Chapter 1

1387 Words
“I PROMISE to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life.” Tahimik na nakaupo siya sa isang sulok habang pinagmamasdan ang dalawang ikinakasal na nagpapalitan ng wedding vows sa harap ng pari na nagkakasal at sa lahat ng tao na naroon sa loob ng simbahan para saksihan ang pag-iisang dibdib ng mga ito. Mababakas sa mga mukha ng dalawa ang kasiyahan. Makikita din sa mata ng dalawa ang pagmamahal sa isa’t isa. Samantalang siya’y nasa isang sulok ng simbahan nag-iisa at nagdadalamhati dahil ang lalaking ikinakasal ay ang nag-iisang lalaking pinag-ukulan niya ng oras at panahon. The one and only man she love, her first love. Mukhang nakikisimpatya din ang langit sa kalungkutan niya dahil bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mata. Inalis niya ang suot na shades para punasan ang luhang pumatak sa mata niya. Huminga siya ng malalim, kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng mga ito. Kailangan niyang ipaglaban ang pagmamahal niya sa lalaki. Hindi siya uupo sa isang sulok lang at hayaang magsisi siya habang buhay na walang ginawa para ipaglaban ang lalaking minamahal. Sa muling pagkakataon ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay lakas loob siyang tumayo at dahan-dahan naglakad sa gitna ng aisle. Naagaw niya ang lahat ng atensiyon ng tao na naroon sa loob ng simbahan.  “Itigil ang kasal!” Sigaw niya ng nasa gitna siya ng aisle. Bakas sa gulat sa mata ng dalawa ng lingunin siya. Hindi niya pinansin ang mga taong nagbubulongan pagkatapos niyang sumigaw. Sa halip ay ipinukos lang niya ang tingin sa lalaki. “F-francis, alam kung ako ang mahal mo at hindi ang babaeng iyan. So, please `wag mong hayaan ang sarili mo na matali sa isang babae na hindi mo talaga mahal. Huwag mong hayaan ang sarili mo na magsisi sa bandang huli dahil ang babaeng pinakasalan mo ay hindi mo talaga mahal,” nagsusumamong wika niya, hinayaan na lang niya ang luhang pumatak sa mata niya. “Mahal kita, Francis. Mahal na mahal kita.” Mula sa nanlalabong mata ay nakita niya ang bahagyang pag-iling nito. “I’m... sorry. Pero iba na ang mahal ko at hindi na ikaw iyon,” wika nito sa kanya. Para siyang kandilang natutunaw sa oras na iyon lalo na nang makita niyang hinawakan nito sa kamay ang babae ng mahigpit na para bang sinasabi sa kanya na ‘Walang makakapaghiwalay sa amin kahit sino’. Kinagat niya ang ibabang labi. “T-totoo ba ang sinasabi mo?”  Nang tumango ito ay hindi niya napigilan ang mapahagulhol sa sakit na nararamdam. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa oras na iyon. Hindi niya inaasahan na masasayang lang ang effort niya para pigilin ang kasal. Naitakip niya ang kamay sa mukha para itago ang kahihiyan sinapit niya. Mas lalong lumakas iyong naririnig niyang bulongan.  “Cut!” Do’n lang inalis ni Paige ang kamay na nakatakip sa kanyang mukha ng marinig niya ang sigaw ng director. “Nice take, Paige,” wika nito ng balingan niya ito sa kanyang gilid, nakita pa niyang nag-thumbs up pa ito sa kanya.  Isang ngiti lang naman ang isinagot niya dito. Pagkatapos niyon ay napatingin siya sa kanyang likod nang makita niyang humahangos palapit sa kanya si Asunta—ang kanyang Personal Assistant.  “Miss Paige,” banggit nito sa pangalan niya ng tuluyan itong nakalapit. Pagkatapos niyon ay inabutan siya nito ng Tissue. Agad naman niya iyong tinanggap.  “Thanks,” sambit niya. Pinunasan naman niya ang luha na namalibis sa kanyang pisngi gamit ang tissue na ibinigay sa kanya ni Asunta.  “Ang galing niyo po, Miss Paige,” komento nito sa kanya.  Nginitian lang naman niya ito bilang sagot. Paige Celeste is a well known actress here in the Philippines. Bata pa lang siya noon ay hilig na niyang umarte kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataon ay sumabak siya sa showbiz. Nag-auditioned siya sa isang talent show sa isang kilalang network. So far, so good ay siya ang nagwagi sa talent show na sinalihan. At simula noon ay doon na siya nakilala bilang Paige Celeste—isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas.  Naging succesful naman si Paige sa piniling larangan dahil kabilaan ang nakukuha niyang awards sa mga pelikula na ginagawa niya. Hindi lang iyon, suki din ang mukha niya sa Magazines, Variety and Mall shows at sa TV commercials din.  Ngumiti lang din naman si Asunta sa kanya. “Oh, siya nga po pala, Miss Paige. Nandito po si Sir Gregory,” mayamaya ay imporma nito sa kanya.  Kasabay naman ng panlalaki ng kanyang mga mata ay ang pagtibok ng mabilis ng puso niya ng marinig niya ang pangalang binanggit nito. “N-nandito si Gregory?” Tumango ito bilang sagot. Pagkatapos niyon ay sumulyap ito sa bandang likuran. Sinundan naman niya ang tinitingnan nito. At nakita nga niya si Gregory do’n. Nakasandal ito sa pader, nakayuko na para bang nababagot na ito.  Saglit siyang nakatitig dito hanggang sa ibalik niya ang tingin kay Asunta. “Kanina pa ba siya?” tanong niya.  “Medyo po, Miss Paige,” sagot nito sa kanya.  “Oh,” sambit niya. Kung kanina pa ito, ibig sabihin ay napanuod nito ang taping niya? Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Nagpaalam siya kay Asunta na lalapitan niya si Gregory. Nang ngumiti ito ay naglakad na siya palapit sa lalaki. At habang palapit siya ay palakas na palakas ang t***k ng puso niya.  Hindi masisi ni Paige ang sariling puso kung ganoon ang t***k niyon dahil may nararamdaman siya dito noon pa.  Simula noong tumibok ang puso niya ng mabilis noong hawakan siya ni Gregory sa kamay paalis sa Theater Room noong college pa sila ay do’n niya naamin sa sarili na may nararamdaman siya para sa lalaki. But her love for him is a secret. Inilihim niya iyon dahil sa kanilang dalawa ay siya lang ang nagmamahal. It was unrequited love.  Sa katunayan nga ay bata pa lang sila ay pinagkasundo na sila ng mga magulang nila. Mag-bestfriend kasi ang mga Mama niya at ang Mama nito. Honestly, she was not against with the Arranged marriage. Gusto nga niya iyon, eh. Pero agaisnt si Gregory sa napagkasunduan ng magulang nila. At sa tuwing tumututol ito sa napagkasunduan ng mga magulang ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng sakit. Nakakaramdam ang puso niya ng kirot. Ang ibig sabihin kasi niyon ay wala talaga itong nararamdaman para sa kanya.  “Gregory,” tawag niya sa atensiyon nito ng tuluyan siyang nakalapit. Nag-angat naman ito ng tingin ng marinig nito ang boses niya. At tumutok agad ang malamig na titig nito sa kanya. Sanay naman na siya sa klase ng titig na ipinagkakaloob nito. Simula noong naging artista siya ay ganoon na ito. He became aloof, cold and distants to her.  Tuluyan siyang lumapit dito, umayos naman ito mula sa pagkakatayo. “What are you doing here?” tanong niya dito.  Sa halip naman na sagutin siya nito ay tiningnan nito ang wristwatch na suot nito. “I came here to fetch you,” sagot nito ng muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya. Hindi naman siya nagsalita, tumitig lang siya dito. At sa sandaling iyon ay grabe ang kabog ng dibdib niya habang pilit niyang sinasalubong at malamig na titig nito. “Tinawagan ako ni Mama. Isabay na lang daw kita sa restaurant,” dagdag pa na wika nito.  “Oh,” sambit naman niya. May dinner date kasi ang pamilya nila Gregory. Last week pa iyon naka-schedule.  Inalis naman ni Gregory ang tingin sa kanya at inilipat nito iyon sa buong set. “Tapos na ba ang taping niyo?” tanong nito ng muli nitong ibalik ang tingin sa kanya.  “Tapos na,” sagot naman niya. Last scene na kasi ang kinuhang eksena kanina. Pagkatapos niyon ay aalis na sila.  Tumango-tango naman ito. Isinuksok nito ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. “Okay. I’ll wait you outside,” wika nito sa kanya. Hindi na din siya nito hinintay na magsalita. Sa halip ay tumalikod na ito at naglakad na palabas ng simbahan.  Nasundan lang naman ni Paige ang papalayong likod ni Gregory. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD