"ASUNTA, idlip lang ako saglit. Gisingin mo na lang ako kapag mag-u-umpisa na ang taping," wika ni Paige sa assistant niyang si Asunta ng balingan niya ito sa kanyang tabi. Nasa set na siya kung saan gaganapin ang taping nila sa movie na pinagbibidahan niya. Medyo napaaga sila ng dating sa call time nila. At nag-aayos pa ang buong crew sa set. On the way pa nga din ang ibang actor and actress na kasama niya sa movie.
Nakangiting tumango naman si Asunta. "Okay po, Miss Paige," sagot nito sa kanya.
Nginitian lang din naman niya ito. Pagkatapos ay sumakay na siya sa Van niya. Well, kapag may taping siya ay Van ang ginagamit niya. Customized Van kasi iyon. Pina-customized niya iyon for her own convenience. Kasi sa klase ng trabaho niya ay kung minsan ay madaling araw na natatapos. At kung minsan pa ay malayong lugar sila nagti-taping. At hindi na niya kaya ang antok kaya minsan ay nakakatulog na siya sa biyahe. At para namang maging komportable siya ay pina-customized niya iyon. May bed nga sa loob ng Van na pwede niyang higaan kapag gusto niyang matulog o kapag hindi siya ang nakasalang sa taping ay pwede siyang magpahinga do'n.
Pagpasok naman ni Paige sa loob ng Van ay agad siyang humiga do'n. Inaantok kasi siya, hating gabi na din kasi natapos ang taping nila at maaga pa siyang nagising dahil maaga din ang call time niya. Ganoon naman talaga sa showbiz. Kung minsan nga ay halos buong magdamag ang trabaho kaya buong magdamag din siyang gising. Bumabawi na lang siya sa pagtulog kapag wala siyang taping or TV and mall show.
Pagpikit naman ni Paige ay agad siyang nakatulog. At naalimpungatan lang siya nang maramdamang may yumuyogyog nang mahina sa balikat niya.
"Miss Paige, gising na po," wika ng pamilyar na boses.
Nagmulat naman siya ng mga mata. At sa pagmulat ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Asunta.
"Mag-uumpisa na ba?" medyo groggy pa ang boses na tanong niya ng magtama ang mga mata nila.
Tumango naman ito. "Yes po, Miss Paige," sagot nito.
Nang marinig niya ang sagot nito ay bumangon siya mula sa pagkakahiga niya. Inayos din niya ang nagulong buhok niya. At mayamaya ay napatuon ang tingin niya sa customized table nang makitang may nakapatong do'n na isang paper bag.
"Ano iyan?" tanong naman niya kay Asunta.
Napansin naman niya ang pagsunod ng tingin nito sa tinitingnan niya. "Oh," sambit naman nito. Pagkatapos ay kinuha nito ang paperbag at inabot sa kanya. Nagtatakang kinuha naman niya iyon.
"Dumaan po dito si Simon," wika sa kanya ni Asunta. "Inabot po niya iyan sa akin. Ibigay ko daw po sa inyo," dagdag pa na wika nito.
Hindi naman napigilan ni Paige ang mapakunot nang noo sa sinabi nito. Paano nalaman ni Simon kung nasaan siya sa sandaling iyon? Eh, hindi naman nito alam ang schedule ng taping niya.
At mukhang nabasa ni Asunta kung ano ang iniisip niya dahil nagsalita ito. Napansin din niya na nagkamot ito ng ulo.
"Pasensiya na po, Miss Paige. Tumawag po kasi siya sa akin. Tinanong ako kung nasaan po kayo kaya sinabi ko po," wika nito. "Sakto din po na malapit lang siya kung nasaan tayo," dagdag pa na wika nito.
Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito habang nagpapiwanag ito sa kanya. She smell something fishy about her assistant and Greg's Secretary.
"It's okay," sagot naman niya dito. Inalis naman niya ang tingin kay Asunta at inilipat niya iyon sa paperbag na hawak. Nagpaalam naman na sa kanya si Asunta. At nang makababa ito sa Van ay binuksan niya paperbag para tingnan kung ano ang laman niyon.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Paige nang makita ang laman. Excited din siyang kinuha ang laman niyon. It was her favorite book. Hindi siya nakabili noong release niyon dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari.
"Sa wakas may copy na din ako," pagkausap naman niya sa sarili habang may ngiti siya sa kanyang labi.
Gustong-gustong talaga niya na magkaroon siya ng copy niyon. At gusto din niyang mabasa na agad iyon. Kung wala lang siyang taping ay baka inumpisahan na niya iyong basahin.
Mayamaya ay kinuha ni Paige ang cellphone niya para tawagan si Simon para pasalamatan ito. Alam din naman kasi niya ang numero nito dahil binigyan siya nito ng calling card noong unang beses silang nagkita na dalawa.
Dalawang ring naman ay sinagot agad nito ang tawag niya.
"Hello, Miss Paige," bati nito sa kanya mula sa kabilang linya.
"Hi, Simon," bati din niya dito.
"Napatawag po kayo?" tanong nito.
"Gusto ko lang sana na magpasalamat do'n sa libro na ibinigay mo sa akin," wika niya dito.
"Oh, huwag po kayo sa akin magpasalamat, Miss Paige. Sinunod ko lang naman ang utos sa akin ni Sir Gregory," wika nito sa kanya.
Pagkabanggit naman nito sa pangalan ni Gregory ay hindi niya napigilan ang pagtibok ng mabilis ng puso niya. "What...do you mean?" she asked him.
"Inutusan po ako ni Sir Gregory na ibigay po iyan sa inyo," ulit na wika nito.
"Oh," sambit naman niya. Tumaas din ang isang kamay niya para sapuhin ang dibdib niya dahil sa lakas ng t***k niyon. "Ganoon ba?"
"Yes, Miss Paige."
"Hmm...are you with him?" mayamaya ay tanong niya.
"Nasa loob po siya ng office niya," sagot naman nito.
"Okay. I call him na lang," sabi naman niya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya kay Simon.
Nang maibaba niya ang tawag ay biglang nagdalawang isip siya kung tatawagan ba niya si Gregory o hindi. Pero mayamaya ay napagpasyahan niyang tawagan ito sa personal number nito. She wanted to thank him. Noong inihatid kasi siya nito sa condo noong nakita siya nito sa Mall na mag-isa ay tinanong siya nito ano ang bibilhin niya do'n kung bakit siya nagpunta. Sinabi naman niya. Hindi naman ito umimik ng sagutin niya ito. At hindi din niya sukat akalain na binilhin nito iyon para sa kanya. And to be honest, she was touched.
Pero ring lang nang ring ang cellphone ni Gregory. Hindi nito sinasagot kaya napagpasyahan niyang i-end call na lang iyon.
Hindi naman niya alam kung busy ito o sadyang ayaw lang nito na sagutin ang tawag niya.
Nagpakawala na lang naman siya ng malalim na buntong-hininga. Saglit mo na siyang nanatili do'n hanggang sa bumaba siya ng Van. Naabutan naman niya si Asunta sa labas ng Van.
Lumapit naman ito sa kanya para ayusan siya. Asunta was her Assistant s***h Make-up artist s***h Hair stylist. Gusto kasi niya sa isang Assistant ay iyong marunong nang lahat. At pasok si Asunta do'n. And she's good at her work.
Saktong matapos ito ay ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na hawak niya. At nang tingnan niya iyon ay nakita at nabasa niya na si Gregory ang tumatawag sa kanya.
Saglit mo na siyang nakatitig do'n bago niya sinagot ang tawag nito.
"Hello?" wika niya mula sa kabilang linya.
"Why did you call?" agad naman nitong tanong sa kanya.
"Hmm...nasabi kasi sa akin ni Simon na inutusan mo daw siya para ibigay sa akin iyong libro," wika niya. "Gusto ko sanang magpasalamat sa 'yo," pagpapatuloy na wika niya.
"You don't have to thank me. Ginawa ko iyon para hindi mo na ulitin ang ginawa mo noong nakaraang araw," wika nito sa kanya sa baritonong boses. "Because of what you did. Muntik ka nang mag-cause ng trouble sa loob ng mall," wika naman nito sa kanya. "What if may accident na nagyari sa biglang pagpunta mo do'n? You're an actress hindi mo maiwasan ang magiging behaviour ng mga tao kapag nakita ka nila. Paano kapag may nasaktan?" dagdag pa na wika nito.
Kinagat naman niya ang ibabang labi ng makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot sa sinabi nito. Kulang na lang kasi ay sabihin nito sa kanya na hindi siya nag-iisip. Na pumunta siya do'n na mag-isa. Isa siyang actress, natural din na ganoon ang maging reaksiyon ng mga fans niya lalo na kapag nakita ng mga ito ang iniidolo ng mga ito.
"I'm...sorry," hingi naman niya ng paunmanhin dito. "H-hindi ko naman intensiyon na manggulo do'n," dagdag pa na wika niya, halos pabulong lang din iyon pero alam naman niya na narinig nito.
Wala naman siyang narinig na salita mula dito. Tanging buntong-hininga lang naman nito ang naririnig niya. "Hmm...s-sige pala, Greg. Tinatawag na ako ni Direk,"mayamaya ay wika niya dito kahit na hindi naman siya tinatawag. Kasabay naman ng pagbaba niya ng tawag ay ang pagpatak ng isang butil ng luha sa kanyang mata.
Mabilis namang pinunasan ni Paige iyon sa kanyang pisngi.