Chapter 2

1823 Words
KINUHA ni Paige ang bullcap na nakapatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse niya. Pagkatapos niyon ay isinuot niya iyon sa kanyang buhok. Binuksan din niya ang kanyang bag at kinuha niya ang itim na mask at isinuot din niya iyon. Tiningnan naman niya ang hitsura sa rearview mirror kung makikilala pa ba siya sa hitsura at ayos niya sa sandaling iyon. Hindi naman na siguro siya makikilala kung hindi niya aalisin ang mask at ang suot niyang bullcap.  Inalis na ni Paige ang tingin sa rearview mirror. Pagkatapos niyon ay bumaba na siya ng kotse at naglakad na papasok sa loob ng isang malaking Mall.  Yumuko si Paige nang may makakasalubong siyang ilang kabataan. Kahit na ganoon ang ayos niya ay gusto pa din niyang mag-ingat. Iniiwasan kasi niyang makilala siya ng ibang tao dahil ayaw niyang kuyugin siya. Gusto niyang mag-mall ng tahimik.  Nang tuluyang mawala sa harap niya ang mga kabataan ay muli niyang inangat ang mukha at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa loob ng Mall.  May gusto kasing bilhin si Paige kaya nagpunta siya sa Mall. At gusto niyang siya ang personal na bumili ng gusto niyang bilhin. Ayaw niyang ipabili iyon sa personal assistant niya. And she wanted to go to the Mall alone. Simula noong naging artista siya ay hindi na siya nakakapunta ng Mall na mag-isa. Nakakapunta lang siya do’n kapag may Mall tour siya. At napapalibutan pa siya ng bodyguard dahil dinudumog siya ng mga fans niya.  Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi, matagal na simula noong makagala siya ng mag-isa. Nagpatuloy na din siya sa paglalakad. Sumakay siya sa eskalator patungo sa second floor nang nasabing mall.  At mayamaya ay napatigil si Paige sa paglalakad nang makita niya kung sino ang makakasalubong niya patungo sa dereksiyon niya. Hindi din niya napigilan ang manlaki ang mga mata.  Walang iba kundi si Gregory Rivas! He was busy talking to his collegue while walking. He was wearing his Black Tuxedo at sa loob niyon ay puting long sleeve.  Hindi naman inaasahan ni Paige na makikita niya ito do’n. Well, pag-aari nito ang Mall kung nasaan sila. Isa lang iyon sa negosyo ni Gregory, maaring naroon ang lalaki dahil binibista nito ang negosyo nito.  Gusto naman niyang iwasan ang mga ito sa sandaling iyon. Pero malapit na ang mga ito sa dereksiyon niya. Nagpakawala na lang si Paige ng malalim na buntong-hininga. Inayos niya ang suot na bullcap at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Yumuko siya ng tuluyang nakadaan si Gregory sa dereksiyon niya. At doon lang siya nakahinga ng maluwag. Kanina pa pala niya pinipigilan ang hininga niya.  Huminto ulit si Paige sa paglalakad at nilingon ito. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang nakahinto si Gregory sa paglalakad at nakalingon din ito sa dereksyon niya!  Napansin din niyang huminto din ang mga kasama nito at nakalingon din ang mga ito sa tinitingnan ni Gregory. Mabilis naman niyang inalis ang tingin dito at nagpatuloy siya sa paglalakad. Halos lakad-takbo nga ang ginagawa niya. Hindi din niya napigilan ang pagtaas ng isang kamay patungo sa kaliwa niyang dibdib nang maramdaman niya ang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso. Hindi naman siya tumakbo ng mabilis para ganoon ang t***k ng puso niya.  Nang tuluyan siyang nakalayo sa mga ito ay sumandal siya sa pader. Nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sariling puso.  At nang medyo bumalik na sa normal ang t***k ng puso niya ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Dumiresto siya sa isang kilalang bookstore na nasa loob ng Mall.  Pagpasok niya sa nasabing bookstore ay humakbang siya sa shelves kung saan naka-display ang mga romance book. Release kasi ng paborito niyang series book noong nakaraang araw pa. Book worm kasi si Paige. Mahilig siyang magbasa ng mga romance book. Well, she was Hopeless Romantic, too.  Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang kanyang hinahanap. Kumuha siya nang isa. Itinaas niya bahagya ang suot na bullcap para mabasa niya nang maayos ang blurb na nasa likod ng libro.  Mayamaya ay naramdaman ni Paige na may tumabi sa kanyang mga teenager. At gaya niya ang tumitingin din ang mga ito ng libro. Hindi naman niya pinansin ang mga ito dahil ang atensiyon niya ay nakatutok sa binabasa niyang libro.  Mayamaya ay nag-angat si Paige ng tingin sa dalawang teenager na nasa tabi niya nang marinig niyang nagbubulungan ang mga ito. At nakita niyang titig na titig ang dalawa sa kanya.  “Miss Paige Celeste?” wika nang isa habang titig na titig sa kanya. Mukhang nakilala siya nito. Gusto naman niyang ikaila iyon pero ayaw naman niyang magsinungaling sa mga ito.  Tumango na lang siya bilang sagot. Itinaas din niya ang kamay para kawayan ang mga ito. “Hi.”  Sumilay ang ngiti sa labi ng dalawa. “Fan niyo po kami,” wika nang isa habang matamis ang ngiting nakapaskil sa labi ng mga ito, para din itong kinikilig. “Pwede po pa-picture?” mayamaya ay request nito sa kanya.  Wala naman siya nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Ayaw niyang tumanggi dahil baka isipin ng mga ito na snob siya. Agad namang inilabas ng isang teenager ang cellphone nito at ibinigay iyon sa kasama nito. Pagkatapos ay tumabi ito sa kanya. Hindi naman siya pwedeng magpa-picture dito na ganoon ang ayos kaya binaba niya bahagya ang mask na suot at tinanggal din niya ang suot na bullcap. Inayos din niya ang nagulong buhok at saka siya humarap sa camera.  “Ako din,” excited din na wika ng may hawak na camera. Agad nitong inabot iyon sa kasama at nagpa-picture din sa kanya.  “Thank you, Miss Paige,” halos sabay na pasasalamat ng dalawa sa kanya.  Napatingin naman si Paige sa paligid. At napansin niyang nakatingin na sa dereksiyon niya ang ilang customer na naroon sa loob ng nasabing bookstore.  Mabilis naman niyang inayos ang pagkakasuot ng kanyang facemask at isinuot din niya ang bullcap niya.  “I have to go,” wika niya sa dalawa nang mapansing lumalapit na sa kanya ang nakakita sa kanya. Iniwan na din niya ang hawak na libro. Babalikan na lang niya iyon.  “Miss Paige!” narinig niyang tawag sa pangalan niya.  “Si Miss Paige Celeste!”  Hindi niya pinakinggan ang mga tumatawag sa pangalan niya. Halos lakad-takbo ang ginawa niya dahil ayaw niyang makaagaw ng atensiyon. Yumuko din siya para hindi siya makilala. Nang subukan niyang lumingon sa kanyang likod ay nakita niyang may nakasunod pa sa kanya.  Nagpatuloy siya sa paglalakad. Halos tumakbo na siya. Lumiko siya sa kaliwang bahagi nang Mall. Akmang papasok siya sa loob ng Women’s restroom nang makita niyang maraming tao do’n. Muli niyang isinara ang pinto. Hindi naman niya alam kung saan siya pupunta para magtago. Hanggang sa may mainit na kamay na humawak sa braso niya at hinila siya papasok sa loob ng Men’s restroom.  Akmang sisigaw si Paige nang mapatigil siya ng makilala niya kung sino ang humila sa kanya. Hindi din niya napigilan ang manlaki ang mga mata habang titig na titig siya sa lalaki.  “G-greg?” sambit niya sa pangalan ng humila sa kanya.  Dumako naman ang malamig na titig nito sa kanya. He is expressionless. Bubuka sana ang bibig nito para magsalita ng mapahinto ito ng maramdamang may humawak sa seradura ng pinto sa labas ng Men’s Restroom.  Mabilis ulit siyang hinila nito papasok sa isang cubicle. Lalo ulit nanlaki ang mga mata niya dahil halos dikit na dikit ang mga katawan nila. Masikip kasi sa loob ng cubicle at malaking bulas ang lalaki. Dumikit nga ang mukha niya sa matitipunong dibdib nito. At amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito. And she like his smell.  Nag-angat siya ng mukha and it was wrong move dahil nakayuko pala ito sa kanya. Agad na nagtama ang mga mata nila. “G-greg-- Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng senyasan siya nito na huwag maingay. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa labas ng pinto. Sinundan naman niya ang tinitingnan nito. At mayamaya ay nakarinig siya ng kaluskos na nanggaling sa labas ng cubicle.  “May artista daw na nakita dito sa Mall,” narinig nila na wika mula sa labas ng cubicle.  “Sino?”  “Si Paige.”  Kinagat naman niya ang ibabang labi nang marinig niya ang pangalan na binanggit ng kung sino man ang nasa labas ng cubicle.  “Si Paige Celeste?”  “Oo,” sagot naman ng kasama.  “My god. Idol ko iyon,” wika naman nang isa.  “Labas na tayo. Baka makita pa natin siya.”  Mayamaya ay nakarinig sila ng mga yabag. At ang pagbukas-sara ng pinto.  Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga.  “Paige?” Nag-angat naman siya ng tingin patungo kay Greg nang tawagin nito ang pangalan niya. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang nakatitig siya sa mga mata nito. Parang may magnetiko na naghihila sa kanya para makipagtitigan dito. Hindi kasi niya maalis-alis ang titig niya sa itim na mga mata nito. At habang nakatitig siya do’n ay halos nag-iba ang t***k ng puso niya. “Hey,” untag nito nang hindi pa din siya nagsasalita.  Napakurap-kurap ulit siya ng mga mata. “B-bakit?” tanong niya, lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal.  “What are you doing here... alone?” tanong nito sa seryosong boses. Napansin din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito.  She bit her lower lips. Napansin niyang bumaba ang tingin nito sa labi niya. Nakita din niya ang paggalaw ng adams apple nito.  “A-ano kasi..” tumikhim siya. “May gusto kasi akong bilhin,” sagot niya dito.  Lalong nagsalubong naman ang kilay nito sa sagot niya. “Hmm.. Greg,” mayamaya ay wika din niya, may naalala kasi siyang itanong dito.  “What?”  “Paano mo pala alam na nandito ako?” tanong niya dito. Bigla na lang kasi itong sumulpot kanina para tulungan siyang magtago. Ang akala kasi niya ay tuluyan na itong umalis kasama ang mga kasamahan nito noong makasalubong niya ang mga ito kanina.  “I recognize you earlier,” simpleng sagot nito.  Napakurap-kurap ulit siya ng mga mata habang nakatitig siya dito. “Nakilala mo ako kahit na naka-sombrero at naka-mask na ako?” hindi makapaniwalang tanong niya.  “Yes,” he simple said in a baritone voice.  “Seriously-- Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin nang idikit nito ang hintuturo nitong kamay sa labi niya. “Keep quiet,” wika nito sa kanya sabay tingin sa labas ng cubicle. Mayamaya ay nakarinig na naman silang dalawa ng pagbukas-sara ng pinto at mga boses mula sa loob.  Pero wala do’n ang atensiyon ni Paige sa sandaling iyon. Ang atensiyon niya ay nasa gwapong mukha nito at ang malakas na t***k ng puso niya sa sandaling iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD