CHAPTER 4: I Like Her

1324 Words
Lorna Ngunit muli akong nabalik sa katinuan nang maramdaman ko na naman ang kamay niya sa p********e ko at marahan na itong humahaplos doon. Bigla ring lumarawan sa isipan ko ang mukha ni Darell. Malakas ko siyang itinulak at kaagad na umatras mula sa kanya. Napatitig naman siya sa akin. Tinangka pa niyang lumapit muli ngunit dinuro ko na siya. "Subukan mo. Subukan mo pang lumapit sa akin, makakarating na ito sa kuya mo." Matapang kong sinalubong ang mga mata niya at ipinakita sa kanya na hindi ako nagbibiro. Ngunit imbes na matakot ay ngumiti pa siya na tila nasisiyahan pa siya. "Do you think if my brother finds out about this, he'll still marry you?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. Mas lalo pa siyang ngumisi. "I've touched everything in you and there was a time you let me." Bumadha bigla ang takot sa dibdib ko. "H-Hindi totoo 'yan. H-Hindi siya maniniwala sa iyo." "Really? What if he sees this?" Tumalikod siya at lumapit sa bintana. May bagay siyang kinuha sa taas ng mga kurtina at pinaglaruan ito ng mga daliri niya. Napakunot ang noo ko sa bagay na 'yon. Bahagya niya itong ipinakita sa akin at gano'n na lamang ang paninigas ko nang mapagtanto kong isa itong wireless cctv camera. What the hell? Gano'n na lamang ang pagdagundong ng kaba sa dibdib ko. "Scared?" "A-Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Bakit mo ba kami ginugulo?!" Nag-umpisa nang mangilid ang mga luha sa aking mga mata. Gulong-gulo na ako at hindi na mapangalanan ang takot na namamayani ngayon sa dibdib ko. Paano nga kung makarating 'yan kay Darell? Siguradong isusumpa niya ako! At hindi ko kakayaning layuan niya ako at mawala siya sa akin! "Pagbayaran mo ang ginawa mong pagpatay sa mga kapatid ko." "A-Ano?" Halos mawalan ako ng balanse sa mga sinabi niya. "P-Pinatay? A-Ako?" Hindi ako makapaniwala. Kailan pa ako nakapatay ng tao? Bakit hindi ko alam? Wala akong matandaan. "Lorna. Monsanto. I will never forget you. 'Yan pa rin ang mukha mo at pangalan mo noong sabay mong tinuhog ang mga kapatid ko. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano ka nagpa-baboy sa kanila at kung paano sila nagpatayan nang dahil sa iyo." Unti-unti nang nagdidilim ang kanyang anyo, kasabay nang unti-unti na ring pagtalim ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. Muli naman akong napaatras. Sunod-sunod nang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. "H-Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. W-Wala akong pinapatay. Hindi ko kilala ang mga kapatid mo." "Alvin and Amir Guce--" "Hindi ko sila kilala! At hindi rin kita kilala!" "Bullshit--" Tinangka niya ako muling sugurin ngunit muli na naman kaming nakarinig nang sunod-sunod na katok sa pinto. "Lorna?" Narinig naming muli ang tinig ni Darell mula sa labas na siyang ikinahinto niya. "Aren't you done yet?" "D-Darell, n-nandyan na ako." Halos bumigay na ang mga tuhod ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Patuloy akong umiiling at nagmamakaawa habang nakatitig kay Denver. Ngunit hindi man lang nagbago ang talim ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. "I'm warning you, stay away from my brother. I'm watching over you," aniya bago siya tumalikod at lumabas sa balcony. Nakita ko ang pagtalon niya doon patungo sa kanang bahagi. Doon na ako tuluyang nanghina. Napasalampak na lamang ako sa sahig. Gulong-gulo ang isipan ko. Para nang sasabog ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang mga ibinibintang niya sa akin. Wala akong natatandaan na kahit ano sa mga sinabi niya! Hindi ako mamamatay tao! Wala pang lalaki ang nakakagalaw sa akin! Virgin pa ako! My goodness! Ilang minuto ako nakatulala lang sa kinauupuan kong sahig. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko sa pisngi. Ngunit kaagad ko na rin ang mga itong pinunasan at pinilit na muling makatayo. Hindi ako p'wedeng magpadala sa kanya. Alam ko sa sarili ko ang katotohanan. Malinis ang kunsensiya ko at wala akong pinatay na mga tao, lalong wala pa akong kinalantare na sinumang lalaki katulad nang mga sinabi niya. Isinuot ko ang underwear ko, pati ang mga damit ko. Muli kong inayos ang sarili ko. Hindi ako p'wedeng makitang ganito ni Darell. Siguradong magtataka siya. Nagpulbos ako at nagpahid lang ng manipis na lipstick sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nangangapal pa rin ang mga ito hanggang ngayon at parang nararamdaman ko pa rin ang ginawang paghalik sa akin ng lalaking 'yon. Siya pa lang din ang kauna-unahang lalaki na nakagawa nito sa akin. Ni hindi ko man lang nararanasan na mahalikan ako ni Darell katulad nang ginawa niya! Nang matapos ako sa pag-aayos ay saglit ko munang inayos ang kama. Siniguro ko munang maayos at malinis ang silid ko bago ko isinakbat ang bag ko sa balikat ko. Tuluyan na rin akong lumabas ng silid. Hindi ko naman nakita na ang bakas ni Darell sa hallway. Siguro ay nakababa na siya. Nagmadali na akong magtungo sa hagdan at sinilip siya sa baba. Ngunit muli na namang kumabog ang dibdib ko nang matanaw ko ang paglabas ni Denver mula sa dining room, may bitbit itong isang tasa nang umuusok na kape. Si Darell naman ay nasa sofa at abala sa phone sa niya. Napatingala din si Denver sa kinaroroonan ko at kaagad na ngumiti. Nagsimula na namang mangatog ang mga tuhod ko ngunit pilit kong nilabanan ang nararamdaman ko. Nagpatuloy na ako sa pagbaba ng hagdan at hindi na lamang siya tiningnan. Pagdating ko sa baba ay saka pa lamang lumingon sa akin si Darell. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin. "Let's have breakfast before we leave." "Ahm, D-Darell. S-Sa apartment na lang ako kakain. Kailangan ko nang makauwi ngayon na, eh." "Why? Is there a problem?" Nangunot naman ang noo niya habang nakatitig sa akin. Bahagya akong lumapit sa kanya. Nakikita ko naman si Denver sa bahaging likuran niya at nakatitig pa rin sa akin habang humihigop ng kape niya. Bumulong na lamang ako kay Darell, "p-parang m-magkakaroon ako, eh. Sumasakit ang puson ko. Wala akong extra pads na dala." "Pabibilhan na lang kita--" "H-Hindi na. B-Baka abutan ako dito, eh. Wala akong pamalit. Sige na, sa bahay na lang, please." "Okay. Are you sure?" "Yeah." "I'll just get my bag." "H-Hindi na ba tayo magpapaalam kay tito?" "He left early." "Okay." "Hey. We're leaving. Papasok ka ba mamaya?" tanong ni Darell kay Denver na ngayo'y humilata na rin sa sofa sa bahaging nakaharap sa kinaroroonan ko. Panaka-naka siyang sumusulyap sa akin. Nilabanan ko rin naman ang mga titig niya. Hindi ako magpapasindak sa iyo dahil wala akong atraso sa iyo. "Yeah. Baka kasi ma-miss ako ng mga chicks ko," nakangisi niyang sagot sa kuya niya. Nakaramdam ako ng inis sa dibdib ko. Chicks? Huh! Siguro ay strategy niya lang ang mambintang para makaisa siya sa mga babaeng gusto niyang makuha. Hinding-hindi siya magtatagumpay. Isinusumpa ko 'yan! Nauna na akong tumalikod at lumabas ng pinto matapos makuha ni Darell ang bag niya at haharap na rin siya sa kinaroroonan ko. "Kuya, I forgot to tell you something." Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Denver. Nag-umpisa na namang lumakas ang kabog ng dibdib ko at mangatog ang mga tuhod at mga kamay ko. "What?" dinig ko rin namang tanong ni Darell sa kanya. "About Lorna." Bigla akong napalingon sa kanya. Muling bumadha ang takot sa dibdib ko. Nagsalubong namang muli ang aming mga mata sa isa't isa. At hayan na naman ang mga makahulugan niyang mga pagtitig sa akin at kakaiba niyang mga ngiti. "What about her?" tanong namang muli ni Darell sa kanya. "I like her." "What?" Pareho kaming napanganga ni Darell sa sinabi niya. Ano bang ginagawa niya?! "I think she's nice... Plus the fact that she's beautiful and sexy." "What the hell. Just mind your own f*****g business." Muli na siyang tinalikuran ni Darell. Ako naman ay halos himatayin na dahil sa mga pinaggagagawa niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD