Chaptet 3

1439 Words
UMUSOG ng konti si Paige mula sa pagkakadikit nila ni Gregory sa loob ng cubicle na kinaroroonan nila sa sandaling iyon. Natatakot kasi siya na baka marinig nito ang pagtibok ng puso niya dahil sa pagkakalapit nilang dalawa. Napansin naman ni Paige ang pagsulyap ni Gregory sa kanya. Napakagat na lang naman siya ng ibabang labi nang makita niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. Saglit naman siya nitong tinitigan hanggang sa inalis nito ang tingin sa kanya. "Stay here," wika naman nito sa seryosong boses. Hindi naman na siya nito hinintay na magsalita. Sa halip ay binuksan nito ang cubicle at lumabas ito do'n. Gusto naman niyang sundan si Gregory pero nanatili na lang si Paige sa loob ng cubicle at sundin ang utos nito na manatili siya do'n. Mayamaya ay narinig naman niya ang boses nito mula sa labas ng cubicle. "Where are you, Simon?" narinig niyang wika ni Gregory. Kilala naman ni Paige ang Simon na binanggit nito. Secretary iyon ni Gregory. Nang hindi siya makatiis ay sumilip si Paige sa pinto ng cubicle. At nakita niyang nakatalikod ito habang may kausap ito sa cellphone nito. "I'm here in the Men's restroom on the second floor. Come here and bring some Security Personnel," ma-awtoridad na utos nito kay Simon. Pagkatapos ay ibinaba na nito ang naturang tawag. Umalis naman si Paige mula sa pagkakasilip niya baka makita pa siya ni Gregory na sinisilip ito. Pero mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang katok mula sa labas ng kinaroroonang cubicle. "Paige, you can come out now," malamig ang boses na wika nito. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay binuksan niya ang pinto sa kinaroroonang cubicle at lumabas siya do'n. Nang mapatingin siya kay Gregory ay napansin niya ang blankong ekspresyon ng mukha nito. Tinanggal naman niya ang suot na bullcap. At gamit ang daliri ay sinuklay niya ang mahabang buhok. "Hintayin mo na natin ang pagdating nina, Simon, bago tayo lumabas," wika naman ni Gregory sa kanya sa malamig na boses. Isang tango lang naman ang isinagot ni Paige dito. Inalis naman nito ang tingin sa kanya. Pagkatapos ay nakita niyang tiningnan nito ang suot na wristwatch nito. Napansin din niya ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nito. Mulhang naiinip na ito do'n. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "I'm sorry," hindi niya napigilan na isambit. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sumulyap ito sa kanya. "Why are you saying sorry to me?" Saglit siyang hindi nagsalita. "Dahil kasama mo ako at na-istorbo kita," sagot naman niya dahilan para lalong magsalubong ang kilay nito. Sa sobrang pagkakasalubong nga ay nag-isang linya na iyon. "Mukhang may importante kang ginagawa kanina," dagdag pa na wika niya. Alam kasi niyang busy na tao si Gregory. Madami kasi itong negosyo na pinapatakbo. At Precious ang oras nito. Akmang bubuka ang bibig nito para sana magsalita nang mapahinto ito ng makarinig sila ng mahinang pagkatok mula sa labas ng restroom na kinaroroonan. Pagkatapos niyon ay bumukas ang pinto at sumilip do'n ang Secretary nito na si Simon. "Sir?" wika nito, napansin naman niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito nang mapatuon ang tingin nito sa kanya. Halos palipat-lipat din ang tingin nito sa kanya at kay Gregory. Sa sandaling iyon ay hindi naman niya napigilan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa hiyang nararamdaman. Baka kasi may iniisip itong ginawa nilang dalawa ni Gregory. Lalo na at nasa Restroom silang dalawa. "Simon," ma-awtoridad na tawag ni Gregory sa pangalan ng lalaki. Tumuon naman ang tingin ni Simon sa Boss nito. "Sir?" "May kasama ka bang Security Personnel?" tanong nito. Tumango naman si Simon. "Yes, Sir," sagot naman nito. Hindi naman na sumagot si Gregory dito. Sa halip ay tumingin ang malamig na mata nito sa kanya. Pilit naman niyang sinasalubong ang titig nito sa kanya. "Let's go?" yakag na nito. Kinagat naman niya ang ibabang labi nang makita niyang nauna nang lumabas si Gregory sa Restroom na kinaroroonan nilang dalawa. Sinuot muli niya ang bullcap sa ulo niya. She took a deep breath and then she follow him. Paglabas nga niya ay may nakita siyang tatlong Security Personnel sa labas. Nang makita siya nang mga ito ay agad siyang pinalibutan. Siguro ay utos na din ni Gregory iyon. Nang mag-umpisang naglakad si Gregory ay nag-umpisa na din siyang naglakad. Nanatili siyang nasa likod nito. Gusto naman niya itong tabihan mula sa paglalakad pero mas pinili na lang niyang nasa likod nito. At least sa posisyon nila ay malaya niyang napagmamasdan ang malapad na likod nito. Maganda talaga ang pangangatawan ni Gregory. He is dayum hot. Wala ngang panama ang mga kilala niyang modelo at mga actor dito. Six pack-abs nga lang nito ay pamatay na. Nakita na kasi niya iyon minsan noong nag-family outing silang magpapamilya. Pwede-pweee nga itong maging modelo pero alam naman niyang ayaw nito. Ayaw kasi nito sa limelight. Ayaw nga din nito sa propesyon na pinili niya. Mayamaya ay napansin ni Paige na napapalingon sa gawi nila ang ilang nakakasalubong nila. Napansin din niya na inilalabas ng mga ito ang cellphone at kinukuhanan sila ng pictures at video. At mukhang napansin din iyon ni Gregory dahil bumaling ito sa kanya. At hindi na naman niya napigilan ang pagtibok ng mabilis nang puso ng magtama ang mga mata nilang dalawa. As usual, nakakunot na naman ang noo nito. Well, sanay naman na si Paige do'n. Kasi kapag kasama niya ito ay ganoon lagi ang ekspresyon ng mukha nito na para bang hindi ito masaya na kasama siya. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot sa isiping iyon. Ipinilig na lang naman niya ang ulo para ma-alis iyon sa isip niya. Mayamaya ay nakita niyang hinubad nito ang suot nitong Tuxedo. At napahinto siya sa paglalakad ng ilagay nito iyon sa ulo niya para italukbong. At sa sandaling iyon ay trumiple ang t***k ng puso niya sa ginawa nito. "Let's go?" he said in a cold voice. Nagpatuloy naman na sila sa paglalakad. At sa pagkakataong iyon ay wala na sa unahan si Gregory, kundi nasa tabi na niya. Amoy na amoy nga din niya ang mabangong amoy nito sa tuxedo na nasa ulo niya. Pakiramdam nga din niya sa sandaling iyon ay yakap siya ni Gregory. And she love the feelings. Hindi tuloy niya maiwasan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Para ding biglang bolang naglaho iyong kirot na naramdaman ng puso niya kanina. Sa Fire Exit naman sila dumaan kaya nakalabas sila agad ng walang masyadong nakakapansin sa kanila. Inalis naman niya ang tuxedo nito na nasa ulo niya at hinarap ito. "Thank you, Greg," wila niya dito nang magtama ang mga mata nila. Hindi naman nagbigay ng komento si Gregory sa sinabi niya. Nagpakawala lang naman siya ng buntong-hininga. "S-sige. Dito na lang ako," wika niya sabay abot sa Tuxedo nito na hawak niya. Kinuha naman nito iyon at hindi sinasadyang nagdikit ang kamay nila. Sa simpleng pagdidikit ng kamay nila ay may naramdaman siyang parang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan. At alam niyang naramdaman din nito iyon dahil napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa kamay nilang magkadikit. Bumaling naman siya kay Simon at sa Security Personnel na kasama nila. "Thank you for helping me," pasasalamat niya sa mga ito. Ngumiti lang naman ang mga ito sa kanya. Muli naman niyang sinulyapan si Gregory. "Bye," paalam niya sabay taas pa ng kamay para kumaway. Akmang maglalakad na siya paalis ng mapahinto siya ng marinig niya ang boses nito. "Where are you going?" tanong nito sa kanya. Nilingon naman niya ito. "Uuwi na," sagot naman niya. Pinagdikit naman niya ang ibabang labi nang makita ang pagsalubong ng mga kilay nito. "You bring your car?" he asked her. She nodded. "Where?" "S-sa parking lot," sagot niya. "Your car key," wika nito sabay lahad ng isang kamay nito sa harap niya. "Akin na," wika naman nito ng hindi pa siya kumikilos. Nagtataka man ay ibinigay naman niya ang car key niya dito. Pagkatapos ay inabot naman nito ang car key niya kay Simon. "Ikaw na ang magmaneho ng kotse niya," utos nito kay Simon. Pagkatapos ay muli itong sumulyap sa kanya. "And you, come with me," wika nito. Akmang bubuka ang bibig niya para sana magsalita ng mapatigil siya ng magsimula na itong maglakad paalis. Hindi naman siya agad nakakilos mula sa kinatatatuan. At mukhang naramdaman nito iyon dahil huminto ito sa paglalakad at nakakunot ang noo na nilingon siya nito. "Coming!" wika naman niya sabay lakad-takbo ang ginawa para makalapit siya kay Gregory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD