"BY THE power invested in me, I now pronounce you husband and wife. You may kiss your wife, Gregory." Hindi napigilan ni Paige ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata ng i-anunsyo iyon ng judge na nagkakasal sa kanila ni Gregory na mag-asawa na sila. Mabilis lumipas ang mga araw. Noon pinag-uusapan lang nilang dalawa ang tungkol sa pagpapakasal nila. Ngayon ay sumapit na ang araw ng kasal nila. Hindi na din natuloy ang pinag-usapan nila ni Gregory na sa ibang bansa sila ikakasal, sa Pilipinas na sila ikinasal at ang nagkasal sa kanila ay ang kilala ng Papa ni Gregory na isang judge. Noong una ay tutol ang mga magulang nila na ikasal sila ng lihim, na ikasal sila sa isang civil wedding lang. Gusto ng mga ito na engrandeng kasal ang magaganap. Pero kinausap nila ang mga magulang ng masi