Chapter 7

2279 Words

SAKTONG kakalabas lang ni Paige sa banyo ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table niya. Akmang lalapit siya sa cellphone niya ng huminto iyon sa pagtunog. Gayunman ay nagpatuloy pa din siya sa paglalakad para kunin ang cellphone at tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At hindi niya napigilan ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makita at mabasa niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Si Gregory. Bihira lang naman itong tumawag sa kanya.Tatawag lang naman ito sa kanya kung importante. Agad naman siyang nag-call back sa isiping baka importante nga ang sasabihin nito sa kanya kung bakit ito tumatawag. Nakadalawang ring naman ay sinagot nito iyon. "Hello," wika nito sa buong-buong boses. Tumikhim mo na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD