NAPATITIG si Paige sa wedding ring na nakasuot sa daliri niya. Hindi naman niya napigilan na haplusin iyon habang nakatitig siya sa singsing. Patunay din ang wedding ring na iyon na hindi na siya single, she was married now. Asawa na niya si Gregory. At nang mabanggit niya ang pangalan ni Gregory ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Si Gregory na din ang pumili ng design ng wedding ring nilang dalawa. Tinanong lang siya nito kung ano ang size ng daliri niya. At kahit na ito ang bumili ng singsing ay nagustuhan pa din niya ang design na pinili nito. At saktong-sakto iyon sa daliri niya na para bang para sa kanya talaga ang singsing. Para sa kanya naman talaga iyon dahil siya ang binilhan ni Gregory, napailing na lang naman siya sa naiisip. Hinaplos-haplos naman niya