niya sa likod ng Literature building ay kaagad niyang hinanap ang lalaki. Doon ay nakita niya ang mga tambak na sirang desks at sa dako pa roon ay ang kongkretong bakod na may taas na isa't kalahating metro. Sa likod ng bakod ay ang mga nagtatayugang puno ng acacia. Wow, I didn't know there's a forest behind these college buildings... she thought. "Here, Bella, here...” Kinunutan siya ng noo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Bella? Was he referring to me? Umiling siya, ang daddy lang niya ang tumatawag sa kaniya nang ganoon. "Bella, come. I brought you some food." Hinanap niya ng tingin kung saan nanggagaling ang boses ng lalaki. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makita niya ang hinahanap sa likod ng mga nakatambak na mga sirang desks; naka-yuko ito at tila may sini-silip sa ilalim ng mga naka-tambak ding malalaking mga kahon. She frowned, nagtataka siya kung sino ang kausap nito. A pet? Nakita niyang may bitbit itong canned food sa isang kamay. Nakatalikod ito sa kaniya kaya siguradong hindi nito alam na may nagmamasid dito. Akma siyang magsasalita para kunin ang pansin nito nang mula sa ilalim ng mga naglalakihang mga kahon ay may lumabas na puting pusa. Nanlaki ang mga mata niya. "There you are..." anang lalaki. Iniligay nito sa lupa ang bitbit na canned product at hinintay na lapitan iyon ng pusa. Nanatili siyang tahimik at pinagmasdan lang ito. He was the guy who gave his umbrella to her on the first day of school. The one who saw her spandex shorts! Nang maalala iyon ay bigla siyang pinamulahan ng mukha. "Good cat..." sabi pa ng lalaki habang hinihimas ang ulo ng pusa, nag-umpisa nang kainin ng alaga nito ang dala nitong pagkain. "Just be good here so no one sees you, ok?" Nanatili siyang tahimik na nakatayo roon. Ano ba ang sasabihin niya? Tama bang ni-stalk niya ito? Paano pala kung masama itong tao at bigla na lang siya nitong hilahin at dalhin sa likuran ng kongkretong bakod at gawan ng masama? Sa naisip ay bigla siyang napa-atras. She was about to turn her back when the man stood up. Muli na naman siyang natigilan. "I'll see you tomorrow, Bella," anito bago naglakad patungo sa konkretong pader. Umatras siya at itinago ang sarili sa likod ng mga nakatambak na desks para hindi siya nito makita. Oh my God, what am I doing? Sinundan niya ng tingin ang lalaki habang nakapamulsa itong naglakad patungo sa pader. Nahinto ito at huminga nang malalim, muling umatras ng ilang dipa, bumwelo at ilang sandali pa'y tumakbo patungo sa pader at tumalon. She gasped. Napatayo siya nang tuwid at sa panggilalas ay hindi niya napigilang mapasigaw, "Hey!" Ang lalaking naka-patong na sa bakod at akma na sanang tatalon sa labas ay napalingon. Nakita niya kung paanong nagsalubong ang mga kilay nito nang makita siya, hanggang sa ito’y ngumiti. Ang lalaki ay naupo sa ibabaw ng pader paharap sa kaniya at sa mapanuksong tinig ay nagsalita, "Well, well, well... Look who's here?” Ngumisi ito. "Are you stalking me, Luna Isabella?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD