Lorna Lumipas ang isang buwan na patuloy kong pinagtataguan si Denver. Alam kong pinahahanap na niya ako at patuloy pa rin siyang nagtutungo sa apartment ko. Ako naman ay nanatili na muna sa apartment ni Lindsay. Sinamantala ko ang pagkakataong nag-out of town ang jowa ng pinsan ko kasama ang tunay nitong pamilya, kaya may karamay ang pinsan ko sa pagmumukmok niya. Ewan ko ba sa kanya kung bakit nagtityaga siya sa may sabit na, gayong napakaraming single na lalaki sa buong mundo. Paminsan-minsan ay pumupunta rin ako sa unit ni Darell. Bihira na akong magtungo sa office niya sa pag-aalalang magtagpo na naman ang landas namin doon ni Denver. Ngunit ngayon ay siguradong hindi ko na siya maiiwasan pa. Araw ngayon ng kasal nila kuya Dylan at ate Samantha at isa ako sa mga abay nila. Si D