IBINAGSAK ni Paige ang katawan sa sofa pagkapasok niya sa loob ng condo niya. She was tired from her taping but it's okay.
Saglit din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Sakto namang pagkatayo niya ay ang pagtunog ng cellphone niya. Kinuha naman niya iyon sa bulsa ng suot niyang pantalon at nakita niya na ang Mama Anna niya ang tumatawag sa kanya.
"Hello, Ma?" wika niya nang sagutin niya ang naturang tawag. Nagsimula din siyang humakbang papasok sa loob ng kwarto niya. "Napatawag po kayo?" tanong niya ng makaupo siya sa gilid ng kama niya ng makarating siya do'n.
"Well, gusto lang naman kita na i-remind tungkol sa dinner natin mamaya," wika sa kanya ng Mama Anna niya.
Oo nga pala. May family dinner sila mamayang gabi. Every friday naman ay may family dinner sila. Hindi lang simpleng dinner iyon na sila-sila lang magpapamilya. Kasama nilang magdi-dinner ang pamilya ng bestfriend ng Mama niya na si Tita Nancy--na Mama ni Gregory. And speaking of which, alam din niyang naroon din sa dinner ang lalaki.
"Yes, Ma. Hindi ko po nakakalimutan," wika naman niya sa Mama niya. At kahit na nakalimutan niya ay alam naman niyang ire-remind siya ng Mama niya tungkol do'n.
"Mabuti naman kung ganoon," wika nito sa kanya. "And please, Paige. Don't be late. The last time, twenty minutes ka naming hinintay," wika naman ng Mama niya.
Pinagdikit naman ni Paige ang ibabang labi. She's guilty as charged. Last time kasi na may family dinner sila ay na-late siya ng dating.
Natulog pa kasi siya dahil medyo maaga pa naman. Nag-set pa siya ng alarm pero mukhang ang himbing nang tulog niya dahil hindi niya nagising noong nag-alarm ang cellphone niya. "Don't worry, Ma. Hindi po ako mali-late. Baka mauna pa nga ako sa inyo do'n," wika niya sa Mama niya.
"Okay," wika din nito sa kanya.
Ilang minuto din silang nag-usap ng Mama niya hanggang sa nagpaalam na ito sa kanya. Magkita na lang daw sila mamaya sa restaurant kung saan sila magdi-dinner.
Ipinatong naman niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay napatingin niya sa wall clock niya. May isang oras pa naman bago ang dinner nila. Gusto niyang matulog pero baka mapasarap na naman ang tulog niya kaya nag-desisyon siyang huwag na lang.
Nagpahinga na lang siya saglit pagkatapos ay naligo at nagbihis siya. Napili niyang isuot ay isang off shoulder dress na kulay red. Ipinusod din niya ang mahabang buhok. May ilang hibla ng buhok na kumawala mula sa pagkakatali niya pero hinayaan lang niya iyon. Light make-up lang din ang ginawa niya dahil natural naman na mamula-mula ang mukha niya. At nang makontento siya sa hitsura ay umalis siya mula sa harap ng vanity mirror niya.
Napatingin ulit siya sa wall clock niya at nakita niyang may twenty minutes pa siya. Pero napag-pasyahan na lang niyang umalis para hindi na siya ma-late at baka ma-traffic pa.
Kinuha na niya ang sling bag niya at inilagay niya do'n ang cellphone niya. Kinuha din niya ang remote control key ng kotse niya at lumabas na siya ng kwarto at deretso na siyang lumabas ng condo. Siniguro mo na niyang nakasara ang pinto ng condo niya bago siya tuluyang umalis.
Pagkarating niya sa parking lot ay agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon paalis. Mabuti na lang at umalis siya ng maaga dahil na-traffic siya. Dumating nga siya sa restaurant kung saan sila magdi-dinner ng 5:55. Alas sais kasi ang family dinner nila.
Nang maiparada niya ng kotse ay bumaba na siya do'n. Humakbang na siya papasok sa nasabing establishemento.
"Good evening, Ma'am," bati sa kanya ng staff ng lapitan siya nito.
She smiled at him. "Good evening," she greeted back.
"Do you have any reservation, Ma'am?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya. Pagkatapos ay sinabi niya dito ang reservation nila.
"Oh, this way, Ma'am," wika nito. Sinamahan pa siya nito kung saan ang reservation niya. Kapag magdi-dinner sila ay private room ang kinukuha nila for privacy na din. Minsan kasi may lumalapit sa table nila para magpa-picture at magpa-authograph sa kanya.
Binuksan nito ang pinto. "Thanks," sabi naman niya ng makapasok siya sa loob.
Ngumiti lang naman ito. Iniwan naman na siya nito do'n. Umupo naman siya sa silya sa harap ng pabilog na table habang hinihintay niya ang mga kasama niya.
Hindi naman siya naghintay nang matagal do'n. Dahil sabay na dumating ang mga magulang niya at magulang ni Gregory.
Tumayo naman siya para salubungin ang mga ito. Nagmano siya sa mga ito bilang paggalang.
"You're beautiful as ever, Paige," komento naman ni Tita Nancy niya. "Nagmana ka talaga sa akin," dagdag pa nito sa natatawang boses.
Tumawa naman ang nakarinig sa sinabi nito. "Oo nga po. Ang ganda niyo din po," sabi din niya.
Tita Nancy laughed. "Of course, wala sa lahi natin ang pangit," wika nito. "Right, Asunta?" wika nito sabay sulyap sa Mama niya.
"Of course. Tingnan mo ang dalawang ito, patay na patay sa atin." Tukoy ng Mama niya sa asawa ng mga ito.
Iiling lang naman si Paige nang makitang nag-hi five ang Mama at Tita Nancy niya. Mag-bestfriend talaga ang dalawa.
Pagkatapos niyon ay umupo na sila. Mayamaya ay napatingin siya sa Papa ni Gregory na si Tito Nataniel ng magsalita ito.
"Where's Gregory?" tanong nito.
"Nag-text siya sa akin kanina. Mali-late siya ng konti dahil late ng natapos ang meeting niya," wika naman ni Tita Nancy.
"Oh," sambit naman ng asawa nito. "Let's order first then. Para pagdating niya ay kakain na tayo."
"Okay," halos sabay na sagot ng mga ito.
Tinawag ng mga ito ang staff para um-order na. Binigyan naman sila ng tig-iisang menu. At nang makapili sila ng oorder-in ay sinabi nila iyon sa staff na naghihintay sa kanila.
"So, how's life, Paige?" Napatingin si Paige kay Tita Nancy ng tanungin siya nito.
"Okay lang naman po, Tita. Dati pa din," sagot niya.
"Napanuod ko iyong drama mo. Ang galing mo talaga. Pati ako nadadala sa eksena," wika pa nito sa kanya.
Tumawa naman si Tito Nathaniel. "Naubos nga niya ang isang roll ng tissue," wika nito.
"I can't help it. Nakakadala kasi ang pag-iyak niya."
Ngumiti lang naman siya. At akmang bubuka ang bibig ni Tita Nancy para sana magsalita ng mapahinto ito ng makarinig sila ng katok na nanggaling sa labas ng pinto. Mayamaya ay bumukas iyon. Sabay naman silang tumingin do'n ng pumasok si Gregory.
Pinagdikit naman niya ang mga labi nang makita niya ito. Nakasuot ito ng puting long sleeves. Nakalihis ang manggas niyon hanggang sa siko nito kaya kita niya ang mumunting balahibo at ugat nito sa kamay.
He looks dayum hot right at the moment. And right now, she couldn't take her eyes off him. Para kasing may magnetiko na naghihila sa kanya para makipagtitigan dito.
"Good evening," bati nito sa buong-buong boses ng makalapit ito sa mesa nila.
Saglit naman na napatingin ito sa gawi niya. At kahit na saglit lang nagtama ang mga mata nila ay bumilis pa din ang t***k ng puso niya.
Relax, heart, saway niya sa puso.
"Maupo ka na, Gregory," wika naman ng Papa niya. At dahil bakante ang upuan na nasa tabi niya ay do'n ito umupo.
Umayos naman siya mula sa pagkakaupo niya ng makatabi ito sa kanya. Pinagdikit din niya ang mga labi ng maamoy niya ang mabangong amoy nito. And she love his smell.
Sakto din na pagkaupo nito ay sinerved ng staff ang mga order nilang pagkain. Ang Mama din niya ang nag-pray para sa pagkaing nakahain sa mesa.
"Amen," halos sabay-sabay na wika nila.
"Let's eat," anunsiyo ni Tito Nathaniel.
Nag-umpisa naman na silang kakain. Akmang kukuha siya ng ulam ng kukuha din si Gregory. Ang nagyari tuloy ay nahawakan nito ang kamay niya. At gaya ng madalas niyang nararamdaman kapag magdidikit ang mga kamay nila ay nakaramdam ulit siya ng kakaibang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan. At alam niyang naramdaman din nito iyon dahil mabilis nitong inalis ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
"I'm sorry," wika nito sa baritonong boses.
"It's o-okay," halos pabulong lang naman niyang wika. Pinauna naman siya nito na kumuha ng ulam bago ito sumunod.
At sa sumunod na sandali ay nagsimula na silang kumain na sinamahan nila ng pagku-kwentuhan. Hanggang sa napunta ang usapan nila tungkol sa napagkasunduan ng mga magulang nila noon.
"So, Paige and Gregory, kailan kayo papayag sa napagkasunduan namin ni Asunta?" mayamaya ay tanong ng Mama ni Gregory.
Mula naman sa gilid ng mata niya ay napansin niya na natigilan sa pagsubo si Gregory sa sinabing iyon ng Mama nito. "Can we not talk about it here, 'Ma?" he said in a serious voice.
Sumang-ayon naman ang Papa niya sa sinabi ni Gregory.
Hindi naman na inungkat ni Tita Nancy ang tungkol sa napagkasunduan ng mga ito. Sa tuwing may family dinner sila ay laging inuungkat ng mga ito ang tungkol sa napagkasunduan ng Mama at Mama nito pero lagi sinasabi ni Gregory na ayaw nitong pag-usapan iyon. Well, naiintindihan naman niya ito. Against kasi ito sa gustong mangyari ng magulang nila. And everytime he said that, hindi niya napigilan ang masaktan. Of course, she love him kaya hindi niya masisisi ang sarili na masaktan. Iisa lang kasi ang ibig sabihin niyon, ayaw nito sa kanya kaya ayaw nitong magpakasal sa kanya.
At sa sandaling iyon ay nawalan tuloy siyang ganang kumain. Pero pinilit pa din niya para hindi siya mahalata. Namayani din ang katahimikan sa kanila hanggang sa matapos silang kumain lahat.
"So, how's the company, Gregory?" mayamaya ay basag sa katahimikan ng Papa niya.
"It's okay, Tito Anthony," sagot naman nito.
"I heard, nakuha mo daw si Franco De Asis na investor sa kompanya mo?"
"Yes, Tito," sagot nito. Sa sumunod na sandali ay puro negosyo lang ang pinag-uusapan ng mga ito.
Tahimik lang naman si Paige sa kinauupuan niya. Hindi kasi siya maka-relate dahil wala naman siyang ideya about sa negosyo. Isinandal naman niya ang likod sa silya. Hindi din niya napigilan ang mapahikab. Inaantok kasi siya.
Habang abala naman ang mga kasama niya ay sinubukan niyang ipikit ang mga mata para naman makapag-relax siya.
Pero mayamaya ay nagmulat siya ng mga mata ng marinig niya ang nag-aalang boses ng Mama niya.
"Are you okay, Paige?" tanong nito sa kanya.
Napansin naman ni Paige na sa kanya tumuon ang tingin ng kasama niya. At nang mapatingin siya sa kanyang tabi ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito pero magkasalubong naman ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. Umayos din siya mula sa pagkakaupo niya. "Okay lang po ako, Mama. Medyo inaantok lang," honest na sagot naman niya.
"Oh, hindi ka ba nakakatulog ng maayos?" tanong naman ni Tita Nancy niya sa kanya.
Tumango lang naman siya bilang sagot. "Hating gabi na po kasi natapos ang taping namin," pag-amin niya. There's no need to lie with them about her work.
"That's what you got from your choosen career," malamig na boses na wika ni Gregory. Napatingin naman siya dito ng magsalita ito, hindi lang sa boses nito mababakas ang kalamigan. Pati na din ang ekspresyon ng mukha nito. "Maraming pwedeng pasukin na trabaho. Pero mas pinili mong propesyon ang maging artista," dagdag pa na wika nito sa malamig na boses. "Kulang na nga lang sa tulog, wala pang privacy."
"Gregory," saway naman ni Tita Nancy sa anak nito.
"It's okay, Tita Nancy," wika naman niya dito. Ngumiti naman siya kahit na nakaramdam ng puso niya ng kirot. Ayaw na ayaw talaga ni Gregory sa pinili niyang propesyon pero wala siyang magagawa. It was her dream.
At dahil artista siya, at magaling siyang umarte ay hindi napansin ng mga ito na nasaktan siya sa mga sinabi nito. Napansin naman niya ang paninitig ni Gregory sa kanya pero hindi lang niya ito pinansin. Hindi na din ito umimik pa.
Nagpatuloy na ang mga ito sa pagku-kwentuhan. Nag-excuse naman siya. Sinabi niyang pupunta siya ng restroom. Tumayo naman siya at lumabas siya ng private room na kinaroroonan at dumiretso siya sa kinaroroonan ng restroom.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng walang tao do'n. At pagkapasok nga niya ay pumatak ang butil ng luha na kanina pa niya pinipigilan. Mabilis naman niyang pinunasan ang iyon sa kanyang pisngi. To be honest, nasaktan siya sa sinabi nito. Para kasing sinabi nito sa kanya na walang kwenta ang pinili niyang propesyon. Na walang kwenta ang pangarap niya.
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay kinuha niya sa loob ng sling bag ang powder niya at nag-retouched siya. Ilang segundo din siyang nanatili do'n hanggang sa napagpasyahan niyang lumabas ng restroom.
Paglabas ay nagulat siya nang makita niya si Gregory na nakasandal sa gilid ng pinto ng restroom.
At nang makita siya nito ay umalis ito mula sa pagkakasandal nito. Mukhang sinundan siya nito roon.
"Paige," banggit nito sa pangalan niya.
Tumikhim naman siya. "Yes? May kailangan ka?" Nagpasalamat siya dahil hindi pumiyok ang boses niya.
Bumuntong-hininga naman ito. Saglit din siya nitong tinitigan hanggang sa magsalita ito. "I'm sorry. I went over the line," wika nito sa kanya.
The damage has been done, gusto sana niyang sabihin pero hindi na lang niya sinabi. "Apology accepted," wika naman niya. "Hmm...balik na tayo sa loob?" sabi naman niya dito. Hindi naman na niya ito hinintay na magsalita. Sa halip ay nilagpasan na niya ito. Pero nakakadalawang hakbang lang siya ng mapatigil siya ng may naisip siyang sabihin kay Gregory.
"Anyway, Gregory. Being an actress is one of dreams," wika niya dito nang hindi man lang ito nililingon. "And I am happy because I reached my dream kahit na may kaakibat iyon ng pagod at puyat. It's worth it after all," dagdag pa na wika niya.
Hindi naman niya ito hinintay na magsalita. Nagpatuloy na siya sa paghakbang.