Chapter 6

1730 Words
MAKALIPAS ng ilang minuto ay nagyaya na ang mga magulang nila Paige na umalis na. Nakita din niyang nagsitayuan na din ang mga ito mula sa pagkakaupo sa harap ng table. Akmang tatayo na din si Paige nang hindi sinasadyang nahulong ang slig bag niya sa sahig. She's being clumsy again. "Oh," sambit naman niya. Akmang yuyuko siya para pulutin iyon ng mapahinto siya ng unahan siya ni Gregory, ito ang pumulot sa nahulog niyang bag. "Here," wika nito sa baritinong boses sabay abot sa sling bag niya. Kinuha naman ni Paige iyon. "Thanks," wika niya sa halos pabulong lang na boses. Halos hindi din siya makatingin ng derestso sa mga mata nito sa sandaling iyon dahil sa naging pag-uusap nila kanina ng sundan siya nito ng magpunta siya sa restroom. Pero ramdam niya ang paninitig nito sa kanya. Nang makabalik silang dalawa sa private room kung nasaan ang parents nila ay halos wala silang imikan na dalawa. Magsasalita lang sila kung kinakausap sila ng parents nila. Nagpasalamat naman siya dahil walang nakakapansin sa kanilang dalawa. Tumayo naman na si Paige mula sa pagkakaupo niya. Mula din sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang pagtayo din ni Gregory. Nang makita niyang humakbang na ang mga magulang nila palabas ay humakbang na din siya. Naramdaman naman niyang nakasunod si Gregory mula sa likod niya. "Dala mo ba ang sasakyan mo, Paige?" mayamaya ay tanong ng Mama niya sa kanya ng makalabas sila ng private room na kinaroroonan. "Yes po, Ma," sagot niya sa magalang na boses. "Akala ko hindi mo dala. Isasabay ka na sana namin," wika nito. "Dala ko po," wika naman niya. Pagkatapos ay sabay-sabay na silang naglakad. Pero napahinto sila sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ni Gregory. "Gregory?" Sabay naman silang napalingon sa kanilang likod. At nakita nila ang isang nakangiting babae na nakatitig kay Gregory. Maganda at sexy ang babae at sa tantiya niya ay pareho sila ng edad. Hindi naman niya kilala ang babae. "Oh, ikaw nga," nakangiting wika nito habang nakatingin ito sa lalaki. "Ynah," wika naman ni Gregory sa pangalan ng babae. Mukhang magkakilala ang dalawa. "So, hi," bati ng babae na tinawag na Ynah ni Gregory. "Hi," bati din ni Gregory dito. Pasimple naman niyang kinagat ang ibabang labi ng makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot dahil sa selos na biglang lumukob sa puso niya. Kapag sa ibang tao, mainit ang pagtanggap ni Gregory. Pero kapag siya, napakalamig pa sa yelo. He is cold like an ice. Lagi pang magkasalubong ang mga kilay nito kapag kasama at kausap siya. Mayamaya ay narinig naman niya ang pagtikhim ng Papa ni Gregory. "Oh, anyway, Ynah. This is my family," mayamaya ay pagpapakilala ni Gregory sa babae sa pamilya nito. "Hello po," magalang naman na bati ni Ynah. "And this is, Paige Celeste and her family," pagpapakilala naman nito sa magulang niya at sa kanya mismo. Napansin naman ni Paige ang pamimilog ng mga mata ni Ynah ng tumuon ang tingin nito sa kanya. Mukhang nakilala siya nito. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm a fan," nakangiting wika nito sa kanya. Tinanggap naman niya ang nakalahad na kamay nito. "Thank you and nice meeting you," wika naman niya sa babae. Isang matamis naman na ngiti ang isinagot nito sa kanya. "Ma, Pa. And Tito at Tita. Mauna na kayo. May pag-uusapan lang kami ni Ynah," mayamaya ay wika ni Gregory. Pinagdikit naman ni Paige ang mga labi sa narinig. Mukhang gusto pa nitong makasama ang babae. Ano kaya ang relasyon ng dalawa? They seem so close. Napansin naman niya ang paninitig ng Mama ni Gregory sa kanya kaya kahit na nagsesekos ay hindi pa din niya inaalis ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang tinitingnan nito ang reaksiyon niya. "Okay," sagot naman ni Tito Nathaniel. "Let's go, Paige," yakag naman na sa kanya ni Tita Nancy. "Sige po," wika naman niya. Tumingin naman siya kay Ynah. "Mauna na kami," paalam niya dito. Pagkatapos ay tumingin siya kay Gregory na ngayon ay nakatingin sa kanya. She smile at him and then she bid her goodbye. Tumango lang naman ito bilang sagot. Humakbang naman na sila palabas ng nasabing restaurant. "Paige, anak. Kapag may free time ka. Pasyal ka din sa bahay," wika ng Mama niya sa kanya. "Opo, Ma," sagot naman niya. Pinauna naman niyang pasakayin ang mga ito. Nang tuluyan makaalis ang kotse ng mga ito ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Saglit naman siyang sumulyap sa nasabing restaurant kung nasaan pa si Gregory at si Ynah bago siya humakbang patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya. At sa halip naman na paandarin iyon ay tumaas ang isang kamay niya patungo sa kaliwang dibdib niya para haplusin iyon ng hanggang ngayon ay nakaramdam pa din iyon ng bahagyang kirot. Hindi din niya namalayan ang pagpatak ng luha sa kanyang mata. To be honest, she was hurting. Napagpasyahan niyang manatili pa do'n. Ayaw niyang magmaneho na ganoon ang nararamdaman. Mahirap na baka ma-disgrasya siya o maka-disgrasya pa siya. She love her life. Mayamaya ay napaigtad siya ng may kumatok sa bintana ng kotse niya. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya si Gregory na nakatayo sa gawi ng driver seat. What is he doing here? tanong naman niya sa isipan. Mabilis naman niyang pinunasan ang luhang namalibis sa pisngi niya ng muling katukin ni Gregory ang bintana ng kotse niya. Mabuti na lang at tinted iyon. Hindi siya nito nakikita mula sa loob. Siniguro mo na ni Paige na walang luha sa pisngi niya bago niya ibinaba ang bintana. Napansin naman niya ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatitig sa kanya. "B-bakit?" tanong niya dito nang magtama ang mga mata nila. "Why are you still here?" tanong nito sa halip naman na sagutin siya. Mabilis naman siyang nag-isip ng i-a-alibi dito. Hindi kasi niya pwedenh sabihin ang totoong dahilan kung bakit naroon pa siya hanggang ngayon. "Medyo kumirot lang ang ulo ko," sagot naman niya. Tumaas din ang isang kamay niya para sapuhin ang ulo niya. Mabuti na lang at magaling siyang umarte, napaniwala niya ito. Napansin naman niyang lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Sa sobrang pagsasalubong ay nag-isang linya iyon. Mayamaya ay binuksan ni Gregory ang pinto sa may driver seat. "Baba ka," wika nito sa kanya sa seryosong boses. "Ha?" Inulit naman ni Gregory ang sinabi. His forehead still knotted. Kahit nagtataka man ay bumaba siya ng kotse. "B-bakit, Greg?" tanong niya ng tuluyan siyang nakababa ng kotse. "Hatid na kita sa condo mo," wika naman nito sa seryosong boses. Umiling naman siya. "Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko," wika niya dito. Ayaw niyang magpahatid dahil ayaw niya itong istorbohin. "No buts and if, Paige. Ihahatid kita. And that's final," wika nito sa kanya sa mariing boses. "Pero si Yna?" "What about her?" tanong naman nito. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "Hindi...ba mag-uusap pa kayo?" wika niya. "Ayoko naman na maka-istorbo," dagdag pa niya. "We're done talking," simpleng sagot naman nito. "Oh," sambit naman niya. Mayamaya ay napaigtad siya ng hawakan siya nito sa likod ng siko. Naramdaman na naman niya ang pamilyar na boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan. "Let's go?" yakag na nito. Inalalayan na siya nito na humakbang palapit sa gawi ng passenger seat. Binuksan nito at pinto do'n. "Hop in," utos nito sa kanya. "P-paano ang kotse mo?" tanong naman niya dito sa halip na sumakay siya sa loob. "Babalikan ko na lang. Sakay ka na," wika nito. Saglit mo na siyang napatitig dito bago naman siya sumakay ng kotse. Nang makita siya nitong nakasakay na ay maingat nitong isinara ang pinto at humakbang ito sa gawi ng driver seat at sumakay na ito ro'n. "Fasten your seatbelt, Paige." Mabilis naman niyang isinuot ang seatbelt niya. At nang makita nito iyon ay pinaandar na nito ang kotse paalis sa lugar na iyon. Wala naman silang imik na dalawa habang nasa biyahe sila. Isinandal naman niya ang ulo sa headrest ng upuan at tumingin siya sa labas ng bintana. Hindi din niya maiwasan ang mapaisip sa kinikilos ni Gregory sa sandaling iyon. Kung minsan ay nakikitaan niya ito ng pag-alala pero minsan din ay parang wala din itong pakiaalam sa kanya. Naisip niya na baka nagi-guilty ito sa sinabi nito sa kanya kanina at gusto nitong makabawi. Nagpakawala na lang si Paige ng malalim na buntong-hininga. Ipinikit din niya ang mga mata at sa pagpikit niya ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. At naalimpungatan lang siya mula sa pagkakatulog ng makarinig siya ng pagtunog ng ringtone ng cellphone. Kinusot-kusot naman niya ang mga mata. "Your awake already?" Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang boses na iyon ni Gregory. At nang tumingin siya sa gilid niya ay nakita niya ito do'n. Napansin din niya na nakahinto na ang kotse sa tapat ng condo niya. Napansin din niya na naka-reckline ang passenger seat para siguro maging komportable siya sa pagkakatulog niya. Napatingin din si Paige sa oras sa kotse niya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang oras. "B-bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya dito. Base kasi sa oras na nakita niya ay mukhang kanina pa sila naroon, at kanina pa siya natutulog. "Ang himbing ng tulog ko, hindi ka magising," sagot naman nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pamulahan ng mukha sa sinabi nito. "I'm sorry," wika naman niya dito. "Tinulugan kita." "No worries," wika naman nito. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Hmm...bukas mo na lang balikan ang kotse mo do'n sa restaurant. Hiramin mo na lang muna ang kotse ko. Baka magabihan ka pa kung babalikan mo pa iyon," mayamaya ay wika niya. "Okay lang," sagot naman nito. "Hiramin mo na ang kotse ko," pamimilit naman niya. At para hindi na ito makatanggi ay tinanggal na niya ang seatbelt niya at bumaba na siya ng kotse. Yumuko din siya para silipin si Gregory do'n. She smiled at him. "Thank you, Greg. At ingat ka," wika niya dito. Napansin naman niya na saglit itong napatitig sa kanya bago ito tumango. Umayos naman siya mula sa pagkakatayo niya ng paandarin na nito ang kotse. Bumusina naman si Gregory bago ito tuluyang umalis. Tinanaw lang naman ni Paige ang papalayong sasakyan niya na minamaneho ni Gregory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD